Gift
Bevy's P.O.V
Halos hindi na ako makahinga sa sobrang saya dahil sa wakas gising narin ang pinaka masungit at amazona na si Jane
"A-aray ko!!!" Singhal nya ng sunggaban sya ng yakap ni Jayson
"Sobrang saya ko!!" Umiiyak na usal ni Jayson habang humihigpit ang yakap nya sa Hindi na makahingang si Jane
"Kailangan nating mag celebrate!!!" Masayang wika ni Lee at dali daling kinuha ang cellphone nya tsaka nagpipipindot doon
Hindi rin maalis sa mga labi ko ang sobrang pag ngiti dahil sa kasiyahang nararamdaman ko
"I'm happy for us..." Bulong ni Xyrille na nakatingin sa dalawang magkayakap
Parang Hindi nga!!
"Parating na ang parents nyo" sabi ni Lee pagkapasok palang kaya napalingon kaming lahat sa kanya
"Umiiyak sa saya si tita Ysabella" sabi pa nito habang nakatingin sakin
"H-hindi sabi a-ako m-makahinga..." Sambit pa ni Jane pero hindi talaga natitinag si Jayson kaya lumapit na sa kanila si Xyrille para awatin si Jayson
"Grabe sabik na sabik naman!!" Pang aasar ni Lee pero tumawa lang si Jayson sa kanya at bumitaw na sa pag kakayakap kay Jane
"Bobo ka ba!? Papatayin mo ba ako!!!??" Singhal ni Jane habang nag hahabol ng hininga
"Hinayupak kang hayop kang bwisit ka!!" Sabi pa nito na halos sumabog na ang ulo sa sobrang pula
"Ang sakit naman ng bungad mo!" Napalingon kami sa sumigaw at sumilay nanaman ang ngiti sa mga mukha namin
"Joy ko!!!" Sambit ni Lee at akmang yayakap ng bigla sya ambahan ng suntok ni Joy kaya napatigil sya at ngumuso
"Tsk. Sungit!" Sigaw nya sabay talikod at pasalpak na umupo sa sofa
Nagulat kami ng biglang umiyak si Joy at niyakap ako ganon din si Jane na hindi pa nakaka-recover sa pag yakap ni Jayson sa kanya
"Huhuhuhu....namiss ko kayo! Huhuhuh!!!" Lalong umiyak si Joy ng yakapin sya pabalik ni Jane
"Sorry ha?" Sinserong sambit ni Jane "Hindi kita namiss eh hehehe!" Umalis sa pagkakayakap si Joy at nakangusong hinarap sya nito
"Ang bad mo! Huhuhuhu!!" Umatungal nanaman sya ng iyak kaya natawa nalang kami sa kanya
"Namiss kita Joy.." Sinserong sambit ko kaya lumapit sya sakin at yumakap ulit
"Namiss ko talaga kayo! Huhuhuhu! Bakit kasi ngayon lang kayo nagising! Huhuhuhu!"
"Pwede ba tumigil ka na kaka atungal mo dyan!?" Singhal ni Lee pero hindi sya pinansin ni Joy
"Tahan na Joy... Dapat nga hindi ka umiiyak kasi nakaka pangit!" Biro ko kaya tumahan na sya
"Sus kahit hindi naman umiyak yan pangit parin! HAHAHAHAH!!!" Pang aasar ni Lee kaya galit na tumayo si Joy at sinunggaban ng malakas na batok si Lee na parang mapuputulan na ng leeg
BINABASA MO ANG
History of San Mateo high (COMPLETED)
Teen FictionPag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang lahat? Kakayanin mo kaya? Paano kung binuhay ka lang para ayusin ang lahat ng hindi naayos noon? Gagawin...