Chapter 40

9 2 0
                                    

Lost me

Bevy's P.O.V

Yeah right I'm in coma so this world is just my dreams, but this dream is literally true! Argh! This is so annoying!

Tsk. Whatever as long as I'm here in my dreams my body isn't working anymore if I chose to stay here with my fake family and friends

At nalaman ko din na sila ang kaaway at bully ko sa school. Pero dito friends kami kasi kung ayon daw ang gusto Kong mangyari sa buhay ko

True friends, true family, peaceful life, and have a big brain in school

"Bevy come on na!! the welcome party is already done! So go down stairs na!!" Hysterical na sambit ni Jane na akala mo hindi galing sa hospital ang impakta

Inayos ko na ang sarili ko para sa pagpunta namin sa Hindi ko alam na lugar. Hindi naman kasi nila sinasabi

"You look good" napatalon ako sa gulat at nabitawan ang hawak na salamin nang biglang sumulpot sa harapan ko ang mahangin na multo ng panaginip ko

"Jeys! What are doing here!?" Tanong ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya

"Nothing, I was just visiting you..." Nag palutang lutang sa kwarto ko habang pinupulot ko ang nabasag na salamin

"Visiting me? For what?" Umupo sya sa kama ko at nahiga

Bwisit na multo!

"I can feel it...." Malungkot nyang wika

"You feel what?" Na curious ako bigla kaya umupo ako sa kama ko kung saan gusot na ang kumot ko

"For y–" nahinto sa pag sasalita si Jeys ng biglang bumalibag ang pinto ng kwarto ko kaya napatayo ako

"Ano!? Hindi ka pa bababa dyan!?" I rolled my eyes for stopping her to shout again

Sa ganyang paraan ko lang sya napapatigil sa pagsisigaw

"Oh andito pala si Jeys! Ahh kaya pala...." Pinaningkitan nya ako ng mata na para bang may hindi ako sinasabi

"Hi witches!" Bati naman ni Jeys ng makitang nakasunod si Joy kay Jane kaya inirapan lang sya ng dalawa

"Sungit" bulong pa nito sabay irap din sa dalawa kaya ayun nag irapan silang tatlo

Napailing nalang ako sa ginagawa nilang tatlo at nagpatiuna na sa pagbaba

Kanina minamadali ako tapos sila pala itong mabagal dyan. Dumiretso ako sa kusina para magbaon ng ilang chocolate bars kasi alam kong maha high blood nanaman si Jane kay Jayson mamaya panigurado. Eh kahit nga sa hospital high blood si Jane kapag inaasikaso sya ni Jayson mamaya pa kaya na magkatabi sila? Baka nga hindi pa kami nakakarating sa pupuntahan namin nilalangaw at nilalamayan na namin si Jayson sa loob ng van

Mabilis na tumakbo ang oras at nandito na kami sa madilim na lugar at abandoned building na sobrang pamilyar sakin

"We're here!" Sigaw ni Stephen

History of San Mateo high (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon