KABANATA XXXIII
"Mauna na po ako, may lakad pa po ako, 'la, Seah." Tumango sa akin si Troy sabay bitbit sa kaniyang bag. "Bye Kri!"
"You look like a monster!" sigaw ni Krian, hinigpitan lalo ang pagkakayakap sa akin. Mula kanina ay ayaw niyang humiwalay sa akin. Tuwing gagalaw ako, na-a-alerto siya.
Kumamot sa ulo si Troy sabay tawa dahil sa inasal ng bata.
"Krian..." saway ng lola nila. "Magluluto pa lang ako, hindi mo na ba hihintayin, Troylee?" Dala-dala ang sandok habang inihahatid si Troy sa pintuan.
Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil lumabas sila. Hinatid si Troy sa gate. I thought they were living in the same house.
I smiled at Krian. She smiled back and started play with my hair.
"Krian, huwag mo guluhin si ate Seah," ani Lola pagbalik sa kusina.
Krian pouted and crossed her arms. Mukhang nainis sa sinabi ng kaniyang Lola. She's too cute. Lalo na ang pagka-chubby niya.
I smiled shyly. "A-ayos lang po."
Maya-maya pa ay nanood sa kaniyang ipad si Krian. Ginawa niyang unan ang lap ko na siyang kinatuwa ko.
"Kumusta naman si Mayor?"
Napalingon agad ako kay Lola. Nakatalikod ito sa amin, nagluluto pa rin. She's asking me, right? Last time he didn't know that I'm the daughter of the Mayor. Ngayon... kilala niya na ako?
"Maayos naman po... Busy lang po lately."
"Balita ko'y may programa na naman siya para sa scholarship. Napakabuti talaga ni Mayor," aniya sa tonong natutuwa.
"Peppa pig!" sigaw sa akin ni Krian sabay abot ng kaniyang ipad.
Kumunot ang noo ko at hindi alam ang gagawin.
"Peppa pig!" ingit niya kaya nataranta ako at hinawakan ang ipad.
"Krian!" saway ni Lola. "Pasensya ka na Seah, i-type mo raw sa pinapanood niya iyong baboy na palagi niyang sinusubaybayan. Ako'y matatapos nang magluto, dito ka na kumain, apo..."
Tumango na lang ako bilang tugon kahit na hindi niya ako nakita. Tinype ko sa search button ng youtube iyong peppa pig na sinasabi ni Krian. So it's kind of cartoon entertainment for kids.
"Thanks." Hanggang tenga ang ngiti ni Krian sabay kuha sa ipad mula sa akin.
"Halika na, kumain na tayo apo! Handa na ang pagkain!" pag-aaya ni Lola. Tumakbo na agad papunta sa hapag-kainan si Krian at naiwan akong mag-isa rito sa sala.
Tiningnan ko pa ang cellphone ko kung may text na ba si Tita Deanna. Nakakahiya naman kung dito pa ako makikikain.
"Seah! Halika na, huwag kang mahiya apo. Saluhan mo na kami," tawag nito sa akin, malaki ang ngiti.
Kinagat ko ang aking labi at dahan-dahang naglakad papunta sa kusina. Tumabi na lang ako kay Krian na ngayon ay nagsasandok na ng kanin.
Tiningnan ko ang mga upuan. Apat lang ito kaya nagtaka agad ako. Nasaan ang Mommy at Daddy nila?
Siguro ay nasa trabaho?
"Kaizer! Kakain na! Bumaba ka na riyan, apo!"
Kumabog ang dibdib ko. Parang kani-kanina lang ay nakakahinga ako nang maluwag dahil umakyat siya sa taas para maligo. Ngayon, hindi ko mawari ang mararamdaman ko. Hindi pa ako kumakain, ramdam ko na ang pagiging unstable ng tiyan ko.
"Pagsaluhan natin ang narito. Pag pasensyahan mo na at ito lang ang mayroon kami..."
"N-no... I'm okay with these po." I smiled.
BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
Teen FictionUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...