KABANATA XIX

182 4 7
                                    

KABANATA XIX

My voice was shaking.

I didn't know if I can last in this field.

Pagkatapos ng isang school na iyon ay marami pa ang dumaan na naka-truck sa amin. Ang iba ay malala pa ang ginagawa—personal kung personal.

Hindi ko alam na ganito pala iyon. I can't imagine myself being savage or swag just to compete.

"Are you okay?" biglang tanong ni Deandrah. "Dahan-dahan lang, kuya!" sigaw nito sa driver ng truck na aming sinasakyan nang madaan kami sa lubak at halos mabuwal ang lahat. Kinatok pa nito ang salamin para mapansin siya.

Huminga ako nang malalim at inayos ang pagkakaupo.

"Nauuhaw ka ba? Nagugutom? Naiihi—"

"I'm okay, D..."

"Hoy Chelseah Claire! Namumutla ka na nga, ngayon mo pa sasabihin na okay ka." Itinuro niya pa ang mukhako.

I sighed. "I am just... nervous. Lalo na kanina, hindi ko akalain na ganoon pala ang sistema."

Tumawa siya nang bahagya at umiling. "Hindi lahat ng schools ganoon, at hindi rin lahat ng mga players sa school ay ganoon ang ugali. There's friendly athletes, just wait and I'll introduce them to you."

"I don't know—"

"You don't know how to make friends," she cut me off. Kinalabog niya na ang salamin ng truck nang madaan kami sa road humps. "Kuya, pakidahan-dahan naman!"

Napangiwi ako at hinimas ang ulo ko na nauntog dahil sa pagmamabilis ng driver. Kaniya-kaniya ring reklamo ang lahat.

Ipinatong ko bag sa aking mga tuhod at nagsimulang dumukmo. Hindi ko makayanan ang ingay, nakakasakit sa ulo. Kung malayo pa kami, sana ay makatulog ako.

Muli akong binagabag ng mga naiisip. Paano kung hindi maganda ang kalabasan ng first day namin? What if... ipasok ako at magkamali?

And what if... lahat ng kalaban ay ganoon, walang sportsmanship.

I felt the combination of anxiety, dread, and excitement all at once. That was a roller coaster feeling. Ngayon ko lang yata ito naranasan.

"C..."

Inangat ko ang ulo ko at tiningnan si Deandrah.

"Nerbyosa!" Tumawa ito at ibinigay sa akin ang earphone, ang kabila ay suot niya.

Kunot noo ko itong kinuha at isinuot sa tainga.

"If you feel nervous, sad, happy, basta kahit ano... listen to worship songs. The best." She smirked and laid her eyes on the road.

Ngumuso ako at ibinalik ang pagkakadukmo kanina. I found myself smiling in the middle of the song. Lalo na nang sumakto ang mga lyrics sa nararamdaman ko.

My nervousness was now slowly going down. Deandrah was right. I love the way the song made me calm.

Hindi ko akalain na sa gitna ng ingay ay nakatulog ako. Nataranta na lang ako nang gisingin ni Deandrah at sabihing narito na kami.

Nang makababa na kami sa truck ay tiningnan ko agad ang lugar. This academy was big compare to our school. Gate pa lang ay masasabi kong ng mahal ang matrikula rito.

Malaki rin naman ang school namin. Kung tutuusin ay para iyong private school. Sabagay, sabi ni Deandrah ay private iyon dati kaya Academy ang name. I just don't know the history why it became a public school.

Nang makapasok sa loob ay panay ang puri ng mga athletes sa school. Hindi ko naman sila masisisi.

Nang makarating kami sa malaking covered court ay halos hindi ko na makita ang stage sa dami ng mga athletes. Iba-iba ng mga kulay ang mga jerseys kaya naman madali rin mahanap ang mga schoolmates.

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon