Dedicated to healax
Charcoal
Bevy lxy's P.O.V
"We're here" sabi ni Jayson
"Tulog sila kaya wag ka na munang maingay"
Tatlong minuto ang lumipas nag alarm ang phone ni Xyrille hudyat para gumising silang lahat
"B-bevy" tawag sakin ni Xyrille na namumungay ang mga matang tinignan ako
"Bakit Hindi mo kami ginising?" Dugtong pa nito
"Baka magalit kasi kayo at tsaka mahimbing ang tulog nyo" sagot ko
"Bevy andito na tayo?" Inaantok na tanong ni Jane
"Oo"
"So let's go!" Yaya ni Jayson na may dalang rosary
Magkadikit naman si Lee at Joy na parang natatakot
Nauna ng bumaba si Jane na mukang excited makita ang nasa labas
Sumunod nadin ang iba pero nag paiwan muna ako dahil hindi ko mahanap yung taling binigay sakin ni Xyrille
Maya maya tinawag na ako ni Joy kaya bumaba nalang ako hinayaan ko nalang na hindi ko suot yon
Free to lapit na mga ghost
Pag baba ko nakita kong naka tulala ang mga kaibigan ko
Sinundan ko naman sila ng tingin halos malula ako sa laki ng university napakalawak ng school at nasa 10th floor yata ang mga buildings
school ba talaga to?
"Exciting" bulong ni Jane na mukang sya ang may pasimuno nito
"14 years wala paring nag bago" dugtong ni Xyrille na wala manlang mababakas na takot o pag kabigla sa expression nya
Emotionless?
"Tutuloy pa ba tayo?" Natatakot na tanong ni Joy
Sana pala Hindi nalang ako sumama sa mga kaibigan ko
Sinimulan na naming pumasok sa loob
Si Lee at Jayson ang nag bukas ng malaking gate kung titignan ito kinakalawang na dahil sa naka bibinging tunog nito
"Saan tayo unang pupunta?" Tanong ko sa kanila
"Sa likod ng buildings na yan" turo ni Jane na naka ngisi pa
"May buildings ng elementary dyan" pag papaliwanag ni Xyrille samin
May elementary sa high school?
Bakit parang kabisado nila Jane at Xyrille ang lugar?
Nakapunta na kaya sila dito or nakapag aral?
Nauna ng nag lakad sila Jane at Xyrille na nagtanguan pa na para bang may pina plano
Una naming tinungo ang office ng principal nakakagulat lang na napaka ayos ng mga gamit
Tumingin tingin ako sa mga nakadikit sa information board nakita ko ang pangalan ni.... Mama?
Pero hindi Ortiza ang surname
"San Mateo?" Bulong ko
San Mateo kung saan naka pangalan ang school na ito
May ilang information tungkol Kay mama ang nakalagay sa papel pero sunog ang kalahati nito
Nag paalam muna ako kay Xyrille na mag papahangin lang saglit
Nang makalabas tinungo ko ang hallway ng principal's office
Nakapukaw ng aking pansin ang isang room na nag papatay sindi ang ilaw kaya sumulyap muna ako kay Xyrille na tila ba nababagot na kakahanap sa kung ano
Dahan dahan kong pinihit ang door knob ng pinto at nakita kong napaka gulo sa room sira sira ang mga upuan at nakakalat ang mga sunog na libro
nasunog ba ito dati?
Maya maya may naramdaman akong may kung anong dumampi sa hita ko kaya napasigaw ako
"Ahh...!!!!"
Agad akong lumabas ng room nakita ko namang tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko ang mga kaibigan ko
"Anong nangyari?" Tanong ni Jayson
"M-may multo!" Kinakabahan kong sagot
"Saan?" Tanong naman ni Jane
"Doon sa loob" turo ko
"Pusa" sabi ni Joy na hawak ang isang batik batik na pusa
"Hahahaha....!!! Hah-aww!" Sigaw ni Lee ng batukan sya ni Jane dahil wala namang nakakatawa sa nangyari
Aheheh! Buti nga!
"Bevy akala namin kung Ano ng nangyari sayo!" Galit na sabi ni Jane
Sorry na po!
"Sa susunod kasi mag pasama ka" dugtong naman ni Joy at ibinigay sakin ang pusa
Opo!
"Tara kunin na muna natin yung mga gamit sa van" yaya ni Xyrille kaya sumunod na kami sa kanya
Habang hinihimas ko ang balahibo ng pusa may nahawakan akong matigas na bagay sa leeg nya
"Wow may pangalan ka siguro no?" Tanong ko sa pusa
"Basahin ko ha?" Paalam ko sa kanya
"Charcoal"
BINABASA MO ANG
History of San Mateo high (COMPLETED)
Teen FictionPag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang lahat? Kakayanin mo kaya? Paano kung binuhay ka lang para ayusin ang lahat ng hindi naayos noon? Gagawin...