KABANATA XXXXII
"I like you!" mabilis kong sabi sabay dilat ng mga mata.
Kaizer only stared at me intently. Seryoso ang kaniyang mukha at parang walang epekto ang sinabi ko. Kumalabog ang dibdib ko at ramdam ang pag-iinit ng mukha.
That was embarassing!
"Napakatagal niyo kasi!" rinig ko ang boses ni Troy hindi kalayuan sa amin.
"Marami kasing pila!" sagot ni Mike.
When Kaizer's eyes and mine met, I stood up. Nakasalubong ko sina Troy, Krizza, at Mike na may dalang mga ice cream. Takang-taka sila sa pagmamadali ko.
"H-hoy, Seah! Saan ka pupunta?!" habol pa sa akin ni Krizza.
Huminga ako nang malalim para pigilan ang mga luha na nagbabadya nang tumulo — ngunit nabigo ako. My tears fell like a water fall.
"Mag-cr lang ako!" sigaw ko kay Krizza nang hindi lumilingon. Pinilit ko pang ayusin ang boses ko pero sadyang paiyak na talaga ako.
Tumakbo na ako nang mabilis at kunwari naghahanap ng cr. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid. Ano kayang itsura ko ngayon? I can't imagine myself right now. I just know that I looked like a mess.
Ano na lang ang mangyayari ngayon? Kung kailan naman naging maayos na ang pagkakaibigan naming lahat saka ito mangyayari. Sana pala ay hindi ko na sinabi. Sana ay sinarili ko na lang iyon.
Sa totoo lang ay hindi naman ako naghahangad ng kapalit. Hindi dahil may gusto ako sa kaniya ay dapat ganoon na rin siya sa akin. I just wanted to say what I felt. That's it.
Nang makitang kakaunti na ang tao sa napuntahan ko ay tumigil na ako sa pagtakbo. Pinagpag ko ang lapag bago umupo sa ilalim ng puno. Nagdidilim na at natitiyak kong ialmg minuto na lang ay tuluyang nang lulubog ang araw.
"Chelseah!" Nang marinig ko ang pamiyar na boses ay yumuko ako at lumipat sa kabilang parte ng puno kung saan hindi niya ako makikita.
"A-aray! Aaaaah!!!" Ramdam ko ang pagkagat sa akin ng kung anuman sa tabi ng puno. Napatayo ako at pinagpag nang pinagpag ang mga iyon. Ants!
"Seah? What happened?" Agad na lumapit si Kaizer sa akin. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang nag-aalala niyang mga mata. Hinawakan niya ang braso ko at tinulungan akong pagpagin ang mga langgam.
Natulala agad ako at napayuko nang maisip ang sinabi ko kanina. Inaya niya ako sa tabi ng street light para makita niya ang mga langgam sa braso ko. Seryosong-seryoso pa niyang tinatanggal ang mga ito.
Maybe he sees me as a little sister. Nakakahiya. Ako lang itong masyadong attached. Maybe because I'm still a kid... and kids are fast to be attached to something or someone.
Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at saka yumuko. "M-mauna na 'ko, baka naghihintay na sila," pabulong kong sabi.
"Wait. About what you've told me earlier..."
Napa-angat ang tingin ko sa kaniya. Ngunit nang magtama ang paningin namin ay para akong nakuryente. Hindi ko rin iyon natagalan at ako mismo ang nag-iwas ng tingin.
"You're young, Seah... You're still young that you tend to be curious about everything. You're young that you will gonna feel something you think special but it's not." He laughed a bit, but that laugh isn't his normal laugh.
I pouted, starting to cry. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil sa kahihiyan na nadarama.
Pumikit siya nang mariin. "God... you making it difficult," he whispered in the wind.
"S-sorry." Yumuko ako at nanginginig na ang mga labi. Wala na rin akong makita dahil punong-puno na ng mga nagbabadyang luha ang mga mata ko.
He cleared his throat. "This is not the right time for love... okay? This is not the right time." Tumatango-tango na sabi niya. Hinawakan niya ang baba ko para i-angat ang mukha ko at tumingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
Teen FictionUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...