[Geisha]
Kanina, habang hawak nya ako, wala akong nararamdaman na ganito. Para bang sa mga braso na iyon nahihipnotismo ako sa lakas ng dating. Naglaho ng isang segundo ang pagkasuklam na nararamdaman ko.
Malalaki ang hakbang na nilisan ko ang lugar na iyon. Kahit nararamdaman ko ang mga titig ni Hades sa likuran ko, alam kong hindi sya sumunod.
"Asan na nga pala si Zhyg?" Bigla kong naalala. Kanina lang magkasama kaming pumasok sa eskinita pero hindi ko siya nakita sa paligid.
"Saan kaya nagtago ang babaeng yon?" Nagtataka kong bulong. Magaling si Zhyg. Hindi siya basta-basta nagpapatalo o magpapahuli sa mga kalaban.
'Tatawagan ko na lang mamaya pag-uwi ko sa apartment.'
Umikot ang paningin ko sa paligid. Mga maliliit na bahay lang ang naroon. Mga asong pagala-gala sa daan at ang mga halaman na bahagyang gumagalaw sa malamig na ihip ng hangin.
Magkakalayo ang mga agwat ng bahay dito, at paibaba pa ang daan.
'Bundok pala ang likuran ng bubong na naakyat ko. Akala ko isa lamang iyong simpleng bahay, at ang gilid nito ay matarik na bangin. Isa pala iyong tatlong palapag na apartment, at ang bahaging natalunan ko ay ang gilid ng gusali.'
Madilim doon at may malalayong agwat ng mga bahay kaya walang masyadong mga ilaw sa poste. Hindi ko matantya ng maayos ang agwat ng babagsakan ko kanina.
Muli akong lumingon sa gusali, Kaagad na gumapang ang kilabot sa mga ugat ko at parang nanlambot bigla ang tuhod ko. Matapos kong makita kung gaano kataas iyon, ilang ulit din akong napalunok.
"Hindi talaga ako tatalon kapag hindi ako sigurado kung ano ang agwat ng babagsakan ko" Kinakabahan kong bulong. "Gusto ko pang mabuhay"
( Zhyg's pov )
Mariin na nakakuyom ang mga kamay ko habang pinipigilan ang lakas ng kabog ng dibdib ko, ang init ng temperatura ng magkabilang gilid ko. At ang matapang na amoy ng sigarilyo at pabango na nanunuot sa ilong ko. Ramdam ko rin ang mahinang paggalaw ng inuupuan ko at ang pagtalbog ko dito. Bigla itong hihinto at aandar muli . Malamig din sa balat singaw ng aircon. "Saan kaya ako dadalhin ng mga ito?" sa loob ko, nakikiramdam ako sa paligid.
Kanina nang tumakas kami mula sa mga taong ito, napadpad kami sa madilim na eskinita. Si Geisha ay umakyat siya sa bubong. Napakadilim sa lugar na iyon kaya wala akong makita. Hindi ako sanay sa dilim pero hindi naman ako takot. Nagkataon lang na mas mabigat ang training ng grupo nina Geisha dahil ang Major trainor ang gumabay sa kanila.
Hindi ko nanaisin manatili sa isang isla na malayong-malayo sa kinabihasnan. Para lang parusahan ang sarili mo sa napakahirap na pagsasanay.
Ngayon parang nagsisisi na ako na hindi pinili ang pagsasanay doon. Hindi ko maitatanggi na talagang magaling na agent si Gei. Maliksi at matalas ang pakiramdam niya. Kaya niyang gamitin ng mahusay ang kahit na anong sandata. Baril, kutsilyo, pana, o espada.
Kung tinanggap ko ang training sa Vasileio Island, baka hindi ako nahuli ngayon. "Kainis!"
Bahagya akong napasandal sa taong nasa kanan ko dahil sa biglang pagliko ng sinasakyan namin. Halong kaba at inis ang nararamdaman ko ngayon.
"Bwisit talaga!" Asik ko pa, Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil nahuli ako ng mga ito.
Napaigik ako ng bigla akong tinulak ng taong nasandalan ko at doon naman ako sa kaliwa napasandal. Hindi ako nito itinulak.
"Napaka arte naman nitong nasa kanan ko."
Wala akong nakikita dahil sa piring ng mga mata ko. Hindi ko alam kung nasaan na ba kami.
Nakatali naman ang kamay ko sa likod kaya hindi ako makalaban, Pati ang bibig ko ay naka-duck tape. Pero ang paa ko ay malaya, "I still can kick." Bulong ko.
Nakarinig ako ng malakas na tunog. Tunog ng roll up kasunod ang paghinto ng sasakyan kung saan, wala akong ibang marinig, puro katahimikan na umuugong sa aking tenga. Bahagya kong ibinaling sa kaliwa ang mukha ko para mas mapakinggan ang paligid. Mga bose ng lalaki ang naririnigko,mga salitang hindi ko maintindihan dahil iba ang lenggwahe nito. matigas ang bigkas ng mga salita nito at parng nagbubuga ng hangin. Naisip kong baka French or Russian ang mga ito.
Napa-igik ako ng mahina ng bigla akong hilahin sa braso mula sa kanan.
"baba na dyan!" marahaas nyang utos sa ingles. "Damn it!" inis ko ring asik sa isip. Kung wala lang blind fold ang mga mata ko, makakatikim ng pamatay na irap tong ungas na 'to eh.Muntik na akong matumba pagbaba ko ng sasakyan, nag-ekis ang mga paa ko pero marahas akong inalalayan ng lalaking humila sakin sa loob ng sasakyan. Ngayon para akong alipin na kinakaladkad niya papunta sa kung saan.
Maraming yabag ng sapatos ang naririnig ko na naglalakad. Sa tantya ko ay mga lima hanggang sampu ang mga ito. Nakita kona sila kanina, mga nakasuot sila ng itim na suit jacket na pang mga kagalang galang na tao. Para silang tauhan ng bigating mafia boss o ano.
Makakalabas na sana ako ng eskinita kaninna , hindi ko agad nakita nag mga kasamahan nito na naghihintay doon sa labas. Sinalubong ako ng mga baril nila. Palagay kamga look out ang mga iyon. Sinubukan kong lumaban pero may isa sa kanila na mas maliksi kumilos. Nasipa niya ako ng malaks sa sikmura!
'Bwisit talaga!' muli kong asik.
Muntik na naman akong madapa ngunit napsubsob ako sa pader nang nang bigla akong itulak ng lalaking kumakaladkad sa akin. Paulit-ulit akong napamura sa isip at naisumpa na pupulbusin ko talaga ang mukha ng lalaking ito kapag nakawala ako dito.Umiikot ang paningin ko nangmaramdaan ko ang kirot mula sa ilong ko at labi dahil sa pagkaka-untog nito sa pader. dulot ng hindi masukat na kirot nais ko na silang tadyakan lahat para makaganti man lang sa pagtrato nila sa akin.
Napasandal ang ako sa gilid ng pader nangmaramdaman ko ang mahinang pag galaw ng kinalalagyan namin. Para bang tumataas ito.
'nasa elevator ba kami?' sa isip ko.
Nanatiling tahimik ang buong lugar na iyon na tila ba mga paghinga lang namin ang bumabasag noon. Nakakabingi ang ugong nito sa aking pandinig na parang may kung ano na nakatakip sa tainga ko. Ilang sandali pang naatayo ako doon, narinig ko na ang tunog ng na nagpapatunay na nasa elevator nga kami.
Muli na naman akong hinila ng lalaki na kanina kumakaladkad sa akin. Nanatili akong tahimik at nakikinig sa buong paligid ngunit mga yabag lang ng mga sapatos ang naririnig ko. ilangmllking hakbang ang nagawa kong dahil sa panghahaltak nila sa akin kanina pa. Masakit na rin ang braso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/259148885-288-k271572.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
ActionHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...