Awaken
Clarinet's P.O.V
Pasado alauna na ng makauwi ako galing sa school. Na solved na din namin ang kaso at tinatagong lihim sa school. Umakyat ako sa kwarto ni ate Clozily para mag kwento at ibalita sa kanya na ayos na ang lahat at nahuli na ang gumawa nito sa kanya.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto tsaka ako pumasok. Mahimbing padin ang tulog nya kahit limang taon na ang lumipas simula ng maaksidente sya. Nung nakaraang linggo lang namin sya inuwi dito sa bahay dahil nakakapagod pumunta ng hospital at tsaka walang magbabantay sa kanya.
Pinag masdan ko ang ate ko. Masyado ng maputla ang balat nya dahil hindi pa ito nasisikatan ng araw at medyo naiinggit ako dahil ang kinis kinis nya samantalang ako makinis lang.
"Hi ate." umupo ako sa kanyang kama at hinimas ang mahaba nyang buhok. "Kamusta ka na? alam mo ba nahuli na ang gumawa sayo nyan? nandon na sya sa kulungan kasama ng buo nyang pamilya kaya ate gumising ka na." ngayong nahuli na ang pamilyang Coles matatahimik na ang buhay namin. Hindi na namin kailangang matulog ng limang oras para lang masiguro na ligtas ang isat isa.
"Alam mo ba may naghahanap sayo. Miss ka na daw nila at excited na daw silang makasama ka. I bet friends mo ang mga iyon nung nag aaral ka pa."
"Marami ng nakakamiss sayo kaya kailangan mo ng gumising para bumawi sa kanila. Nagtatampo na kasi sila sayo eh." Naalala ko pa nung dinalaw sya ng buong batch nila sa hospital at talagang naiyak ako dahil nakakabagbag damdamin ang ginawa nila.
"Sige ate matutulog na ako, bukas nalang ulit. bibilhan kita paborito mong ice cream pagka uwi ko galing trabaho." Hinalikan ko muna si ate sa noo bago ko patayin ang ilaw sa gilid nya. Tinignan ko pa muna sya ng isang beses bago lumabas ng tahimik sa kwarto nya.
Sa susunod na paggising mo. Sisiguraduhin kong magiging ligtas at masaya ka na ate.
Bevy's P.O.V
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad sakin ang isang makina sa gilid ko at kulay asul na dingding. Sinubukan kong gumalaw dahil kumikirot at namamanhid na ang likod ko.
Ilang araw na ba akong nakahiga dito?
Nang makaupo ako ay nilibot ko ng tingin buong paligid at napag alamang kwarto ko pala to. Hinanap ng paningin ko ang orasan pero hindi mo makita kaya dahan dahan akong umalis sa kama ko para kunin ang cellphone ko sa bag. Nasaan na ba kasi yung orasan?
Nang makatayo ako tsaka ko lang napansin na may nakakabit sa akin at naka konekta sa parang ano to? Tinignan ko itong mabuti at naalalang dextrose pala ang nakakabit sakin.
Bakit parang hospital tong kwarto ko? may sakit ba ako?
Kumapit ako sa wheel ng dextrose at ginawang pang alalay. Pumunta ako sa bintana upang buksan ito dahil isang dim light lang ang ilaw ko dito. Nahirapan pa ako sa pagbukas dahil parang matagal ng panahon na hindi ito nabubuksan. Pagbukas ko ay nasilaw ako sa liwanag ng araw. Parang mabubulag pa yata ako. Pero sinalubong ako ng malamig na hangin.
Dumungaw ako sa bintana at nakita ko ang kapatid kong bunso at si Mama na nagdidilig ng mga halaman. Humikab muna ako bago ako pumunta sa banyo para maligo. Naaamoy ko na kasi ang sarili ko. Tinanggal ko na ang mga nakakabit sa akin bago maligo.
BINABASA MO ANG
History of San Mateo high (COMPLETED)
Teen FictionPag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang lahat? Kakayanin mo kaya? Paano kung binuhay ka lang para ayusin ang lahat ng hindi naayos noon? Gagawin...