“Boss ito ang nalaman ko tungkol sa nangyari kay Mr. Asthrielle. Five years ago, may report sa mga pulis na pinasok ng armadong mga lalaki ang bahay ng Pamilya Asthrielle. Tatlong buwan pagkatapos ng kasal niyo. At dalawang linggo pagkatapos mong umalis ng bansa. Hindi malinaw ang dahilan, pero kinamatay iyon ni Mr. Asthrielle. At sugatan sina Gio at Gena. Si Mrs. Asthrielle naman na-commatose ng ilang buwan. Ayon pa sa source ko, itong sindikatong umatake sa Pamilya Asthrielle, namatay sa New York, California. To be exact. Sa isang Underground casino, during their illegal auction. Nag-imbestiga pa ako. At nalaman kong grupo ni Van Luxford ang umatake sa mga Asthrielle. ”
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko. Si Van Luxford, matagal na siyang kalaban ni Dad. Bigating business man sa Nigeria at kabilang sa mga mob boss. Halang ang kaluluwa ng taong yon. Winarningan ako ni Dad na iwasan si Van Luxford. Kahit si Dad nangingilag sa kaniya.
Mariin kong naikuyom ang mga kamay ko at hindi ko mapigilan ang bugso ng galit na nararamdaman ko ngayon. Kaya pala ganun na lang ang takot sa mga mata ng asawa ko. She's still suffering in trauma. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan. Disamayado kong tiningnan si Lux.
“What about my wife? What happened to her?”
“Si ma'am Geisha, na-rescue siya.”
“What do you mean?” nagsalubong ang kilay ko.
“Pagkatapos ng pag-atake sa bahay ng Pamilya Asthrielle, tinangay ng tauhan ni Luxford si Ma'am Geisha. She was taken to New York para ibenta sa mga Underground Boss. Na-rescue siya ng 4th Rank Boss of the former Phoenix Organization. ”
Napatingin ako lalo kay Lux, alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Ang kaisa-isang tao na nagligtas sa buong Organization. Mula sa sakim na anak ng dating chairman.
“Si Suprema?”
Tumango si Lux.
“Mr. Luxford's team came to the Asthrielle's house. Hindi naman sila kilala ng mga iyon, kaya Boss, nakakasiguro akong gusto nilang gantihan ka gamit si Ma'am Geisha. Kaya lang, nagkataon na hinanting din siya ni Suprema. Napatay ni Suprema si Luxford sa engkwentro. At doon niya na-rescue si Ma'am Geisha.”
“Konektado si Luxford kay Ms. Buena. Hindi imposible na hantingin siya ni Suprema noon dahil tinatarget ni Kimberly Buena si Suprema. Dahil malakas si Suprema at napakayaman. Sakim si Kimberly Buena. Gusto niyang makamkam ang kayaman ni ni Suprema. At iyon ang nagtulak sa sarili niyang katapusan. Masyado niyang minaliit ang kakayahan ng tulad ni Suprema. Dahil may mga kakampi siyang sindikato. Hindi niya naisip na ginamit lang din siya ng mga ito para wasakin ang organisasyon. Dahil ang Organization Mismo ang hadlang sa kanila.” I said.
“Nakalimutan niyang tuso ang mga taong ‘yon, Boss. Baguhan pa siya sa mundo ng mga sindikato. Para siyang sanggol na gustong makipagsabayan sa mga halang ang bitukang beterano.”
“Kasalanan ko ito. Dapat siniguro ko na ligtas sila. Bago ako umalis.” Inis kong sambit.
“Napaka bilis nilang nalaman ang tungkol kay ma'am Geisha, Boss. Isa pa, sinigurado namin na sikreto lang ang kasal kaya iyon ang pinagtataka ko. Bakit may naka-alam?”
Napailing na lang ako sa pagkadismaya.
“Tapos na. Nangyari na. Ngayon ang kailangan ko munang pagtuunan ng pansin at kung paano ko mapapasunod ang asawa ko sa'kin.”
“Nako boss tagilid ka diyan. Sa nakikita ko kay ma'am Geisha, Mahihirapan ka. Dapat dyan slowly but surely.” nakangisi pa nitong sabi. Taas-baba ang kilay na parang nang iinis.
“Alam mong wala sa bokabolaryo ko ang ganyan. Ayokong naghihintay.” walang gana kong tugon. Nadismaya siya.
“Totoo naman. Hindi ko ugali ang mag-pursue ng kahit anong bagay lalo na tao. May pride ako. Kung ayaw niya marami pa dyang iba.” dagdag ko pa. Pakiramdam ko lalo akong nasasakal sa sitwasyon.

BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
AksiHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...