KABANATA XXII

166 1 11
                                    

KABANATA XXII

"You did great today, Chelseah."

Nag-init ang pisngi ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Parang napako ang sarili kong mga paa. Ang aking paghinga ay naging mabagal, taliwas sa tibok ng puso ko na parang tinatambol.

Did I?

Was that a compliment... or a sarcasm?

"Chelseah Claire!!!"

Nagmadali akong tumakbo pabalik sa building nang marinig ang boses ni Deandrah. Hindi ko na muling nilingon si Kaizer.

"Saan ka ba galing? Ang tagal mo. Kakain na," ani Deandrah habang nakatayo sa hagdan papunta second floor.

"B-binalik..." I cleared my throat. "Binalik ko kay Kaizer..."

Kumunot ang noo niya, marahil nagtataka sa mga kinikilos ko. Ganoon pa man ay inakay niya na ako paakyat sa taas.

"Deandrah, Seah... kain na!" aya ni Troy. He already started eating with our teammates and coach.

Tumango ako. Kumuha si Deandrah ng dalawang plato at inabot sa akin ang isa.

"Anong gusto mo, Deandrah? Ako nagluto nitong—"

"Dami mong satsat, 'yong pinsan mo ro'n nasa baba, hindi mo tinawag. Itakwil ka sana bilang pinsan." Deandrah rolled her eyes before starting to scoop a food for us.

"Ay putcha! Oo nga pala!" Halos mabilaukan si Troy dahil roon. Ibinaba niya agad ang plato at tumayo. "Walanghiyang Kakai 'yan, daig ko pa nagka-anak nang 'di oras, e." Humalakhak ito bago lumabas ng pinto.

"Kailan kaya magkakasundo ang magpinsan na iyon?" Tumawa si coach.

"Natural na sa kanila 'yon, coach. Bata pa lang kami gan'yan na sila," ani Ian.

"Yup. Atsaka halos lahat naman ng magpinsan at mag kapatid hindi nagkakasundo," si Sheryl habang kumukuha ng tubig.

"How about Deandrah and Seah? Magkasundo naman sila. Ni hindi ko nga nakitang magkaaway ang dalawang 'to." Matamis na ngiti ang ginawad sa amin ni coach, at ang kaniyang mga mata ay naghuhumiyaw sa paghanga.

"Of course, coach. Kung sila Troy, natural na hindi magkasundo, kami naman... natural na magkasundo," nakangiting sagot ni Deandrah. "Bait kasi nito, e. Pa-kiss nga." Ngumuso siya at nilayo ko ang sarili ko, pagkatapos ay humalakhak silang lahat.

Nang dumating sila Kaizer at Troy, lahat kami ay tapos nang kumain. Kaniya-kaniyang ligpit at hugas ng pinagkainan kaya naman mabilis natapos ang gawain.

Naglatag na kami ng higaan habang sila Kaizer ay kumakain pa rin.

"Last thirty minutes, surrender of phones na," anunsyo ni coach.

Dinig ko ang mahihinang buntong hininga ng lahat, maliban sa akin. Hindi naman ako active sa social media at kaya kong mabuhay ng walang cellphone. Habang sila ay halos hindi na mag usap-usap habang nakahiga dahil abala sa kaniya-kaniyang cellphone.

Ako ay nakatulala lamang sa kisame. Nai-text ko na kanina si Daddy kaya naman wala na akong dahilan para hawakan pa ang phone ko.

"C...," tawag ni Deandrah.

"Why?" mahinang sagot ko at tumabingi ng pagkakahiga para humarap sa kaniya.

"Look at these, we're so cute!" She giggled.

Lumipat ako sa unan niya para makita ang picture mula sa cellphone niya.

Ipinakita niya ang picture namin kanina bago ang laban. We're like twins. Start with a shoes, jerseys, braids, skin tones, eyes and posing. Magkatulad rin ang buhok namin, naiba lang nang kaunti dahil sa kulay.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon