KABANATA XXXXV
"Where are they?" Lilingon-lingon kong bulong sa sarili.
Mali talaga ang desisyon ko na paunahin na silang lahat kanina papuntang mini bar dahil lang hindi ko mahanap ang damit na susuotin ko. I still sucks at styling myself.
Pagkatapos maglakad sa kay haba-habang sand, nakarating na rin ako sa may bandang semento. Sinuot ko ang crocs ko dahil nakapaa lang ako kanina habang naglalakad sa buhangin. I was looking for the signs kung saan ang papunta sa mini bar resto. Todo iwas ako sa mga taong nakakasalubong. Hindi ko akalain na ganito karami ang tao kapag gabi.
I'm supposed to be with my roomate, Doris, pero pinauna ko na siya agad dahil nahihiya ako sa bagal kong kumilos. And another thing is, I'm not in the mood to drink tonight.
I tried to contact Kialyn dahil siya naman madalas ang may hawak lagi ng phone. I sighed when she didn't answered it. Siguro ay sinimulan na talaga nila ang inuman.
"Seah?" someone called me from the back.
Tulala ako nang mga limang segundo bago mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko.
"Troy!" may bahid ng gulat ngunit natutuwa kong sabi. I want to hug him! I missed him.
Mula noong inilipat na ako ni Daddy ng school, nawalan na rin ako ng contact sa kaniya. Hindi na rin siya nakausap masyado nila Krizza dahil busy ito sa pag-aaral.
"What are you doing here? I mean... Wow." Ngumisi siya at umiling, hindi makapaniwala na rito pa kami magkikita.
"Victory party—"
"Oh! Oo nga pala! Naks! Famous ka na, ha." Ni hindi man lang niya ako pinatapos sa sasabihin ko. I guess he didn't change at all... bukod sa mas gumwapo at mas luminis siyang tingnan.
He was wearing a yellow floral polo, black shorts and slippers that made him looked more neat. Plus he was mestizo!
"Rookie of the year! Libre naman d'yan!"
I scratched my head and smiled a bit. "W-wala 'yon..."
"Humble, ah. By the way, where are you going? Where are your... teammates?"
"Uhm... They are in a mini club and I left alone, so yeah I'm trying to find them."
"Mini club? Doon 'yon, ah. Actually kagagaling ko lang ro'n." Itinuro niya ang dulo ng path na 'to. Napatango ako at nakumbinsi na galing nga siya roon nang makita ko ang beer sa kamay niya.
He insisted to escort me. I agreed... Gusto ko rin naman makakwentuhan siya. Sure akong kikiligin si Krizza kapag kinuwento kong nakita ko si Troy rito.
"Palagi kitang nakikita roon sa school, ah. Kaso ang hirap lumapit, ang daming nagpapa-picture sa 'yo lagi, e!" Humalakhak siya.
"W-wait... You're an atenean too?" My eyes got bigger.
"Baka pusong asul 'to! Pati nga dugo ko asul na rin, e. Check mo," biro pa niya.
I laughed while walking. I wonder if Kaizer study in Ateneo too... but I saw him wearing a DLSU shirt. Never mind, wala naman akong mapapala kung itatanong ko 'di ba? Kapag tinanong ko pa kay Troy, baka kung ano-ano ang isipin niya.
Nagkwentuhan kami ni Troy habang nasa daan. Sinadya na rin naming parehas na bagalan ang lakad para mas matagal ang kwentuhan. No one can blame us, 5 years lang naman kaming hindi nagkita.
Karamihan ng topic doon ay pagtatanong niya sa akin tungkol sa paglalaro. Hindi na pala niya itinuloy ang paglalaro pagkatapos ng high school. He considered taking business administration daw bago mag-engineering kaya naman mas tumagal ang usapan namin dahil interesado ako kung bakit hindi niya tinuloy ang business ad.
BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
Teen FictionUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...