KABANATA XII
"I told you—"
"She's gonna be okay! Umpisa pa lang kaya ganiyan!"
Unti-unti akong dumilat nang marinig ang bulong na pasigaw ni Deandrah. I saw a white familiar ceiling. Where am I?
"Gising na si Seah!"
Dahan-dahan akong lumingon kay Deandrah at kinusot pa ang mga mata.
"What are you feeling? A-are you okay? Anong masakit sa'yo? Ulo mo? Masakit ba?" dire-diretso nitong tanong.
"Don't ask her too many questions."
Automatikong lumipat ang tingin ko kay Kaizer na nasa likod ng aking pinsan. The way he stare, stood up and his presence were all the same. He's still wearing sports attire, anyway. Ang nabago lang ay naka t-shirt na siya ngayon.
Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa at hindi malaman ang gagawin.
"Hindi ko sinabi kay Tito Charles. But if you want... I can call him right now—"
Napaupo ako sa kama dahil sa gulat. "No! Please Deandrah. Don't tell him."
"Of course, I will not! Just calm down. Humiga ka muna at magpahinga." Inalalayan niya akong mahiga muli.
Natahimik ako habang pinagmamasdan si Kaizer na lumabas ng pinto. Hindi ko alam kung saan patungo.
Sinamantala naman iyon ni Deandrah para magkwento nang magkwento.
"Hindi mo sinabi sa akin na nahihilo ka at nagdidilim ang paningin. Sana ay pinagpahinga muna kita." Nakanguso na sabi ni Deandrah.
"I'm okay—"
"Okay? Anong okay? Chelseah Claire, for your information alas singko na ng hapon."
Nanlaki ang mga mata ko umupo muli para silipin ang bintana. Bumagsak ang balikat ko nang makita ang araw na palubog na.
Ibig sabihin ay buong maghapon lang akong narito at natutulog? Ni hindi man lang ako umabot sa kalahati ng training.
"Muntik ko na talagang tawagan si Tito Charles kanina! Hay naku... Mula umaga hanggang tanghali bumabalik ako rito para tingnan ka. Sadyang mahimbing ang tulog mo, dala siguro ng pagod. Gusto sana kitang bantayan kaso hindi ko maiwan ang team, kaya bumabalik-balik na lang ako rito..."
"I'm so brainy! Kung sinabi ko kay Tito Charles, hindi ka na papayagan no'n for sure! Magaling ako magdesisyon, duh!" She smirked and bite an apple. "Ay! Sa'yo pala 'to Seah!" Tumawa siya ay inabot sa akin ang mansanas na may kagat na.
Pagkatapos kong kumagat sa mansanas ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Kaizer at ang nurse na namumula pa ang pisngi.
Ngayon ay sigurado na akong nasa clinic ako!
"Ma'am check ko lang po kayo," sabi nito habang hindi maitago ang ngiti.
Lumayo sandali si Deandrah para matingnan ako ng nurse. Marami ang ginagawa sa akin ngunit sadyang tumatagal dahil sa kakatitig niya sa likuran sabay hagikgik.
Kunot noo ko itong inobserbahan at napag-alaman na si Kaizer ang tinitingnan nito. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga...
Hay naku, ate nurse! Kung alam mo lang kung ilan ang babae niyan!
"Pwede na po kayong umuwi ma'am. Doblehin niyo na lang po ang pahinga sa bahay," mahina at mahinhin nitong sabi, pagkatapos ay hinawi ang buhok.
Tumango ako at nagpasalamat naman si Deandrah. Nang makalabas na ang nurse ay lumapit na ulit siya sa kama.
BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
TeenfikceUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...