KABANATA X
Probably a fan...
Maybe yes, I was secretly a fan of him.
Sino nga ba ang hindi hahanga sa ganoong lalaki na halos kayang gawin ang lahat? Nang mag pa-ulan ng talento ang Diyos ay nasalo niya halos ang lahat. I don't have to doubt why girls are crazy for him. With his abs, face, talents or the whole him.
Kahit sino ay kayang-kaya niyang mabilog dahil sa kaniyang itsura at mga talento—even me. Well, I'm just a kid, who only knows the best in the people. Kaya siguro agad akong humanga dahil sa mga talento niya.
I was the one with that huge group of girls who's seeing the best in him. But now, because of what I saw...
I don't think I can be a fan of him. I would be so dirty if I did!
Kahapon lang ay si Julia ang kasama niya. Akala ko ay iyon ang girlfriend niya, hindi pala! Hindi kaya si Julia talaga at babae niya ang kanina?
I felt bad for Julia, then! Kahit na hindi maganda ang simula namin ay naaawa pa rin ako sa kaniyang sitwasyon. She should break up with that two timer! Or I don't know, baka hindi lang dalawa ang pinagsasabay noon!
"Seah!"
Napatingin ako sa tawag ni Deandrah. Halos tumakbo ito papunta sa direksyon ko. Malaki ang ngiti habang may dalang papel.
"I got a highest score in our quiz! Sus! Sabi na't sisiw lang 'to kahit surprise quiz!" Nilahad niya sa akin ang papel at tiningnan ko naman ito.
"C-congrats!" naiilang na bati ko.
I am really happy for her but my mind can't focus. Bumabalik-balik sa utak ko ang larawan ni Kaizer habang may ginagawa silang dalawa ng babae.
"Are you okay? Kanina ka pa ba rito? Dapat kasi ay kanina pa 'ko, kaso nag pa-surprise quiz pa," paliwanag nito. "Hassle, kapag talaga graduating pinapahirapan!"
"No, I'm o-okay. I guess, I'm just hungry." Pilit akong ngumiti sa kaniya.
"Magpapaluto tayo kila Manang! Let's go? Tinawagan ko na si Kuyang driver, nasa labas na raw!"
Tumango ako at nagsimulang maglakad. Habang palabas ng gate ay marami siyang kinuwento. Masayang-masaya pa rin siya kahit na nai-stress na ang ibang mga kaklase dahil sa dami ng ginagawa. She's smart but not a girl who's pressuring herself through studying hard. She will gonna do whatever she want as long as she's going to enjoy that. Our family knows that, she often scolded by tita Deana, but I guess... that's not effective.
Marami pa ang humarang sa kaniya at bumati. Hindi na ako nagtaka pa, sa rami ng kilala niya ay talagang kahit saan ay mapapahinto. Kapag tinatanong kung ako ang anak ng Mayor ay ipinapakilala niya ako, kaya wala akong nagawa kundi kumaway at ngumiti nang pilit.
Ngayon lang ako na-expose sa mga ganito. Mula kasi noon, kahit sa mga kampanya ni Daddy ay hindi ako sumasama. I hate publicity, and Daddy knows that. Kaya kailan man ay hindi niya ako pinilit sumama sa kaniyang kampanya.
Pagdating sa sasakyan ay nagkwento pa rin si Deandrah. Hindi ko masasabing nakikinig ako dahil sa totoo lang ay hindi ko pa rin maalis sa isip ang mga nakita kanina.
If there is a delete button, I'm gonna pull it. But there's no, sa halip ay repeat button yata ang nandito dahil paulit-ulit iyong napipindot nang hindi sinasadya.
"Manang ano po ang ulam?" bungad ni Deandrah pagdating namin sa bahay.
Hindi na muna kami tumuloy sa mga kwarto dahil parehas na gutom. Naupo agad kami sa lamesa at nakahanda na roon ang pagkain. Kahit anong gawin kong kilos sa katawan ay parang mabigat ito. Hindi ko alam kung katawan ko ang mabigat o itong dinadala sa isip.

BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
Teen FictionUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...