Paalam
Bevy's P.O.V
"Ate gising ka na. I miss you so much."
"Hey. Its been a long time. Wake up."
"Baby, I miss you. Mama love's you."
Dahan dahan akong bumangon at tumitig sa pintuan. Gaano ba katagal na mananatili ako dito? Pagod na akong masaktan at pagod na akong mag isip kung ano ba ang kailangan kong gawin sa mga nangyayari.
Simula ng mawala ang pamilya ko lagi nalang akong nakakarinig ng mga boses galing sa kung saan lalo na kapag nakapikit ako. Ginigising nila ako. Oras oras ko silang naririnig. Sinasabi nilang Miss at mahal na mahal nila ako. Pero sino sila? Sila ba ang totoo kong pamilya?
"Ready na ba kayo?" rinig kong sabi ng kung sino sa labas ng kwarto ko.
"Manahimik ka nga!"
"Sandali! wag kang manulak!"
"Aray! masakit kaya!" Muli akong humiga sa kama dahil ang mga kaibigan ko lang naman ang maiingay na iyan. Maya Maya lang ay narinig kong bumukas ang pinto kaya ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi pa ako handang makita sila dahil sila ang dahilan kung bakit mag isa nalang ako.
"Shhh. Natutulog pa sya." boses ni Jayson
"Alam naming natutulog pa sya kaya hindi mo na kailangan pang sabihin yan." pagtataray ni Jane.
"Shut up." saway ni Joy.
"Bobo kasi." hirit pa ni Jane.
Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin kaya bumangon ako habang nakapikit tsaka ako tumayo at lumabas ng kwarto. Ayoko sa presensya nila masyado akong nalulungkot. Sa oras na malaman ko ang lahat ng dapat kong malaman ako na mismo ang papatay sa sarili ko para hindi na madumihan muli ang mga kamay nila.
Bumaba ako at pumunta sa garden sa likod ng bahay. Suot ko pa din ang damit nung araw na naging ghost ako. Umupo ako sa damuhan at dinama ang hangin pang gabi. Kahit dito manlang maramdaman kong hindi lahat ng iniwan ay malungkot merong iba na masaya dahil alam nilang nasa tamang lugar na ang mga mahal nila sa buhay. Alam kong hindi ako nawalan ng literal dahil panaginip nga lang ito. Paniguradong ang mga boses na naririnig ko ay galing sa totoo kong pamilya. Gusto ko na sanang gumising kaso may mga dapat pa akong malaman para kapag nasa totoong mundo na ako ayos na ang lahat.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang presensya ng mga kaibigan ko. Kaibigan ko pa din naman sila kahit anong mangyari. Hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa kanila dahil hindi naman lahat ng nandito ay totoo. Bevy is my name, my fake name so what is my true name? who is my true friends? but I have a friends back then? who is my family? my siblings? my mother?
"Bevy–" Akmang may sasabihin si Jane ng pigilan ko sya.
"Leave me alone." wika ko tsaka tumitig sa kalangitan. Kumikinang na mga bituin ang nagiging sandalan ko kapag alam kong mag isa nalang ako.
"I'm really–"
"Just leave me alone." pag uulit ko pero hindi ko narinig ang mga yapak nila paalis kaya hindi ko nalang sila pinansin.
BINABASA MO ANG
History of San Mateo high (COMPLETED)
Teen FictionPag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang lahat? Kakayanin mo kaya? Paano kung binuhay ka lang para ayusin ang lahat ng hindi naayos noon? Gagawin...