Missing/kidnapped Bevy
Bevy lxy's P.O.V
"Bevy umaano ka?" Tanong ni Joy
"Ha?" Takang tanong ko
Ano ba kasi yung UMAANO?
"I mean anong nangyayari sayo? Nakatulala ka eh."
"Ah wala to may iniisip lang"
"Ano?"
"Ikaw"
"Seryoso ako bevy" tinignan ko sya sa mga mata at oo nga seryoso sya
"That logo"
"Anong meron sa logo? Saan?"
"Wala nawala na" tamad kong sabi
"Sus epekto yan ng pagkain mo ng fried chicken!" Sigaw nya sa tenga ko OO SA TENGA KO!!
"Maka sigaw naman!!"
"Panong hindi!? tignan mo nga yang kinakain mo!?" Sabay turo sa Plato ko
"Anong problema? Takang tanong ko
"Hindi mo ba alam!? O Hindi mo talaga inaalam!?"
"Ano ba kasi yun!?"
"Look around you!" Utos nya kaya sinunod ko naman marami paring tao pero mas dumami ngayon
"Marami paring tao kaya an--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong batukan
"Itai! Para saan yon!?"
"Tignan mo silang mabuti!"
Tinignan ko namang mabuti ang mga tao eye to eye pa nga ang ginawa ko at ayun! May napansin na ako!
Nakatingin sila sakin. Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Pero wait parang may mali pinadapo ko ang tingin ko sa food counter at pati mga tao don nakatingin sakin ano bang problema?
Bumaba ako ng tingin para tignan ang Plato ko pero hindi pala Plato ang hawak ko kundi isang malaking tray at puno ng fried chicken wait lang ha? Sa pagkakatanda ko plato ang kinuha ko hindi tray!! Nag mumuka tuloy akong patay gutom!!
"Usong mamigay"
"I want fried chicken"
"I want it too"
"That's my favorite food"
Ayan nakakarinig na ako ng mga bulung bulungan pero hindi naman yata bulungan yon dahil naririnig ko sila!
"So? Gets mo na?" Bulong sakin ni Joy
Isa pa toh! Bumubulong din!
Agad akong tumayo at binalik ang tray ng fried chicken sa food counter sorry na! Nadala lang ng hanging amihan--- ha? I mean nadala lang ako ng kagutuman!
Pumunta ulit ako sa gate para mag welcome ng mga parating na bwisita pero parang wala ng darating kasi 7:45 Pm na ng gabi pero nag kamali nanaman ako! May Itim na van ang huminto sa tapat ng gate at nagsi-babaan ang mga lalaking naka sando at short may swimming ba?
Agad silang naglakad papunta sa kinatatayuan ko ilan din siguro sila sa bwisita ni Fantaesha grabe talaga tong babaknet na toh! Parang isang buong barangay yung bisita! Makita ko lang talaga na may suka at kalat ang mga halaman ko yari ka sakin!
Pero hindi pala sila ilan sa mga bwisita ni Fantaesha ilan sila sa mga hinayupak na kidnappers! sinubukan kong pumalag pero malalakas sila sinubukan ko naring sumigaw pero tinakpan lang ng panyo ang ilong ko and everything went black
××××
Jayson's P.O.V"The hell!" Sigaw ni Xyrille mula sa likuran ko ano bang nangyayari?
"Jayson call the police!" Sigaw ulit nya sa mismong muka ko brad may problema ba sa muka ko!? Sa hindi ko maintindihan kinuha ko ang phone ko at dinial ang papa ko oo pulis kasi ang papa ko
"[Hello?]" Sabi sa kabilang linya
"Dad an--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang agawin ni Xyrille ang phone ko ano bastusan lang!!?
"Tito we need your team now!" Sigaw ni Xyrille sa phone kausap si papa grabe maka sigaw toh! Hoy tatay ko yang kausap mo! Umayos ka!!
"Ano na daw!?" Tarantang tanong ni Jane
Wait ano ba talagang nangyayari!?
"Ano na Jayson tutunganga ka nalang ba dyan!?" Sigaw naman ni Joy sakin
Ano ba!? Kanina nyo pa ako sinisigawan ha!!
"T-teka ano bang nagyayari!?" Tanong ko sa kanila
"Wala ka ba talagang alam!?" Gulat na tanong ni Lee
Kaya nga ako nagtatanong diba? Mag tatanong ba ako kapag may alam ako!?
"Ikaw ang pinaka malapit sa pwesto ni Bevy tapos Hindi mo alam!?" Sigaw nanaman sakin ni Lee
Kanina pa kayo ha!!
"Na kidnapped si ate!" Iyak ni Sofie mula sa bench at pinapatahan ni Fantaesha
Binalik na sakin ni Xyrille ang phone ko at narinig na namin ang serene ng mga pulis agad kaming tumakbo palabas natapilok pa nga ako eh!
"Tanga mo naman! Bilisan mo!" Sigaw ni Jane isa pa toh!
Binilisan ko ang pagtakbo at ayun sakto sa loob ng kotse pinaandar na ni dad ang kotse
Hindi ko alam kung saan kami tutungo nito basta ako nakasakay lang sa loob ng kotse ng mga pulis at inaalala ang mga nangyayari ngayon bakit nga pala hindi ko napansin na nakidnap si Bevy? Ganon na ba ako kamanhid simula kasi ito nung binugbog ako ni Jane kaninang hapon masakit talaga sya manuntok daig pa nya lalaki!
"Ano!? Ako daig pa lalaki!!?" Da hell!! Napalakas yata ang sinabi ng isip ko
Isang suntok ang dumapo sa braso ko aray! Masakit ha!! Wala ako sa mood ngayon para makipag bangayan kay Jane kaya pinili ko nalang na wag syang pansinin
Huminto ang kotse sa harap ng police station dahil mag bibigay daw kami ng statement sa mga nakita namin kanina pero pano ko gagawin yon eh wala nga akong nakita ni isa sa mga kilos o galaw ni bevy at kung paano sya kinuha ng mga kidnappers
Nakita kong bumaba na si dad at sinundan naman ng iba pa kasama sila Xyrille pero ito ako nakaupo parin dahil wala naman silang mapapala sakin kaya mas mabuting dito nalang ako
"Tutunganga ka nalang dyan!?" Sigaw ni Jane at hinampas ng pagka lakas-lakas ang bintana ng kotse kulang nalang tumagos ang kamay nya para mabasag ang bintana at pugutan ako ng ulo
Seryoso ako ha gaano ba kalalim ang galit nito sakin para tratuhin nya ako ng ganito? Pero ok lang mas nadadag-dagan pa nga ang pagmamahal ko para sa kanya
Dapat nga magpasalamat sya sakin kasi ito ako handang mahalin sya at isa pa buti may nagmamahal pa sa kanya na tulad kong gwapo sa kabila ng pang aalipusta nya sakin at sa sobrang sama ng ugali nya pero hindi naman totally masama ang ugali nya may natatagong bait din yan pero hindi ko nga alam kung saan nya natago yon at wala na yata syang balak hanapin pa yon
Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa loob ng police station nakita ko sila Tita Ysabella mother of Bevy na nakaupo sa isa sa mga upuan sa tapat ng police table umupo ako sa tabi ni Joy dahil doon nalang ang bakante kesa naman ipagsik-sikan ko yung sarili ko sa impaktang Jane na yon
Sa hinaba-haba ng pag-uusap nila wala man lang akong naintindihan kahit isa
"We declared that Bevy Lxy is missing!" Sabi ni dad
Missing? Bakit missing eh wala pa namang 24 hrs na hindi nakikita si Bevy? Ganyan na ba talaga katalino si dad?
"Wait! Bevy is missing!?" Tanong ng kung sino sa pinto ng kwarto kung nasaan kami ngayon
"Yes Bevy Lxy is missing." Maotoridad na sagot ni dad
No I can't believe this sino ba ang mga dumukot kay bevy?
BINABASA MO ANG
History of San Mateo high (COMPLETED)
Teen FictionPag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang lahat? Kakayanin mo kaya? Paano kung binuhay ka lang para ayusin ang lahat ng hindi naayos noon? Gagawin...