KABANATA XXXIX
"Seah!"
Lumingon agad ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Krizza. Lumapit agad siya sa akin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa dahil hindi siya nakapang-training.
"Dumaan lang ako rito. May family gathering kasi kami. As in, now na... Paalis na nga kami, e. Inaayos lang nila ate 'yong mga gamit."
Napatango ako at kumurap-kurap pa. Inaantok pa ko. Late na rin kasi ako nakatulog kagabi kaiisip ng kung ano-ano. Kaaalis lang ni kuya Luis pagtapos akong ihatid dito sa labasan.
"Pakisabi na lang kay coach, ah! Ikaw nang bahala," aniya sabay beso sa akin.
Tumango naman ako agad. "S-sige... Ingat kayo. Enjoy." I smiled.
Kumaway siya sa akin bago sumakay sa tricycle. Bago pa man ako tumalikod ay bumaba siyang muli at nagmamadaling lumapit sa akin.
"B-bakit, Krizza?" nagtataka kong tanong.
"Ano nga pa lang sabi ni kuya Kaizer?"
"H-huh?" Nanlamig ako nang marinig ko ang pangalan na iyon.
"Ha? Anong sabi? He asked me for your number kaya! Kagabi noong nakauwi ka na, bumalik siya sa park pagkatapos ihatid sa bahay si pabebe girl!"
Kunot noo ko siyang tiningnan. Naguguluhan ako. Kaizer asked for my number? But why? For what?
Wala naman akong pakialam kung ano ang nangyari kagabi. Gusto ko lang talagang magpahinga na sa bahay kaya nagpasundo agad ako. Parang biglang sumama ang pakiramdam ko kagabi, e.
"H-he didn't text—"
"What? Bakit pa niya hiningi ang number mo, kung gano'n?" naguguluhan din na tanong ni Krizza.
I shrugged.
"Hoy, Krizza! Tara na! Anak ng pating ka talagang bata ka. Anong oras na, oh!"
Napalingon kami sa nagda-drive ng tricycle. Tumawa si Krizza at tumakbo na pasakay ng tricycle. Kumaway siya sa akin bago umandar ito. Nakita ko pang nag-asaran sila ng lalaking nagda-drive ng tricycle. Siguro ay tito niya iyon.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa court. Dati-rati ay natatakot pa akong dumaan dito nang mag-isa dahil bukod sa hindi ako pamilyar sa lugar, marami rin ang tambay. Well, hindi pa rin nawawala ang takot ko... siguro nabawasan lang. Kapag kasi umaga ay wala naman masyadong tambay kaya hindi na ako nagpapahatid kay kuya Luis hanggang court.
Huminga ako nang malalim at kinuha ang phone ko sa bag. Tiningnan ko pa nang maigi ang text messages kung may unknown number ba roon na nag-text. Nakaka-ilang check na ako at ni-refresh ko pa ang phone ko pero wala talaga. Hindi naman nag-text si Kaizer. I rolled my eyes unintentionally. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kaniya!
Pagdating ko sa court ay halos kumpleto na kami. Agad kaming nag-start pagdating ni coach Almira. Nag-focus lang ako sa mga drills at sa pagse-set ng bola. Hindi ko na binigyan ng pansin ang pagtingin kung kani-kanino. Maybe sometimes... napapalingon ako kay Kaizer. Hindi ko rin alam kung bakit, basta automatiko akong napapalingon. Paminsan-minsan ay nahuhuli pa niya ako kaya minabuti kong huwag na lang pansinin.
Inis kong pinindot ang jar namin para lagyan ng tubig ang tumbler ko pero wala na yatang laman. Bumuntong hininga ako at tumalikod na. 'Di bale, mamaya na lang siguro ako iinom. Makakaya ko pa naman sigurong tiisin ang uhaw.
"Seah..."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Kaizer sa likuran ko. Kinagat ko muna ang labi ko bago lumingon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
Teen FictionUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...