Chapter 36

23 6 0
                                    

Another life

Bevy's P.O.V

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ng makarinig ako ng kaluskos

"OMG! Clozily you're awake!? Is this true?" Hysterical na sambit ng isang babae

"Who are you?" Nanlaki ang mga mata nyang tumingin sakin na tila may sinabi akong mali

"What!? You don't remember me!?" Hysterical nanaman nyang tugon

Tumayo ako at sinandal ang likod ko sa head board ng aking kama

"Mag tatanong ba ako kung kilala kita?" Tumawa sya ng mahina at kasabay non ang pagbukas ng pinto

Gulat at tuwa ang makikita sa mga mata nila ng makalapit ang tatlong babae sakin

"Oh my!" Sambit ng isang babae na sa tingin ko ay 30 years old na

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin at umiyak sa balikat ko. Nakaramdam ako ng saya na Hindi ko alam kung bakit

Bumitaw sya sakin at tumingin sa mga mata ko. Mababakas ang pangungulila at saya na may halong lungkot sa kanyang mata

"Who are you?" Tanong ko

Gaya ng reaction ng babae kanina ay ganon din ang sa kanya. Hindi ko sila maintindihan kung bakit sila umiiyak ng magising ako

"You don't remember us?" Tanong nya. Tumango lang ako bilang sagot

Ngumiti sya ng pilit at tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ko pumalit naman sa kanya ang dalawang babae na mukang nasa 6 years old at 15 years old

Gaya ng kanina niyakap nila akong dalawa. Bakas ang pagkasabik sa kanila

Sino ba sila?

Kilala ko ba sila?

"We miss you very much ate Clozily!" Masayang wika ng batang babae

"What's your name?" Tanong ko

"Clarissa your cute young sister!" Tumango ako at tumingin sa katabi nya

"And you, what's your name?" Tanong ko. Ngumiti sya sakin bago magsalita

"I'm Clarinet your beautiful sister" sabay yakap ulit sakin

Required ba na may karugtong ang mga pangalan nila?

"And I'm Clindy your goddess mother!" Pakilala ng unang yumakap sakin

"At syempre! Hindi papahuli ang pinaka maganda sa lahat! Ako nga pala si Harlan kine ang best friend mo slash kapatid!" Mahabang litanya naman ng isa

Hayy....

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa kama. Nataranta pa nga sila ng tumayo ako. Ang sabi nila mag pahinga daw muna ako eh paano ko gagawin 'yon kung kakagising ko lang? At iyakan ang sumalubong sakin

History of San Mateo high (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon