Day 3. Love life (Ex's)
Jayson's P.O.V
Oo na! edi si Xyrille na ang champagne--Champion!! Ok lang 4th place naman ako at 2nd place naman si Lee buti nga may place parin ako ang masakit pa! Hindi ako pasok sa Top 3!! Feeling ko namali sa pagkakasabi ang emcee nasobrahan sa isa! Ako dapat yung pang 3rd place! Hindi si Philip!
"Hoy Jay! Nakikinig ka ba!?" Bulalas sakin ni Lee "masyado mo namang dinadam-dam ang place mo!" Sigaw nya sa mismong tenga ko Ahh! ang tenga ko! Baka mabingi ako, baka Hindi ko na marinig ang sarcastic–matamis na OO ni Jane kapag sinagot na nya ako sa panliligaw ko sa kanya! Opps! Sorry Hindi ko pa pala sya nililigawan Ehehehe...sorry excited lang! Pero pano ko magagawa yon eh hindi ko nga maamin sa kanya ang nararamdaman ko! Arghh kainis!!
"Jay ok lang yan" sabi ni Xyrille na nasa tabi ko
Hindi ko parin talaga matanggap ang place ko! Bakit ba kasi 4th place lang!? Ginawa ko naman lahat para mahalin ako ni Jane pero bakit 4th place parin ako!? Huh..??
"Kailangan ko ng alak!" Sigaw ko
"Minor palang tayo bungol! Maghintay ka nalang ng birthday mo! Tutal ikaw naman ang pinaka MATANDA satin!" Sermon sakin ni Lee. Ok lang yung sermon nya eh pero yung ipag diinan yung salitang MATANDA aba ibang usapan na yon!!
"Grabe sa salitang MATANDA! Hiyang-hiya naman si manang selya sa edad ko!" Sigaw ko kay Lee na kinatawa ng dalawang Impakto
"Bakit...ahaha...h-hindi hahaha...ba..hahah...totoo?..ahahahah!" Tanong naman ni Xyrille sa gitna ng pagtawa sige! Tawa pa! Mawalan sana kayo ng hininga!
"Happy?" Sarcastic kong tanong
"Sino ba kasi si manang selya?" Seryosong tanong ni Lee wow! Anong nangyari? Bakit naging seryoso bigla ang mga ito?
"Kasambahay namin!"
"Ok"
Hindi ko pa pala nasasabi. Nasa school na kami ngayon at kaka announce lang kaninang umaga ang mga nanalo sa singing contest kahapon so panibagong journey nanaman ang gagawin ni Xyrille
Si Xyrille ang representative namin sa kakanta sya ang pumalit o mas tamang sabihin na ipinalit kay Bevy dahil ang category ngayon ay isa lang sa bawat section ang kakanta at ang mga mananalo ay mag uuwi ng limpak-limpak na study materials! Aanhin ni Xyrille ang mga yon? Kung sila naman ang may ari ng national book store!? Syempre...charot lang! Kasi naman hindi na kailangan ni Xyrille ang mga study materials na matatanggap nya kasi may sariling store yan ng mga school materials!
Wait....hindi pa naman nagsisimula at hindi pa naga announce ng mga nanalo eh bakit ganito na ako maka react? Daig ko pa yung babaeng iniwan ng boyfriend na akala nya buntis sya hindi naman pala huh? Anong konek?
Basta ang mahalaga ay importante. Andito na kami ngayon sa tapat ng entrance sa gymnasium pinag iisipan kung papasok ba kami or hindi pero sa huli pumasok din kami dahil sa banggaan ng mag jowa baka madamay pa kami
Umupo kami sa dating pwesto syempre sa harap medyo konti palang ang mga students kaya nag kwentuhan muna kami ng tungkol sa buhay namin napunta sa grades at ang hindi inaasahang pangyayari napunta sa aming love life
Kahit wala PA ako nyan sige talk lang ng talk!
"Kamusta na nga pala kayo ng Girlfriend mo?" Tanong ni Xyrille kay Lee
"Girlfriend ba kamo? Andun nasa hospital!" Mayabang nyang sagot
"What do you mean nasa hospital?"
BINABASA MO ANG
History of San Mateo high (COMPLETED)
Teen FictionPag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang lahat? Kakayanin mo kaya? Paano kung binuhay ka lang para ayusin ang lahat ng hindi naayos noon? Gagawin...