KABANATA XXXII
I literally stopped breathing for a moment. I blinked twice because of what he said. When I blinked again, he already turn his back to me.
Am I really doing great now?
Lagi ko iyan tinatanong sa sarili ko tuwing gabi bago matulog. Lagi kong kinukwestiyon ang mga bagay tungkol sa pag-i-improve ko. Hindi ko naman napapanood ang sarili ko para maging sigurado—pero noong siya ang nagsabi parang gusto ko nang maniwala.
I still feel dizzy but my lips formed a small smile. Hindi ko alam kung pwede ko bang ipakita ang sayang nararamdaman ko.
Ang sarap lang sa pakiramdam na pagkatapos ng paghihirap, pag-e-ensayo, pagtitiyaga... pagkatapos mag-alay ng dugo at pawis, lahat ng pagod nawala kapag may isang nagsabi sa'yo na nag-i-improve ka. Maliit na bagay ngunit napakalaki ng halaga.
"Seah! Hoy, Seah! Naririnig mo ba 'ko? Are you okay? Seah!"
"O-ouch!" Impit akong napasigaw nang kurot sa aking tagiliran.
"Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ba 'ko naririnig? Anong nangyari sa'yo? Ayos ka la'ng ba?" sunod-sunod na tanong ni Krizza.
Hindi ko namalayan na nakaupo na pala siya rito sa tabi ko. May hawak pa siyang pamaypay at malakas akong pinapaypayan.
"Y-yes... of course... I am!"
"Mabuti naman. Akala ko mahihimatay ka kanina. Ang dami ng ginawa mong drills, sunod-sunod pa. Mukhang may galit si kuya Kaizer, ah!" Tumawa siya at mas nilakasan pa ang pag paypay.
Hinawakan ko ang kamay niya para huminto sa pag paypay. "It's okay, s-stop it. B-baka mangawit ka."
"Hindi. Mainit, tingnan mo nga namumula ka, oh! Parang mansanas 'yang mukha mo. Atsaka binilin ka sa 'kin ni Kuya Kaizer," aniya at itinigil muna sandali ang pag paypay para i-unat ang kamay.
Lalo tuloy akong na-guilty. Mangangawit lang siya, e'. Baka akalain ng iba na may special treatment ako rito at maging mitsa na naman 'yon para lalo silang mairita sa akin.
Bumagsak ang mga balikat ko at hinayan na lang si Krizza na paypayan ako, mukhang wala naman na akong magagawa dahil desidido talaga siya. Samantalang, may parte sa akin na sumaya dahil sa ginagawa niya.
I remembered Deandrah. I know she would do this to me if she's alive. Sigurado rin akong aasarin niya ang mukha kong namumula dahil sa init. Ngayong pinapaypayan ako ni Krizza, para akong bumabalik sa dati at na-i-imagine na si Deandrah ang gumagawa sa akin nito.
"Eat this," ani Kaizer habang nilalapag ang supot sa harap ko. "Lugaw 'yan. Hindi ko alam kung kumakain ka n'yan pero kung hindi kainin mo pa rin para magkalakas ka."
Sinenyasan niya si Krizza na bumalik na sa training at mabilis naman na sumunod ito. Inilabas niya mula sa plastic ang lugaw, mangkok, at kutsara. Kumunot ang noo ko. Bakit pati mangkok at kutsara ay kasama?
"Sa tapat ng bahay namin 'yan binili. Don't worry, 'yong mangkok at kutsara malinis, galing sa bahay 'yan," seryoso niyang sabi habang sinasalin ang lugaw sa mangkok.
Pinapanood ko lang siya habang ginagawa niya iyon. Bigla kong naalala ang bayaran siya at alam kong pinaghirapan niya iyong pera. Kinuha ko agad sa bag ang wallet ko at kumuha ng 100 pesos.
"H-here's—"
"Kumain ka na," suplado niyang sabi pagkatapos tingnan ang pera na ilalahad ko pa lang. Tumalikod siya at bumalik sa court, iniwan akong nakatayo rito.
Kinagat ko ang labi ko sa inis. Binalik ko na sa bag ko ang wallet at umupo na sa bleachers para kumain.
Naiinis pa rin akong isipin na ganoon ang tingin niya sa akin. Kahit yata anong mangyari, iisipin niya pa rin na maarte ako. He even think I don't eat lugaw. I fact, I know how to cook it!
BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
Teen FictionUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...