[ Geisha's ]
Mula ng araw na 'yon, I didn't fear anything...even death.
After two years,
Madilim na sa paligid nang huminto ang sasakyan nina Lat at Zyg, isang daang metro ang distansya mula sa mismong lokasyon ng meet-up-ng dalawang pinaghihinalaan at kinatatakutang sindikato sa lungsod.
"Isang supplier at isang buyer ang nakatakdang magkita ng lihim dito sa pribadong warehouse." Paalala sa amin ni Lexter.
"Ayon sa binigay na information, higit sa isang daang milyon ang magiging halaga ng mga drogang ibabagsak dito at pi-pick up-in naman ng kabilang grupo. Sinigurado ni Suprema na hindi pipitsugin na drug lords lang ang mga darating kaya pinag-iingat niya tayong mabuti." Ani naman ni Zyg.
Tumingin ako sa kanilang dalawa at napangiti, "Hindi na ako makapaghinatay."
The hell! Sila ang mag-ingat sa'kin dahil di sila sasantuhin ng bala ko!
Umirap ako sa hangin saka kinuha ang Field Glasses. Ito ang binoculars na ginagamit sa military; na nakalagay sa backpack ko. Gamit ang binoculars, nakita ko ng malinaw ang mga tauhang higit sa dalawampu ang nagbabantay sa labas. May mga bitbit na malakas na kalibre ng baril habang nagpabalik-balik sa harap ng warehouse.
Napansin ko din ang pagdating ng isang Mercedes Benz kaya agad kong zinoom-in pa ang view ng binocular para makita pa ng mabuti ang sakay nito. May dalawang tao na sakay. Isang driver at isang lalaki na nasa backseat. Kasunod ng ilan pang mga ordinaryong kotse sa likuran.
Agad kong tinimbrehan sina Lexter at Zyg para alertohin sila mula sa Van sa di kalayuan sa kotse ko.
"Positive! Team P 02, the target subject is here!" Mahina kong sambit sa earphones. Sapat para marinig nina Lat sa kabilang linya ng suot niyang earphones.
Binalik ko ang binoculars sa loob ng backpack saka kinuha ang dalawang kuwarenta y singko at sinukbit sa likurang bahagi ng pants at gamay na gamay ko na itong gawin., Ang mini crossbow pistol kong pina-customize ko; na may balang dart-size paralytic arrow effect. Ang sino mang tatamaan nito ay siguradong mapaparalisa at di makakagalaw ng 24 oras.
Lalo na kung mapapabaon ito sa bandang puso, sa loob lang ng sampung segundo, magagawa nitong mapaparalisa agad ang tinamaan.
Maingat akong lumapit sa mga tauhan na agad akong pinasadahan ng mapanuring tingin bago ako hinarang ng mga ito.
"Bawal ka dito Miss. Private property ito." Anang isa na unang nakalapit sa akin.
"Ganun ba sir?" Kunwaring naguguluhan kong sabi. Saka nag aalalang tumingin sa mga mata niya. Tulad ng tunay na inosente.
"Oo kaya ang mabuti pa umalis kana." Inis na pagtataboy ng lalaki nito sa akin. Sinadya pa nitong ipakita sa akin ang hawak niyang baril kaya umarte akong kinakabahan. Para mas kapani- paniwala.
"T-teka sir... k-kase po naliligaw yata ako. Pwede mo po bang tingnan ang address na ito sir?" Kumwari akong nauutal at tumingin sa kaniya ng may takot.
Dahan-dahan kong kinuha ang dalawang baril na nakasukbit sa likuran ko ay agad itinutok sa noo ng lalaki.
Gulat na gulat itong inalarma ang iba pang kasamahan niya pera agad ko ring pinaputukan ang mga ito sa mismong ulo na agad ikinamatay ng mga armadong lalaki. Na walang nagawang ingay dahil sa silencer na naka-kabit sa baril ko.
Wala pang limang minuto, dalampung tao ang agad pumanaw sa mga kamay ko na para bang mga lamok lang ito. At masyado kong ine-enjoy ang pagpatay sa mga ito na walang pag-aalinlangan.
BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
AcciónHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...
