KABANATA XXIX
My eyes got bigger as I saw my clock. It's already seven in the morning!
And our calltime was 6 am!
Nagmadali akong tumayo at dumiretso sa bathroom para maligo. Bumuntong hininga ako habang dumadaloy sa katawan ko ang malamig na tubig.
Nasanay ako kay Deandrah na lagi akong ginigising para sa training. Kung hindi pa magigising ang diwa ko sa malamig na tubig ay hindi ko maaalala na wala nang gigising sa akin.
Bago pa tuluyang umiyak, nagmadali na akong lumabas na cr. Paglabas ko at hindi nadatnan ang nakahandang damit sa aking kama ay napabuntong hininga na lang ulit ako, pagkatapos ay dumiretsos sa aking cabinet para pumili ng damit.
Umagang-umaga aligaga na agad ako sa pagpili pa la'ng ng damit. Kumamot ako sa ulo at basta na la'ng kinuha ang black nike spandex at brown shirt. Mukhang ayos naman ito. Ang sabi ni tita Deanna, basta raw black, kahit anong kulay ay p'wedeng i-partner.
Pagkabihis ay sumilip ako sa ilalim ng kama at nakita ang paboritong sapatos ni Deandrah. It's Nike Kobe black mamba focus, at the color of black and white. Ito lagi ang sinusuot niya noon mapa-training man o mismong laban. Naalala ko noong nagpasama pa siya sa akin noon sa mall para bilhin ito noong bagong labas at limited edition pa lang.
Tiningnan ko ang sapatos nang maigi at dinala ito sa study table ko. I grab my acrylic paint and brush, and then I started to write on the shoes. Pinili ko ang space sa taas ng nike logo dahil maluwag roon.
Nang matapos sulatan ang isang sapatos at sinulatan ko rin ang isa.
'DCZ #10'
Nang hindi makuntento ay nilagyan ko pa ng heart shape na maliit sa gilid.
Pagkababa ko sa kusina ay si Tito Cedric na lang ang naroon. Ngumiti agad siya sa akin at nag good morning. I smiled at him and kissed on his cheeks. Binaba ko ang sports bag ko sa kabilang upuan bago umupo sa hapag.
"Goodluck to your training," aniya at pinagpatuloy ang pagkain.
Tumango lang ako at nag madali nang kumuha ng isang hotdog, isang ham, at isang tinapay. Nilagyaan na agad ng aming kasambahay ng gatas ang aking baso.
Ayos lang sigurong ma-late ako dahil hanggang hapon naman iyong training. Kahit na ganoon, binilisan ko pa rin ang pagkain dahil kanina pa naghihintay sa labas si Kuya Luis.
Tumayo na ako at binitbit ang bag. Lumingon ako kay Tito Cedric na nagbabasa ng dyaryo at humihigop ng kape paminsan-minsan. I don't know if I should disturb him by saying a goodbye.
"Tito..."
Lumingon siya sa akin at ngumiti. Nakataas ang kilay, naghihintay sa anumang sasabihin ko.
"Mauna na po ako," mahina kong sabi at isinukbit ang sports bag sa aking balikat.
"Oh sure. Take care and... goodluck!" Nahimigan ko ang lungkot a boses niya. Marahil ay naalala si Deandrah na laging nagpapaalam sa kaniya nang ganito.
Ngumiti ako at tumalikod na.
"Tara na po, Kuya Luis," tawag ko sa aming driver na nakaupo sa sala.
Tumayo agad siya at binitbit ang susi ng kotse.
"Seah! Wait!"
Bago pa man makalabas ng pinto ay tinawag na ako ni Tito Cedric. Nagtataka akong lumingon at sinipat kung bakit niya ako tinawag.
Kinagat ko ang labi ko nang makitang nakatingin siya sa sapatos ni Deandrah na ngayon ay suot ko. Magka-size la'ng kami ng paa kaya sinuot ko na. Besides, I used to attend trainings with her. I'm wearing this to make me feel her presence. Kahit na hindi ko siya kasama sa training, at least may pinanghahawakan ako.
BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
Teen FictionUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...