KABANATA XXI

162 3 10
                                    

KABANATA XXI

The referee whistled.

My knees were trembling. They all started to run, excluded me.

Makikipag-shake hands na, hudyat na umpisa na ng laban. But I can't move my body, knowing that a whole crowd was watching me. My forehead started to produce a bullet sweats because of nervousness.

Nagulat ako nang biglang humakbang pabalik si Deandrah. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko nang mahigipit.

"Don't be too nervous, I'm here, C..." Hinatak niya ako dahilan para mapatakbo rin ako.

Her hand was warm, while mine... well, you can make ice on this. Of course, this was my first ever official game!

Pagdating namin sa gitna ay lalong dumoble ang kaba ko. Nakipagkamayan na sila sa ilalim ng net at ako ang nasa huli.

Ang team na ito ay ang napanood ko kahapon. Iyong may magaling mag quick attack!

Nanlamig lalo ang mga kamay ko nang makita na ang una kong makaka-shake hands ay ang spiker na magaling sa quick.

Nang magtapat kami ay ngumiti siya. She's quite taller than me. Inilahad ko lamang ang kamay ko at hindi malaman ang gagawin.

"Good luck," matamis niyang sabi sabay alog sa kamay ko.

Ang mga sumunod pa na player ay walang pinagkaiba—pare-parehas lang sila ng sinabi. Ang pinagkaiba lang ay ang kanilang reaksyon at mga mukha. Ang iba ay nakangiti at ang iba naman ay mukhang makikipag-away.

Ako naman ay tumango na lang dahil hindi malaman ang gagawin habang sila Deandrah ay nakipagbeso pa at nakipagyakap sa ibang kakilala.

Maya-maya pa ay naiwan na ako sa labas. Pumasok na sa loob ng court ang first six. Tinawag na ang captain ball at lumapit si Deandrah na nakangiti.

"Seah, ayos ka na ba?" tanong ni Alexa, kapwa ko bench player.

I smiled shyly. "Y-yes, I'm okay now."

Ngumiti si Alexa habang tumatango-tango atsaka ibinalik ang tingin sa laro.

I touched my neck and forehead. Hindi naman na ako mainit tulad kagabi. I slept too long last night, kaya siguro naman ay nakabawi na ako ng lakas.

Nang manalo sila kahapon ay nag celebrate saglit, kainan, habang ako ay natutulog. Pagdating naman ng hapunan ay ginising ako ni Deandrah para kumain, pagkatapos noon ay natulog muli.

Masyado lang siguro akong napagod, dagdag na ang kaba na naramdaman.

"Start na?" hinihingal na tanong ni coach Almira.

"O-opo..."

"Mabuti naman ay umabot ako. Ang boys, second set na."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Kaya pala wala siya kanina rito, nagkasabay ang laro.

Umupo sa tabi ko at nanood. Tuwing time out ay may itinuturo siyang strategy na agad namang nakukuha nina Deandrah at iba pang nasa loob.

"Uh... s-saan ba 'yan? Tulungan ko na kayo para—"

"Naku! Hindi na, Chelseah! Kaya na namin 'to," tanggi agad ni Rhea, teammate ko.

"I insist!" mabilis kong sagot sabay kuha ng mga baso.

Wala na silang nagawa kahit na mukhang nag-aalangan. Inilagay ko ang mga baso sa bleachers para sa teammate namin kapag nag-time out.

Why they refused to make me help? Just because I am the captain ball's cousin or because... I am the daughter of the Mayor?

Training my Naive Captain (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon