KABANATA XXX
Silence.
Ang katahimikan na bumabalot sa loob ng sasakyan ay hindi ko makaya. Kahit na malakas naman ang aircon ay pinagpapawisan pa rin ako mula ulo hanggang paa.
Pasimple kong tiningnan si Kaizer na seryosong nagda-drive—nakatuon ang mga mata sa daanan. His side profile was proud, making his perfect nose and jawline defined.
He's wearing white gym sando shirt and black shorts. Naka-sapatos din siya na panglaro at nakasuot ng nike headband.
Yumuko ako at pumikit nang mariin. Ni paghinga ay ikinakahiya ko. He's really that intimidating.
Kasabay ng pagtingin ko sa kaniya ang biglaan niyang pagpreno. Napatili ako kahit na hindi naman ako masyadong gumalaw sa aking kinauupuan. Ang buhok ko ay nagulo nang kaunti kaya naman tinanggal ko ito sa pagkakatali bago tumingin kay Kaizer para malaman kung bakit siya biglang nagpreno.
I literally stopped breathing when he lean so close to me! Seryoso ang mga mukha na animo'y laging may kaaway. Napahigpit ang hawak ko sa aking bag at hindi malaman ang gagawin.
Kumunot ang noo ko at nanlaki ang mata nang marinig ang tunog ng pagkaka-lock ng seatbelt.
Seatbelt! I forgot it!
Nang bumalik na siya sa kaniyang pwesto ay nakahinga ako nang maluwag ngunit nag init ang mga pisngi sa hiya.
"Tsk." Dahan-dahan at nag-aalangan akong tumingin sa gawi niya pagkatapos niyang pumalatak. "Always put your seatbelt on. Delikado," aniya sa seryosong tono. Sa daan nakapokus ang paningin, ni hindi manlang ako tinapunan ng tingin.
Walang imik ako buong byahe. Maging ang paghinga ay tahimik kong ginawa. Ultimo maliliit na kilos ay ginawa ko nang tahimik para hindi maagaw ang pansin niya sa pagmamaneho.
Nang mag parking siya ay tinanggal ko na ang seatbelt ko. Pagbaba ko ay lumingon ako sa kaniya, nag-aalangan kung hihintayin ko ba siya o mauuna na ako. But I didn't know where the court was.
Bahala na. Mahahanap ko rin iyon. Lalo lang magiging awkward kapag hinintay ko pa siya.
Ngunit nakaka-isang hakbang pa la'ng ako ay nagsalita na siya, "Don't try to get lost. Hintayin mo 'ko."
Habang hinihintay siyang may kuhanin sa likuran ng sasakyan ay tumingin-tingin ako sa paligid. Napakaraming batang nagtatakbuhan. Ang mga tao ay nakalabas sa mga bahay at tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Lumunok ako sa kaba. Ngayon lang ako nakapunta rito.
I distracted myself by browsing on my cellphone. Nang tingnan ko ang location kung nasaan ako ay sa kabilang barangay lang pala! Bakit parang ang tagal ng byahe namin?
Tingin pa rin ako nang tingin sa paligid habang nakasunod kay Kaizer na tumatango-tango lang sa mga tao. May mga iba pang nakakilala sa akin na sinabing anak daw ako ng Mayor at mukhang ngayon lang nakapunta sa lugar na ito. May iilan din nagbulungan na mukha raw akong maarte. Kapag may pagkakataon ay ngumi-ngiti ako pero ang mga tao naman ang siyang umiiwas.
That's why popularity sucks. Kahit wala akong ginagawa ay agaw pansin at kung may gawin man akong tama... maituturing pa rin na mali.
Pumasok kami sa looban at ilang sikot pa ang dinaanan bago namin marating ang court.
"G-good morning, coach..." mahinang bati ko kay coach nang madatnan ko na nakaupo sa bleachers.
Agad siyang tumayo. "Nandito ka na pala!" Lumingon siya kay Kaizer at kinuha ang inaabot nitong susi ng kotse. "Thank you, Kaizer! Naku, mabuti na lang sinundo mo si Chelseah. Nag chat ako kahapon sa group chat, nagbigay pa 'ko ng instructions para makarating dito. Nawala naman sa isip kong hindi nga pala ito madalas mag-online!" Tumawa si Coach at hinagis sa mga naglalaro ang bolang napunta sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
Teen FictionUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...