KABANATA XIV
"Close your eyes girl," mahinang sabi ng make up artist.
Sinunod ko naman ang sabi niya. I gritted my teeth because of that annoying make up brush. Maging ang bigat ng make up ay nakakairita sa balat ko. Hindi talaga ako sanay sa mga ganito.
"Ate, start na raw po!" boses ni Deandrah.
Binukas ko ang mga mata at nakita si Deandrah na nakasilip sa pinto. Nang makitang nakatingin ako ay pumasok siya at inikot ang suot na yellow dress. It's sparkling and made her look very elegant. She partnered it with pearl necklace, and small white hand bag.
"Saglit lang, retouch na lang 'to, bebe," ang make up artist. Napapikit ako nang lagyan niya pa ulit ng kung anuman ang talukap ng mata ko.
"Seah wear your beautiful smile, ha? I'm gonna take a bunch of pictures of you! Just don't get your standards high because you know... hindi ako sanay!" Tumawa nang malakas si Deandrah. Kahit na nakapikit ako ay napangiti dahil nasa sa imahinasyon ko ang itsura niya.
"And... don't take a big step! Malalaman nila na naka-sneakers ka at hindi naka-heels!" dagdag pa niya.
Natawa ako dahil pinagtalunan namin iyon kanina. Kahit anong pilit niya ay hindi siya nanalo sa akin dahil ayaw ko talagang mag heels. For what? I don't need that. My height is enough. Kaya panay ang pasalamat ko sa Diyos na hindi ko na kakailanganin pa'ng magsuot ng heels dahil binigyan niya kami ng good genes.
"Mauna na 'ko, Seah!" paalam ni Deandrah.
Dumilat na ako nang lagyan lipstick ang labi ko. Tumango ako at ngumiti kay Deandrah. Kumaway siya bago isarado ang pinto.
"Mabuti hindi ka umitim sa training? Balita ko ay sumali ka raw sa volleyball team," nakangiting sabi ng make up artist.
"Umitim nga po yata," nahihiya kong sabi.
"Naku! Hindi man lang! May mahika yata ang kulay niyong mga Cristobal, kahit maarawan ay mamumula lang, pagkatapos ay babalik na sa dati!"
Ngumiti na lang ako bilang tugon dahil hindi alam kung ano ang isasagot. Tumahimik na rin siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Perfect!" Pumalakpak pa ng isang beses ang make up artist habang tinitingnan ang mukha ko.
"Tara na po ma'am sa labas, naghihintay na sila," sabi noong coordinator.
Tumango ako at ngumiti nang bahagya. Habang inaayos nila ang gown ko ay humarap ako sa salamin. Napangiti ako nang tingnan ang sarili na nakasuot ng long violet gown. Tita Deanna suggested this since she saw the portfolio of the designer. I agreed, we all agreed because the gown is simple but elegant.
My long hair is now curly. I think, what I really love is when they put a sparkling butterfly hair clip on my right upper ear.
"Ladies and gentlemen, let's all welcome our birthday celebrant... Chelseah Claire Cristobal! Give her a round of applause!"
Kumabog ang dibdib ko habang bumababa sa hagdan ng isang sikat na hotel dito sa lungsod namin. Ang dami ng tao na inaasahan ko ay nahigitan—nakakalula ang dami nito. Kahit na kinakabahan ay hindi iyon pinahalata.
I am a Cristobal, I should not be afraid to show my beauty... even my flaws.
Dahan-dahan akong bumaba sa mataas na hagdan habang naririnig ang malakas na palakpakan ng mga tao. Halos mabingi ako roon ngunit pinanatili ang pag ngiti.
Nakita ko agad si Deandrah na nagpi-picture sa akin sa gilid kahit na maraming photographers ang bayad para rito. My cousin is so sweet...
Sinalubong ako ni Daddy sa baba ng hagdan at hinawakan ang kamay ko. Inalalayan niya ako papunta sa sofa sa gitna ng stage para roon maupo.
BINABASA MO ANG
Training my Naive Captain (On-hold)
Ficção AdolescenteUNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born with a golden spoon in her mouth. Seah's life was perfect at peace until her cousin, Deandrah forced...