KABANATA III
Maybe he's right...
No, he's right.
Voleyball is not for me.
Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako. Kung bakit pinipilit ko ang sarili ko na maglaro kahit na hindi naman ito ang gusto ko.
Nanggilid ang mga luha ko. Kahit anong pigil ay pumatak ito. I really hate being soft hearted. Kung kaya ko lang hatakin pabalik ang mga luha ko ay ginawa ko na ngunit masyado iyong imposible.
Nakita ko ang pag-amo ng mukha niya. Parang gusto niya akong lapitan at patahanin. Ngunit kalaunan ay bumalik ang kaniyang natural na ekspresyon.
He stared at me with his piercing eyes. Nang hindi matagalan ang tingin niya ay iniwasan ko ito. Pag-angat ko ng tingin ay likod niya na lamang ang aking nakita. Nakalayo na siya kaya't minabuti ko na rin na tumalikod at dahan-dahan na maglakad pabalik sa court.
Pinunasan ko ang mga luha nang makabalik. Mabuti na lang at hindi nila napansin ang pag-alis ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin tapos ang ball control.
"Alright! Water break!" sigaw ni Deandrah habang nakangiti.
"Sawakas!" sabi noong isang kasama kong mag try-out.
Tuwang-tuwa ang lahat nang marinig iyon kaya naman dinumog nila ang bleachers para uminom ng tubig.
"Hoy!"
Napatalon ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Deandrah.
"Deandrah naman!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Saan ka galing?" Nakangisi niyang tanong habang nakahalukipkip. Tagaktak ang pawis niya ngunit wala siyang pakialam.
"H-huh? Kay K-kaizer," mahina kong sagot at mabilis na nag iwas ng tingin.
Akala ko ay hindi niya ako napansin. Nakalimutan ko na hindi nga pala nawawala ang paningin nito sa akin. Ultimo pagtulog ko ay pabalik-balik sa kwarto ko para raw tignan kung ayos lang ako—ito pa kayang lumabas lang ako sa court.
"You said thank you?" Nakangisi pa rin siya.
"O-oo," mabilis na sagot ko at muling iniwas ang tingin.
"Pinansin ka?" Tumawa siya. "Snobber 'yon, ah!" Sinundot niya bewang ko dahilan para mapa-atras ako. Nang tumingin ako nang masama ay dumiretso siya sa bleachers para uminom ng tubig.
Sa dami ng papuri na sinabi ni Deandrah kahapon patungkol sa Kaizer na iyon ay nag-expect ako na mabuting tao talaga siya but he's not. He was a cold hearted man or... he was just a person who doesn't know how to sugar coated a word.
Basta! I'm mad at him. I am.
Nagpatuloy ang try out at kung ano-ano pa ang pinagawa samin ni Deandrah. Mahihirap ang iba at dumating sa punto na gusto ko nang sumuko, ngunit tiniis ko. Kahit nanlalata ang katawan ay ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para lang magawa nang tama ang try out.
Ayaw kk man aminin ay ginawa ko ang lahat para matuto ng volleyball. Para kay Daddy... para matanggap ako rito. Kahit sigurado akong matatanggap ako dahil pinsan ko ang captain ball ay ginalingan ko pa rin, para naman masulit ang pagpili niya sa akin at hindi maging unfair para sa iba.
Nang magtanghali ay natapos na ang try out. Pagod na pagod na kaming lahat nang magsi-upo sa bleachers. Nagpunas ako ng pawis at uminom sa tumbler kong dala.
"Pagod na kayo, guys?" tanong ni Deandrah. Nakatayo sa harap namin at tinitignan kami isa-isa.
Mabilis na sumang-ayon ang lahat.
BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
Teen FictionUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...