[ Hades ]
“Itabi mo Luxus...” Walang gana kong utos kay Luxus. Sampung metro ang distansya mula sa tapat ng hinintuang apartment ng asawa ko.
Bumaba siya sa pulang kotse na sinakyan niya kanina. Malakas ang pakiramdam ko sinundo siya nito kanina sa tapat ng shoes shop.
Hindi ko lang alam kung anong koneksyon nito kay Geisha. Pero hindi ko nararamdaman na may namamagitang higit sa magkakilala o magkaibigan.
Tinted ang salamin ng kotse ko kaya hindi niya kami makikita.
Marahan kong isinandal ang likod ko sa malambot na back rest ng upuan. At mariing pumikit saka pinakawalan ang malalim na buntong hininga.“Gusto mo bang manmanan ko boss?”
Tanong ni Luxus. Naramdaman ko din ang mga tingin niya.“Wag na. Sigurado akong nararamdaman na niya ang presensya natin kahit nandito tayo sa malayo.” I said in breathe.
“Ang lakas naman ng instinct ni Ma'am Geisha, boss? Daig pang may radar na one hundred meters ang layo?” hindi makapaniwalang tanong ni Lux pero hindi ko na siya sinagot.
Mariin kong minasahe ang sintido ko para mabawasan ang stress. Dahil sa nakakaubos ng pasensyang prustrasyon na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
“Hindi ako sanay na hindi sinusunod kaya bago sa'kin ang ganitong pakiramdam. Matagal ko nang alam na matigas ang ulo ni Geisha noon dahil hindi maitatangging spoiled siya ng pamilya niya. Pero hindi ko naisip na mas malala na siya ngayon.” Dismayado kong sabi saka umayos ng upo at tumingin sa direksyon ng apartment ni Geisha.
“I feel so exhausted. Hindi ko na alam kung paano ikakalma ang sarili ko dahil sa pag-aalala at inis na nararamdaman ko para kay Geisha.”
“Naiintindihan kita boss.”
Muli naming sinilip ang apartment ni Geisha sa malayo.
“Ngayon ko lang napansin na maganda rin ang napili niyang apartment. Hindi nga ito kasing laki ng dapat na bahay namin sa SF village. Pero mukhang gusto dito ng asawa ko.”
“Mukha ngang mas nanaisin pa ni ma'am Geisha na tumira sa kalye kesa makasama ka, boss.” natatawang ani ni Lux at tinitigan ko siya ng matalim.
“Eh kung ikaw ang patirahin ko sa kalye?”
“Biro lang boss ikaw naman.”
“Wala akong oras sa mga kalokohan, Lux.” iritado kong sabi at bumjntong hininga.
“Maganda ang taste ni Ma'am Geisha pagdating sa style ng bahay. May dalawang palapag ito. Kulay beige at brown ang pintura. May dalawang bintana sa ibaba, pinto, may maliit na terrace at malaking binata sa itaas na may salamin. Na natatakpan ng kulay brown na kurtina sa loob kaya hindi makikita.
Pero napansin kong nakabukas ang sliding door ng terrace sa itaas na para bang nakalimutan isara iyon o May pumasok na hindi niya alam.
“Boss si ma'am nakatingin dito sa gawi natin.” pabulong na ani Luxus kaya pasimple akong sumilip sa direksyon niya.
Magkasalubong ang kilay niya at masama ang tingin sa gawi namin na para bang inoobserbahan niya ang pwesto namin.
“Hide, Lux!” mahina kong utos.
Ayokong makita niya kami dito sa loob. Sumiksik pa ako sa kabilang bahagi ng upuan para masigurong hindi niya kami masisilip. Hanggang sa isara na niya ang kurtina at pinto ng terrace. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Pakiramdam ko malalaglag ang puso ko dahil malakas ang tibok nito kanina.
“Let's go. Makikipag kita pa ako kay Suprema.” I said and lean on the backrest again. Kaagad naman sumunod si Luxus. Pinaandar niya agad ang makina ng kotse at umalis na agad kami sa lugar na iyon bago pa kami mapansin ni Geisha. Matalino pa naman ang babaeng iyon. Sa kilos niya kagabi at laki ng tiwala sa sarili na kaya niyang protektahan ang sarili laban sa mga banta ng kalaban, para bang bihasa na siya sa pakikipaglaban.
BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
AcciónHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...