01: The Training

137 17 12
                                    

[ Geisha ]

"Feed the lizards!"

Napalunok na lang ako ng marahas pagkarinig ng matigas na utos ng babae sa harap.

Sa isang isla na malayo sa kabihasnan. At hindi ko alam kung saang panig ba ng daigdig ang lugar na ito. Wala akong ibang makita kundi purong asul na dagat at kalangitan na nakapalibot sa amin.

Pagkatapos kong pumayag na tanggapin ang pagsasanay na alok ni Suprema. Nagising na lang akong nagsisisi kung bakit ako pumayag.

Si Ms. M at si Ms. L ang nakatakdang magsanay sa amin ngayong umaga. Hindi pa pumuputok ang araw, napabalikas na lang ako mula sa katamtamang lambot ng higaan sa barracks. Dahil sa malalakas na lagabog mula sa malapad na pintong gawa sa yero.

Hindi ko maigalaw ang mga braso ko at ang mga hita ko. Ang katawan ko ay halos hindi ko mabuhat pero hindi ako pwedeng hindi kumilos. Mapaparusahan ang ka-grupo ko. Ayokong mangyari 'yon.

Pagkatapos mag-jogging, kailangan namin pakainin ang alagang hayop ni Suprema.

'hindi ko lang alam kung anong hayop naman ang pakakainin namin ngayon.'

Napabuntong hininga na lang ako. ‘Sinusumpa ko ang lugar na ito.’

'Hindi ko naman kasi alam na ganito kahirap ang training. Daig pa ang sa pagsusundalo.'

Habang deretsong nakatayo at ang kamay ay magkahawak sa likuran. Bawat paghinga ay kailangan mabagal at walang tunog.

Para kaming nasa reality show na 'survivor'. Yung dadalhin ka sa isla na walang kahit ano at ikaw na bahala gumawa ng paraan. Pero dito, bawat task, may katumbas na bagay para magamit namin habang nandito kami sa isla.

Tatlong taon na rin ang nakalipas, nandito pa rin ako sa isla na ito. Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako.

Kung 'di lang talaga makapigil hininga ang kagandahan ng paligid dito, mamatay kami sa sobrang hirap at sa sobrang pagka-inip.

Sa ngayon, may tent na ako, kumot, unan at mga personal na gamit na 'di basta-basta makukuha dahil nilalagay nila ito bilang reward pag natapos ang task.

Ang personal hygiene at pagkain ay kailangan 'din makuha sa pagkatapos ng gawain.

It's either you will swam to the sea and fish.

Kailangan mong mag pasensya at maghintay hanggang sa mahuli mo ang isa para sa iyong sarili. O di kaya, pwede kang mag-team-up sa iba para manghuli ng isda para sa pang-araw-araw na pagkain.

Maaari ka ring manghuli ng manok, ahas, baboy, palaka at maging isang daga sa palayan. Para lang makakain.

Depende sa pakakawalan nila at huhulihin naman namin para may makain kami.

Noong una iniisip ko kung anong koneksyon ng mga pinaggagawa namin, sa training namin.

Ngunit pagkatapos, natanto ko na ang aking mga pandama ay nagiging masigasig at tiyak.

Maging ang mga galaw ko ay nagiging mabilis at tahimik.

At first I feel disgusted pero kapag gutom ka na pala, magagawa mo din sikmurain kung anong nakahain sa harap mo.

Sinabi sa amin ni Suprema na mayroon siyang parehong pagsasanay. Siya ay dating naghahanap ng kanyang pagkain dahil walang magbibigay ng mga pangangailangan para sa kanya. At kailangan niyang mabuhay.

Iyon ang laging pinapaalala ni Suprema sa amin. That what we experience right now, nakaya niyang pagtagumpayan basta wag susukuan.

Aniya, umindayog siya sa mga baging, umakyat siya sa pinakamataas na puno at nakipag-away pa sa pinakamalalaking baboy para lang maisakatuparan ang lahat ng mga gawain para makakuha ng kanyang pagkain at iba pang pangangailangan.

Taming My Savage Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon