KABANATA XXIV
"CHA! CHA! CHA!" sigaw lahat ng mga kasama ko sa truck pagdating namin sa school.
Agad naming naagaw ang pansin ng mga estudyante na kasalukuyang may klase. Ang iba ay hindi na napigilan ng mga teacher, lumabas na ang mga ito sabay salubong sa aming lahat.
Akala ko ay magagalit ang teacher sa mga estudyante, ngunit nagkamali ako—dahil siya pa mismo ang nanguna sa likuran ng truck kung saan kami bababa.
"Panalo?!" nakangiting tanong ni Ma'am Angela.
"S'yempre," nagmamalaking sagot ni coach Allan, ang coach ng running.
"Dahan-dahan lang, C..." ani Deandrah habang inaalalayan akong bumaba ng truck.
Hindi na ako nahirapang bumaba dahil tumalon na lang ako. Pagbaba ay kabi-kabila ang kwentuhan, hindi ko nga alam kung nagkakaintindihan pa silang lahat.
Hinawakan ko ang sukbitan ng aking bag at sinundan si Deandrah maupo sa bench.
Binalikan ko ng tingin ang mga nagkakagulo. Athletes, students and teachers... lahat sila halos hindi na magkarinigan sa ingay. Mabuti na lang at inaya ako rito ni Deandrah, hindi na masyadong maingay.
"Deandrah!" hinihingal na tawag ni ate Ericka, classmate niya. Nasa likod nito ang iba pa niyang kaklase. "Panalo?!" nakangiting tanong nito.
Tumango si Deandrah at tumayo para yakapin ang kaibigan. Tumalon-talon pa sila sa saya. Natawa ako dahil roon kahit na maingay.
"Congrats bes! Congrats, Seah!" bati ni ate Ericka.
"Congrats!" ani isang lalaki sa likod ni ate Ericka.
"Congrats, Deandrah, Seah!" si Lia.
Nagtagal pa kami nang kaunti sa bench dahil nagkwentuhan pa sila. Ako naman ay tumingin sa mga social media apps na walang ibang laman kundi ang pagkapanalo namin. Si Aika, Sheryl, Alexa, at Deandrah lang naman ang mahihilig mag-post ng mga pictures at quotes.
"Deya, coach Almira is calling us for a meeting..."
Ibinaba ko ang cellphone nang marinig ang boses ni Troy. Nasa harap siya ngayon ni Deandrah, sukbit-sukbit ang bag niya.
Did he called her 'Deya'? Or I am just imagining it. I once called Deandrah that when we were a child, but she got annoyed. Tuwing tatawagin ko siyang Deya, nagagalit siya—kaya hindi ko na ulit itinawag.
"Chat ko na lang kayo mamaya. Naku! Marami pa'kong chika!" ani Deandrah sabay tawa. "Seah, let's go," aya nito sa akin.
Hindi siya nagalit kay Troy?
Kunot noo ko siyang tiningnan habang naglalakad kami at nasa gilid niya si Troy.
"What?" Tumawa siya at inakbayan ako. "Nabalita mo na na kila Mommy na nanalo tayo? Let's surprise them!" pabulong niyang sabi.
"Ano 'yong binu-bulong mo riyan? Iyong kapogian ko 'no?" singit ni Troy.
Tumingin ng masama si Deandrah kay Troy at inilihis ako ng daan.
"Kapal ng mukha nito." Umirap siya at tumawa.
I laughed a bit.
"Eh.... nasabi ko na kay Daddy," nanghihinayang kong sagot.
"Oh, well... they're going to surprise us now. Pustahan?" Humalakhak ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Pagdating namin sa court ay nakaupo na silang lahat. Coach Almira congratulate us all.
Tiningnan ko ang court namin. Napagtanto ko na hindi pa rito nagtatapos ang mga training. Nanalo kami kaya may panibagong laban na paghahandaan. It's okay though... may pahinga naman kami nito kahit ilang araw, sigurado ako.
BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
Ficção AdolescenteUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...