KABANATA IX

185 2 15
                                    

KABANATA IX

Dali-dali kong pinulot ang nalaglag na illustration board nang marinig ko ang tunog ng takong ni Ms. Flores.

As silence covered the whole classroom, I know... she's already here.

"Ms. Cristobal..."

Nanginginig ako nang lumingon kay Ms. Flores. Hindi ko alam kung bakit tinawag niya ako. Baka papagalitan niya ako!

"Sit down," mataray nitong sabi.

"Y-yes Ms. F-flores." Nagmadali akong umupo at nilagay sa ilalim ng upuan ang illustration board.

"It's Monday, should I say good morning?" sarkastiko nitong tanong. Her red lipstick is defined by her dark skin.

Silence.

No one dared to talk, nor breathe.

Malakas na tawa ang pinakawalan ni Ms. Flores. Ang iba sa mga ka-klase ko ay nakitawa rin.

"I'm just kidding. Good morning class!"

Tumayo ang buong klase para bumati.

"Good morning Ms. Flores!" bati ng lahat, maliban sa akin. Ibinuka ko na lamang ang bibig ko para hindi mahalata.

Muli akong binagabag dahil sa drawing ni Kaizer. Nang masdan ko ang itsura ni Ms. Flores ay nanginginig na ang tuhod ko. Baka magduda siya kung ako ba talaga ang nag drawing sa sobrang ganda.

Habang tinitignan siya ay hindi lubos na maisip kung MAPEH teacher ba talaga siya. I think... she fits the English teacher's role. I stopped myself from thinking, 'cause I know that Ms. Flores won't be here if she din't fit for being a MAPEH teacher.

"Good morning, good morning," bati muli nito nang makaupo na. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay na nakapatong sa desk. Ngumiti siya nang matamis sa aming lahat bago magsalita, "I believe that I gave you a project and that would be pass by today. Pass it."

Narinig ko ang mga iilang reklamo ng mga kaklase ko. Mga naiwan, hindi natapos, at kung ano-ano pang dahilan.

"Tara, Seah! Magpasa na tayo," pabulong na sigaw ni Mike.

I smiled awkwardly. "M-mauna ka na."

"Ha? Bakit naman? Tara na, maganda kaya ang sa'yo!"

"M-mauna ka na, Mike-"

"Ms. Cristobal and Mr. Evangelista!"

Sabay kaming napalingon kay Ms. Flores na halos umusok na ang ilong sa galit.

"Sa susunod na magku-kwentuhan kayo, isali niyo naman kami!" sarkastiko nitong sabi. "Daldal kayo nang daldal, do you have a project?"

"Y-y-yes Ms. Flores," nakayuko kong sabi.

"You, Mr. Evanglista?"

"O-opo Ms. Flores!" maliit na boses ni Mike ang pinakawalan.

Kumunot ang noo ko nang patago siyang tinignan. Biglang tumiklop si Mike mula nang matawag kami ni Ms. Flores. Sa aming dalawa, mas mukha pa siyang babaeng takot na takot.

"Then, pass it!" sigaw ni Ms. Flores.

Sa gulat ay napatayo agad ako at kinuha ang illustration board sa ilalim ng upuan.

Nauna si Mike maglapag ng project sa lamesa at nang ako na ay gusto kong umatras. Tinitigan ako ni Ms. Flores na para ba'ng hindi pa niya nakikita ay nararamdaman niya nang pangit ang gawa ko.

I smiled a bit and put my project on her desk. Pagkatapos ay dahan-dahang bumalik sa upuan.

Hindi ako mapakali habang pinapanood ang aming teacher na bulatlatin ang aming mga project. Hindi ko mabilang kung naka ilang lunok ako mula kanina. Kahit uminom ako ng tubig kanina ay nanunuyo ang aking lalamunan.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon