Ice cream
Bevy's P.O.V
"Guys ok lang ba kayo?" Tanong ko sa kanila
"Of course!"
"Yeah"
"Mmm.."
Kasalukuyan parin silang nandirito sa hospital at binabantayan ako
"Anong oras daw makakapunta si Joy?" Tanong ni Xyrille
"Malapit na!!" Masayang wika ni Lee
"Tsk. Excited na naman sya..." Bulong ni Jayson
"Kapag inggit pikit!" Sabi ni Lee na sinasabayan ng tawa
"Kapag kinikilig talon sa tulay..."
Napahinto sa pagtawa si Lee kaya napatingin kami kay Jayson dahil sa sinabi nya
Iniisip ko kung may dalaw si Jayson dahil kanina pa sya ganyan. As in kanina pa sya ganyan magsalita. Napaka brutal!
"Jay, ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ko
"What do you want?" Tanong din ni Xyrille
"Easy Jay..." Kinakabahang sambit ni Lee
"I want to kill Hans..."
Ayan nanaman sya sa ka brutalan nya!!
Tumayo si Xyrille at pumunta sa mini fridge at may kinuhang nagpakinang ng aking mga mata
"Palamig ka muna..." Nilapag ni Xyrille ang buong ice cream kay Jayson kaya wala kaming ibang ginawa kundi panoorin si Jayson na kainin ang isang galon ng ice cream
Nakatulala lang kami ni Lee sa kanya na kulang nalang ay maglaway kami kakatitig sa kanya
Share your blessing bro!!!
Hindi ko namalayan na lumabas pala si Xyrille para bumili ng Apat na galon ng ice cream
Kuminang bigla ang mga mata ko ng ilapag ni Xyrille ang isang galon sa harapan ko
Agad kong inagaw sa kanya ang kutsara at nilantakan ang ice cream ganon din si Lee
"Bawal inggitin ang bwitre..." Wika ni Xyrille kaya Napahinto ako sa pag subo ng ice cream at masama syang tinignan
Humagalpak naman ng tawa si Lee kaya tinignan ko rin sya ng masama pero Hindi natinag ang kasiyahan ni Lee kaya kumain nalang ako ng nakasimangot ang pagmumuka
Grabe naman sya!! Ako ba tinutukoy nyang bwitre!? Pwede naman nyang sabihing pasyente Hindi bwitre!!! Magkaiba yon!
Pero nawala din agad 'yon ng makita ang pinaka hinihintay Kong part sa ice cream
Habang masaya kong nilalantakan ang ice cream naaninag ko na kanina pa pala nakatingin si Xyrille sakin
Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko at sa kanya pero Hindi ko pinahalata na naiilang ako
BINABASA MO ANG
History of San Mateo high (COMPLETED)
Teen FictionPag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang lahat? Kakayanin mo kaya? Paano kung binuhay ka lang para ayusin ang lahat ng hindi naayos noon? Gagawin...