I'm Back
Clozily's (Bevy) P.O.V
Nagising ako ng puting kisame ang bumungad sa akin. Akala ko nga nasa hospital ako pero andito ako ngayon sa kwartong hindi ko alam kung kanino. Nasaan ba ako?
Tumayo ako at binalak na lumabas pero naka lock ang pinto kaya nilibot ko nalang ang buong kwarto. Hindi naman nakakaboring dahil malaki at maraming pwedeng kalkalin. Kasalanan nila kapag sabog na ang lahat ng gamit dito at hindi pa nila ako pinalabas o kung sino man ang nagdala sakin dito.
Unang nahagip ng mata ko ang box na kumikinang sa mata ko. Anlaki ng ngisi ko ng makita ang laman. Agad akong tumayo at sinalang sa player ang nakita kong CD tsaka ako umupo sa kama at nanood. Pero nang mag play ang CD akala ko mga sikat na artista ang mapapanood ko. Mga hindi kilalang tao ang napapanood ko. Parang kuha ito ng camera sa cellphone at mukang medyo matagal na ito.
Naka suot ng uniform ang mga characters. Dalawang babae at tatlong lalaki. Naagaw ng unang lalaki ang atensyon ko kaya pinaka titigan ko sya ng mabuti at naalala ang lalaking kausap ko bago ako mahimatay. Kamukha nya pari nadin ang mga kasama nya. Hindi kaya artista talaga sila? Pero bakit ang cheap naman ng ginamit nila para sa pagkuha ng film?
Nanatili akong nanonood hanggang sa hindi ko inaasahang makita ang sarili ko. Nakaupo sa damuhan. Paniguradong sa garden ito ng school kung saan palagi akong nakatambay kapag vacant. Pero bakit ako kasali sa film na ito? wala naman akong natatandaan na napasali ako dito.
Pinag masdan ko ang aking sarili sa palabas. Naka suot ako ng salamin habang nag babasa ng libro. Medyo magulo din ang buhok ko at maraming notebook ang nakakalat. Masyado naman yata akong masipag mag aral dito?
Sa tinagal tagal kong pagbabasa bigla nalang may kung ano ang natapon sa ulunan ko kaya nabasa ako pati nadin ang mga gamit na nakapaligid sakin. Sa gulat ay hindi ako nakakilos agad pero nang makabawi agad kong kinuha ang mga notebook at libro tsaka ko tinakbo sa parte ng garden na may sikat ng araw. Hindi naman gaanong nabasa ang mga notebook dahil nakasarado ito, ang pinaka malala ay ang librong binabasa ko. Basang basa ito na hindi na maibuklat dahil mapupunit.
Maya maya ay nakarinig ako ng tawanan sa likod ng puno na inuupuan ko kanina. Tinignan ko lang iyon at hinintay na lumabas ang mga taong paniguradong may gawa sakin nito. Hindi nga ako nagkamali at lumabas sila at laking gulat ko ng makita sila.
Lumapit sa akin ang isang babaeng may maigsi ang buhok tsaka nya kinuha ang libro at pinunit. Wala naman akong magawa dahil paniguradong kapag pumalag ako Hindi sila magdadalawang isip na saktan ako. hinayaan ko lang sila sa ginagawa nila sa mga gamit ko.
Pagkatapos nilang sirain ang mga gamit ko tinawanan nila ako at sinabihan ng kung ano anong insulto. Pati ang may hawak ng phone ay nakikisabay din. Pinag mamasdan ko lang sila habang pinag tatawanan ako ay ng mag sawa ako na ang umalis. Hinayaan ko ng masira nila ang mga gamit ko Huwag lang ang pagkatao ko.
Nawala na ako sa video pero tuloy padin ang pagkuha nito. Maya maya lang ay natapos nadin ang palabas kaya napa isip ako bigla tungkol sa buhay ko noong high school pa ako. Sa pagkakatanda ko marami ang humahanga sakin dahil ako ang captain ng aming dance group. Pero ano itong napanood ko?
Sa lalim ng aking iniisip hindi ko na namalayan na nakapasok na pala ang mga taong nagdala sakin dito. Sila yong mga taong sumira ng mga gamit ko sa video. Nakatingin sila sakin na namamasa ang mga mata kaya napaayos ako ng upo sa kama at yumuko.
BINABASA MO ANG
History of San Mateo high (COMPLETED)
Teen FictionPag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang lahat? Kakayanin mo kaya? Paano kung binuhay ka lang para ayusin ang lahat ng hindi naayos noon? Gagawin...