KABANATA XI

184 3 5
                                    

KABANATA XI

"Seah!"

Lalo akong pumikit at niyakap ang unan. Kahit hindi ako nag-aalarm, laging boses ni Deandrah ang gumigising sa akin.

She slept here, again... as always. Hindi ko alam kung bakit hiniling niya pa na maghiwalay kami ng kwarto kung lilipat naman siya lagi sa tabi ko. Minsan ay hindi ko talaga siya maintindihan.

"Chelseah Claire Cristobal!!!"

Dahan-dahan akong dumilat at nakita si Deandrah na nakaligo na, nahalata ko ito dahil basa pa ang buhok. Umusog ako palapit sa bintana para tingnan ang labas.

Nanlaki ang mata ko nang makitang madilim pa sa labas. Kaya pala nakabukas ang ilaw sa kwarto!

"Ops! Bawal mag reklamo. Señorita, seven in the morning po ang training. It's already five thirty," mahinahon nitong sabi habang kinukuha na ako ng damit sa aking cabinet.

Natulala pa ako at pumikit-pikit. Ilang segundo akong ganoon hanggang sa mapagtanto na ngayon ang umpisa ng training. Noong una ay inisip ko kung panaginip lang iyong sumali ako sa volleyball club, ngunit mukhang hindi!

"Bangon na, Seah," pamimilit ni Deandrah nang matapos na ang pamimili sa damit ko. Inilagay na niya ang damit sa kama.

"Deandrah, give me ten minutes—" naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang tanggalin ang kumot sa paanan at hitakin ang paa ko. Dahil doon ay napunta ako sa dulo ng higaan.

"Deandrah!" natatawa kong reklamo.

"Maligo na!" natatawa rin niyang sabi. Napilitan akong maupo sa dulo ng higaan dahil kung hindi ay baka nahulog na ako.

Iniligpit ko muna ang pinaghigaan 'tsaka naligo. Pagdating sa bathroom ay para akong naduwag sa lamig. Sira pa naman ang heater namin. Kung sa tamang oras lang ng pagpasok ay hindi ko na kailangang mag-init pa ng tubig. Hindi ako sanay sa ganitong oras—pakiramdam ko ay gabi pa rin.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang isipin kung anong mangyayari sa araw na ito. Bawat pagtulo sa akin ng tubig ay siya ring pagtakbo ng isip ko...

Matatamaan na naman kaya ako ng bola? Mabait kaya ang coach o masisigawan agad ako dahil hindi naman ako sanay? Because I may know Deandrah's teammates, but not the coach. Lagi akong sumasama sa bonding nila Deandrah noon, ngunit kailan man ay hindi ko nakilala ang coach nila. Base sa kwento ni Deandrah ay strikta raw iyon.

Bahala na, nabawasan naman ang kaba ko dahil pinsan ako ni Deandrah— ng captain ball. But still, I don't want to depend on her. I should not.

Umagang-umaga ay sumagi rin sa isip ko kung paano ko pakikisamahan si Kaizer. Siguro ay iiwasan ko na lang siya hangga't maari. Tama, hindi naman ako pala imik kaya hindi mahahalata na iniiwasan ko siya. Napatango ako sa naisip at binilisan na ang pagligo nang masilip sa labas na magliliwanag na.

Paglabas ko ng bathroom ay wala na si Deandrah sa kwarto ko. Siguro ay naghahanda na rin siya o kaya'y nauna nang kumain sa baba. Tiningnan ko nang mabuti ang inihanda niyang damit para sa akin: plain pink shirt, sports bra, and shoes. Iyong sapatos nanabili namin kahapon ay kulay pink, kaya siguro ipinares niya sa pink na damit. Ang spandex naman ay kulay itim, hindi masyadong maiksi ngunit nag-fit sa hita ko.

Pagkatapos magbihis ay pinatuyo ko ang buhok ko at itinali, tulad ng turo ni Deandrah. Dapat daw kasi ay 'pag pumunta ako sa court ay nakatali na ang buhok ko, para diretso training na agad.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa salamin. Ngumiti ako sa sarili at umikot para tingnan kung bagay ang suot. Pag harap kong muli sa salamin ay natigil ako at nawala ang ngiti. Hinawakan ko ang mukha ko at agad nanggilid ang luha.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon