Day 4. Secret world
Jayson's P.O.V
Mabilis na natapos ang araw kahapon so its Thursday! Hindi ko alam kung anong ganap pero sa nakikita ko ngayon mukang binuksan na nila ang mga booths kaya nag kalat ang mga students kasama narin ang mga freshmen's kaya mas lalong dumami ang mga basu–students sa school
Andito ako ngayon sa loob ng room namin at hinihintay ko ang pag babalik ni Joy dahil kahapon pa sya na discharge at ngayon na sya papasok ulit si Xyrille at Lee na ang sumundo sa kanya kaya mag isa akong pumasok ng school
Hindi naman ako mukang loner dahil may nakakasabay naman ako nung naglalakad ako papunta sa school at ang masama pa non nakasabay ko si.....Andrean kung sinuswerte ka nga naman kasama pa nya ang tukmol nyang boyfriend na hindi ko alam kung nag-e-exist ba talaga ang mga kagaya nya dito sa earth ay na pag hahalataan!! Masyadong bitter!
"What's with your face?" Takang tanong ni Joy na nasa harapan ko na ngayon nakarating na pala sila?
"Wow deeeeep!" Singit naman ni Lee kurutin ko kaya singit nito?
"Baka" bulong ni Xyrille
Ha? Baka? Kalabaw? Kambing? Tupa? Manok? Baboy? Balyena? Pating? Isda? Tao? Hayop? Bagay? Lugar? Pagkain? Patay? Buhay? Kaluluwa? Anghel? Demonyo? Baliw? Tanga? Impakto? Engkanto? Dwende? Ha...?? Anong konek?
Hindi ko nalang sila pinansin dahil baka kung ano nanaman ang maisip ko tungkol sa baka nayan
Umupo si Joy sa tabi ko at ganon din ang ginawa ng mga impakto kaya nasik-sik nanaman ako kaya lumipat ako sa upuan ni Bevy wala pa naman sya at coma parin ang lagay kaya Hindi pa namin sya makakasama
Nakakamiss lang kasi sya yung funny saming lahat kung baga sya yung clown pero hindi naman sa ganon...pero parang ganon na nga, napatingin naman ako sa katabing upuan ahh kay Jane, si Jane naman ang babaeng amazona na mahal ko, minahal ko at minamahal ko gets nyo? Hay basta! Bakit ko ba na open yang topic nayan? Bakit ko ba iniisip? Tsk!
"Jayson!" Tawag sakin ni Lee Hindi ko sya pinansin
"Jayson!!"
Mang aasar lang kayo!
"Jay!"
Snob..
"Jaysooonn!!"
Snob...
"Babe!"
Ay bwisit...
"Jayson Jay Weldine!"
Thats my complete name...
"HI JANE!" Sabay-sabay nilang sabi kaya napatingin ako sa pinto pero wala naman at nag simula silang tumawa ng malakas as in MALAKAS yung tipo na mabibingi ka kaya tinignan ko silang lahat ng nakakamatay yung iba tumahimik at halatang pinipigilan yung tawa, yung iba naman lalong lumakas ang tawa kaya nanahimik nalang ulit ako
Kinuha ko nalang yung phone ko tutal foundation parin naman kaya hawak namin ang oras yung iba Kong classmate bumaba para daw tignan ang mga booths at yung iba naman Hindi ko na alam yung ginagawa
Pag open ko agad ng FB bungad agad sakin yung article na, na reaserch ko tungkol sa San Mateo high
Nalungkot ako bigla dahil malapit lapit ng dumating yung araw na kinatatakutan ko–namin
Scroll up and down lang ang ginagawa ko kaya nakaramdam ako ng pagka bagot, mag la log out na sana ako kaso may nag pop-up na notification Hindi ko nalang pinansin dahil hindi na bago sakin–samin yon pero may nag pop-up ulit kaya na curious na ako at binuksan yung lintek na notification nayan
BINABASA MO ANG
History of San Mateo high (COMPLETED)
Teen FictionPag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang lahat? Kakayanin mo kaya? Paano kung binuhay ka lang para ayusin ang lahat ng hindi naayos noon? Gagawin...