[ Geisha ]
Napasandal ako sa backrest ng upuan. Pakiramdam ko ngayon ko naramdaman ang matinding pagod. Naalala ko na naman ang ginawa ni Hades kagabi. Sumisikip ang dibdib ko at ang mga mata ko ay nag-iinit. Hindi ko matanggap ang nangyari at parang gusto na naman tumulo ng luha ko. Pero dahil nandito sina Lexter at Zyg.
Ayokong malaman nila ang ginawa sa akin ni Hades. Kumukulo ang dugo ko kapag nai-imagine ko kung paano niya ako nakuha. Sumasakit ang ulo ko at nandidiri ako sa sarili ko. Nandidiri ako sa Hudas na yon!
Humugot ako ng malalim at mahabang buntong hininga saka mariing pumikit. Gusto kong maalis ang imaheng iyon sa isip ko.
‘Kailangan ko muna alisin sa isip ko ang bagay na iyon para maka-focus ako. Kailangan ko pang harapin si Suprema.’
Paghinto ng sasakyan sa tapat ng gate ng apartment ko, agad akong bumaba at pinindot ang number lock ng gate. Medyo advance ang lock nito na pinasadya ni Suprema para daw sa safety ko.
‘Sinasabak niya kami sa mga misyon para humuli ng mga halang ang kaluluwa na tao. Tapos iniisip niya ang safety namin? Kalokohan talaga ng mangkukulam na ‘yon.’
Tinulak ko ang maliit na gate at nagmamadaling pumasok. Pinark muna ni Lex ang kotse niya sa gilid ng daan, bago sumunod sa akin sa loob ng apartment.
“May pagkain ka ba dito, Gei?” Tanong ni Zyg na dumeretso sa kusina at naghalungkat sa mga cabinet at ref.
”Maghanap ka na lang dyan Zyg, magbibihis lang ako!” Sigaw ko habang tumatakbo paakyat sa kwarto ko. Buong 2nd floor ang kwarto ko. Kaya pag akyat, pinto agad ng kwarto kaya malaki iyon kahit paano.
Tulad ng sa gate, digital ang lock ng pinto nito. Pinindot ko ang code saka binuksan. Sinipa ko na lang ang ibabang bahagi ng pinto saka dumeretso sa banyo. Agad kong binuksan ang dutsa ng shower habang nagmamadaling hinubad ang aking damit.
Hinagis ko sa lapag ang damit saka pumunta sa ilalim ng shower para maligo muli.
Pagkatapos kong kuskusin mabuti ang aking katawan, kahit pakiramdam bagay ko kulang pa ang paghihilod na ginawa ko para maalis ang dumikit na amoy ng balat ni Hudas sa balat ko., tinapos ko na rin ang pagligo.
Kinuha ko ang tuwalyang nakatipid sa devider. Ibinalot ito sa katawan ko saka kumuha pa ng isa pang tuwalya para sa buhok bago lumabas ng banyo.
Napansin kong bukas ang kurtina ng bintana kaya nilapitan ko iyon at isinara. Napatitig ako sa puting SUV na nakaparada ilang metro ang layo sa apartment ko. Pakiramdam ko si Hudas yon at nasundan niya agad ako dito sa tinitirhan ko. Pero, katapat naman iyon ng gate ng kapitbahay na nakabukas.
“Imposibleng masundan agad ako ng Hudas na yon dito sa apartment. Masyado yata akong nayayanig ng presensya ni Hudas.” Dismayado kong bulong.
Pagkatapos kong isara ang kurtina, dumeretso ako sa maliit kong walk-in closet. Kung saan lahat ng mga gamit ko ay maayos na nakalagay. Pero May ibang mga gamit na naka kalat sa sahig nito.
Napatakip ako bigla ng ilong pagbukas ko ng pinto ng closet. Nang malanghap ko ang masang-sang na amoy ng maruming damit, medyas at pagkakulob ng kwarto. Kaagad kong binuksan ang exhaust fan at kinuha ang air spray at pinaliguan ng air spray ang buong closet.
“Nakalimutan kong mag-ayos ng gamit. Ang kalat-kalat nakakainis!” Iritado kong bulong habang dismayadong nakatingin sa mga gamit kong nakakalat sa sahig.
Mga pantalon, sapatos, mga jacket na hindi pa nalalabhan, mga medyas at mga underwear na nasa basket. Hindi ko na alam kung ilang buwan na ba ito dito sa basket dahil lagi akong walang time maglinis.
Nadagdagan pa ng masangsang na amoy. Dahil sa medyas na nakakalimutan ko laging labhan.
‘Kinakalimutan.’ pagtatama ng konsensya ko.
Napapailing na lang ako sa nakikita ko. Pero wala talaga akong oras maglinis. Lagi kaming nasa misyon. Kung saan-saang sulok ng bansa basta kailangan. Minsan napapa-travel pa sa ibang bansa para lang sa misyon na ini-atang sa amin.
Nagmamadali akong kumuha ng damit sa nakasaradong aparador at agad lumabas para magbihis.
‘Hindi ko kayang tagalan ang amoy sa loob. Sa susunod na ako maglilinis kapag may oras na ako.’
Nagmamadali akong nagbihis ng isang skinny pants na black, rider's leather jacket at sleeveless na shirt sa loob.
Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumapit sa maliit kong kama para kumuha ng baril. May isang sikretong lalagyan ang ilalim nito. Hindi basta-basta makikita o made-detect.
Naka-ukit ang mga lalagyan ng mga baril sa mismong makapal na kahoy kung saan pwedeng ikutin para makuha ang mga baril.
Pinili ko ang isang Hand gun na madaling dalhin. Nagdala na rin ako ng extrang magazine para makasiguro. Inilagay ko ito sa isang bag na may secret compartment, para makasigurong hindi mauubusan agad. Bago tuluyang bumaba, sinuksok ko sa bahaging likuran ng bewang ko ang dslawang baril at isa sa sling bag.
“Bat ang tagal mo naman yata maligo?” Dinig kong puna ni Zyg kaya napatingin din ako sa kaniya.
“Marumi ako ngayon kaya kailangan naghilom ng mabuti para matanggal ang nakakadiring dumi.” walang gana kong sabi. Naalala ko na naman si Hudas at ang ginawa niya sa'kin.
‘hindi na ako virgin pusang ina!’ bulong ko saka bumaba.
Hawak ang supreme cup noodles na umuusok-usok pa at amoy na amoy ko ang mabangong aroma ng seafood flavor at ang aroma ng sili at paminta.
Biglang kumalam ang sikmura ko dahil dun.“meron pa ba niyan?”
Bigla akong nakaramdam ng gutom dahil sa masarap na amoy na iyon. Naalala kong hindi pa ako nag-aalmusal.
Yung binili ni Hudas na pagkain, nawalan ako ng gana dahil siya ang bumili. Kahit alam kong masarap iyon.
"Kailangan kong maligo ng mabuti syenpre..." kaswal kong sagot at pabagsak na umupo sa tabi ni Zyg. Kinuha ko ang hawak niyang cup noodles na nangangalahati na ang laman at ako na ang kumain.
“Akin yan eh. Kumuha ka ng sa'yo marami pa dun sa cabinet mo!” angal ni Zyg sabay abot ng hawak mong cup. Pero nilayo ko agad iyon agad iyon sa kaniya para hindi niya maabot.
“Gutom na gutom ako. Wala pa akong hapunan at almusal.” sabi ko pagkatapos lunukin ang noodles sa bibig. “Ang sarap pala nito... Lalo na sa gutom.”
Inis na tumayo si Zyg at dumeretso sa kusina. Natatawa ako sa kaniya pero gutom ako. Tinatamad akong kumuha ng sa akin kaya siya na lang. Isa pa, ramdam ko pa rin ang pagod at hapdi sa ibabang bahagi ng katawan ko.
‘Yung bwisit na Hudas na yon!’
Sa uri ng trabaho ko at pamumuhay namin, walang ligtas na lugar. Ang mga kalaban laging nasa paligid., Nag-aabang na parang mga mabangis na halimaw para sukulin ang mga biktima bago wasakin.
Kailangan maging alerto at handa para lumaban.‘Para maka-survive, kailangan mo din magpaka halimaw at tapatan o higitan ang ugali ng mga kalaban. Kailangan tibayan ang sikmura.’
Kailangang matutong lapain sila dahil kung hindi, ikaw ang lalapain nila ng walang awa.’
Hindi lingid sa kaalaman ko ang mga kalaban tinutugis ako. Kami.
Mga kakampi ng mga hinuli at pinabagsak naming kriminal sa tulong ni suprema.
Kaya hindi na ako magtataka Kung may mga sumusulpot na mga kalaban para atakihin kami.
Isa pa, mga kalabang grupo ng Gangster na iyon na ayaw sa pamamalakad ko. Ang bawal gumamit ng mga bawal na gamot, o gumawa ng taliwas sa batas. Dahil nga iyon ang mahigpit na utos sa akin ni Suprema.
Napakahirap pa naman kalabanin ang babaeng iyon. Hindi mo mababasa kung ano ang nasa isip niya dahil ngingitian ka lang.
Hindi mo alam kung kelan siya galit o kelan hindi.
Pero, salamat na lang kay Suprema. Kung hindi dahil sa kaniya, matagal nang naubos ang grupo ko.
BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
AzioneHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...