KABANATA VIII

203 5 18
                                    

KABANATA VIII

Ibinaba ni Kaizer ang bag niya sa bleachers at dumiretso na sa loob ng court.

"Griffin, akala ko uuwi ka na?" malambing na tawag ng isang babae na mahaba ang buhok. Hindi iyon nakatali kaya mas nagmukha itong kaakit-akit. Dagdag pa ang maikling spandex nito na halos magmukha na lang underwear.

Nakita ko kung paano ito pumalupot ang mga braso nito kay Kaizer.

Kumunot ang noo ko nang maalala ang tawag niya kay Kaizer. Griffin? Is that his second name or their callsign? That girl might be her girlfriend. Kasi kung hindi, sana ay hindi niya hinayaang hawakan siya nang ganoon.

Sumunod na lang ako sa sinabi ni Deandrah nang inaayos niya na ang pwesto namin. Nilagay niya ako sa likod, ang huling mag-se-serve.

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko habang nakayuko. Pag-angat ko ng tingin ay naka pwesto na sa harapan ko si Kaizer. Akala ko ay makakalaban ko siya. Kanina lang ay sa kabilang team siya nakapwesto.

Kahit nakatalikod ay natatakot pa rin ako sa kaniya. There's something about him that makes me intimidate. Umawang ang bibig ko nang lumusot sa net ang babae kanina upang lapitan siya. Pumapadyak ito habang nakasimangot ang mukha.

"Griffin naman, e! Dito na lang ako. Please? Paano 'pag natamaan ako sa mukha? Siya!" Nagulat ako nang bigla nito akong ituro.

Inosente akong tumingin sa magkabilang gilid ko para siguraduhin kung ako nga ang itinuturo nito.

"Oo! Ikaw! Doon ka na lang sa kabila. Palit tayo!" utos nito sa akin.

"A-ako?" kinakabahan kong tanong.

"Oo. Tanga ka, girl? Doon! Lipat!"

My knees were trembling. Kahit kailan sa buong buhay ko ay hindi pa ako inutusan nang ganoon. Ni hindi nga ako sinisigawan sa bahay o ng kahit sinong nakakasalamuha ko.

Nakayuko ako habang naglalakad papunta sa kabilang court, ngunit bago pa man ako makalipat ay naramdaman ko na ang braso ni Deandrah.

"Excuse me, Julia. She's my cousin." Ngumiti si Deandrah ngunit halata ang inis. Lalo itong lumapit sa akin at inakbayan ako.

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Nakita ko ang irita sa mukha ni Kaizer bago ako yumuko.

Hindi ko na narinig pang muli ang boses ni Julia. Pagtingin ko lang ay nasa kabilang team na siya at masama ang tingin sa akin.

"Let's start!" si Troy.

Kahit papaano ay nawala ang takot ko sa bola dahil bukod sa alam kong hindi hahayaan ni Deandrah na masaktan ako, nakagaan din sa pakiramdam na kakampi ko si Kaizer. Pakiramdam ko ay natakot na ako mula noong matamaan niya ako sa mukha. At ngayong kakampi ko siya ay alam kong matatakasan ko ang malalakas na palo niya.

Napalunok ako nang makita na ang unang service ay ang kalaban. Lumingon sa akin si Deandrah na nasa harapan. Ibinuka niya ang kaniyang bibig at bumulong sa hangin.

'I got you'

Tumango ako kahit kinakabahan. Nang tumalon ang kalaban pagkatapos ihagis sa ere ang bola ay literal na nanginig ang binti ko. That was a spike serve. Ang alam ko magagaling lang ang nakakagawa noon.

Parang naparalisa ang buong katawan ko nang makita na sa akin papunta ang direksyon ng bola. Lumunok ako at namuo ang pawis sa katawan kahit walang ginagawa.

Legs, please do something. Please move!

Nang masyado ng malapit sa akin ang bola ay napapikit na lang ako. Hinihintay na tumama sa mukha ko ang bola... ngunit hindi nangyari. Narinig ko na lang ang malakas na tunog.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon