[ Geisha ]
Sinubukan namin ni Zhyg na bumalik sa pinangyarihan ng pamamaril. Sa coffee shop kung saan kami pinaulanan ng bala ng mga armadong grupo ng kalalakihan.
Malinis na ang buong paligid at may yellow tape na ng pulis na nakaharang sa harap ng coffee shop.
Wala na kahit anong bakas ng mga basag na salamin na sa semento. Ang natitira na lang na hindi nagalaw ay ang mga nasa loob mismo ng shop.Madaling araw kami nagpunta para wala nang masyadong tao sa labas.
Maingat naming sinusuyod ang bawat sulok at bawat bagay na pwede namin makita. Kahit anong bagay na pwedeng magbigay ng clue para magka-idea kami kung sino ang kalaban. Ang mahalaga, alam namin kung paano haharapin kung sino man ang mga iyon.Nagpaikot-ikot pa kami ni Zyg sa loob. Hanggang sa naramdaman ko na may kumakaluskos mula sa likod ng shop. Kaagad kong kinalabit si Zyg para bigyan siya ng babala. Mabilis kaming nagtago sa madilim na bahagi ng shop kung saan pwede namin makita kung sino ang paparating.
Nararamdaman ko ang pagpigil ng hininga ni Zyg sa tabi ko habang nagmamasid kami sa maliit na butas mula kisame.
Maalikabok na rito at amoy ipis at daga. Alergy ako mga ganitong amoy na malalanghap ko kaya agad kong tinakpan ang ilong ko para hindi makagawa ng ingay.
Ilang saglit pa nakita ko mula sa butas ng kisame ang ilang tao na naka itim ng suot. Naghahalughog din sila sa lahat ng sulok. Para bang may hinahanap din sila na kung ano katulad namin.
Hindi lang ako sigurado kung ano ang pakay nila dahil kami, ang pakay namin ay palatandaan para makilala namin ang tunay na kalaban.
Pigil ang hininga ko na lumayo sa butas, masyado na akong malapit sa makapal na alikabok at nangangati na ang ilong ko at lalamunan.
Naririnig ko pa rin na naghahalughog sila at mga usapan na may ibang lenguahe.
Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan pa ang pagbabadya ng pagbahing ko dahil sa alikabok at mabahong amoy.
Kinalabit ko si Zyg para lumayo kami sa bahaging iyon ng kisame. Hindi ko na kayang pigilan ang pagsambulat ng bahing ko. Kailangan namin maka alis sa lugar na iyon bago ko ilabas ito.
Pigil ang hininga ko habang patuloy sa paggapang patungo sa natatanaw naming maliit na bintana.
Nagmadali pa ako lalo. Hindi ko na talaga kaya parang mauubusan na ako ng hininga kapag hindi ko pa napakawalan ang bwisit na bahing na ito.
Nanlalamig na ang buo kong katawan at pinagpapawusana ako ng malapot. Pagdating ko maliit na bintana, hindi na ako nag-iisip na baka may makari ig sa amin, mabilis na umikot ako pabaliktad at buong pwersang sinipa ang bintanang iyon saka nagslide pa-labas sa kisame.
Inalerto ko ang sarili ko para sa ano mang parating na kalaban. Siguradong naramdaman na kami ng mga ito dahil sa kaluskos.
Nabigla ako nang hawakan ni Zyg ang braso ko at mabilis na kinaladkad agad ako palayo bago ko pa mailabas ang pagbahing ko, naka dalawang daang metro na yata ang distansya namin mula sa shop.
Kaagad akong hinila ni Zyg sa madilim na bahagi ng daan kung saan may makipot na eskinita. Na walang kailaw-ilaw kaya sobrang dilim. Nagsimula nang magsunod-sunod ang mga pagbahing ko nang makapagtago kami sa madilim na eskinita.
Hinila ako ni Zyg paalis sa lugar na iyon dahil hindi na maawat ang pag-atake ng alergy ko. Naramdaman kong isinandal niya ako at mukhang yero ito dahil sa tunog.
Nanghihina na ako at hilong-hilo. Nagpa-palpitate ang sintido ko dahil sa mga pagbahing na walang tigil, pakiramdam ko nauubusan na ako ng oxygen.
“Z-Zyg...hindi ako...makahinga...” habol ang paghinga ko na anas.
“Nako ngayon ka pa inatake niyan? Pambihira ano gagawin ko?” natataranta na sambit ni Zyg. Halos pabulong lang ang usapan namin para hindi maka agaw ng pansin.
‘mabuti na lang walang aso dito.’ sa isip ko.
“Mapapahamak tayo dyan sa alergy mo, Gei!” Kinakabahang sabi ni Zyg.
“Tara na. Ayokong mamatay sa ganitong paraan. Hindi pa ako nakakaganti sa hudas na ‘yon!” iritado kong sabi pagkatapos muling bumahing sa ikalimang pagkakataon.
Kinuha ko ang gamot sa bulsa ng bag na dala ko. Lagi akong may dala nito dahil sa palagi kaming expose sa alikabok at mga amoy na nagti-trigger sa allergy ko. Isa itong spray na direktang ini-spray sa loob ng ilong.
Pagkatapos ng ilang segundo, unti-unti nang kumakalma ang pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim at hinila si Zyg para bumalik sa shop.
“Saan ka pupunta?” Awat na sabi ni Zyg sabay bawi sa kamay niya mula sa akin.
Nagtataka akong tiningnan siya. Medyo kita namin ang isa’t-isa dahil sa liwanag ng buwan.
“Saan pa eh di sa shop! Hindi pa tayo tapos maghanap ng palatandaan doon kaya kailangan natin bumalik. Tara na!” Sagot k. Tangka kong hahawakan ulit ang kamay niya pero nilayo niya agad ito. Napatingin ako sa kaniya at nagsalubong ang kilay.
“Wag mong sabihin na natagakot ka?”
“Hindi sa natatakot ako, Gei. Yung mga tao kanina, ang dami nila. Mapapahamak tayo. Saka isa pa...” Paliwanag niya.
“Anong isa pa?”
Nakita ko ang tusong ngiti ni Zhyg sa labi. Inangat niya ang kamay niya at pinakita ang isang bagay sa akin. Napakurap ako ng ilang ulit saka kinuha sa kaniya ang isang uri ng bala. Sinipat ko itong mabuti at kinapa ang ilalim para malaman ang code nito.
Iba ang code ng bala nito kaya sigurado akong hindi sa baril namin galing iyon.
Matamis ang napangiti kay Zhyg.
“Napakagaling mo talaga Zhyg. Tara na. Oras na para alamin kung saan galing at sino ang may-ari ng balang ito...” wika ko. Ibinalot ko sa panyo ang bala saka inilagay sa bulsa ko para hindi mawala.
Pasimple kaming bumalik papunta sa labas ng eskinita. Sumilip muna kami mula sa pader para suriin kung wala na ang mga tao doon.
Napa-atras kami ni Zhyg nang mapansin namin ang ilang kalalakihan na papunta sa direktsyon namin ni Zhyg. Narinig kong napamura ng ilang ulit si Zhyg saka kami kumaripas ng takbo paalis sa eskinitang iyon.
“Shit! Takbo Zhyg!” Sambit ko sabay hinila si Zhyg pabalik sa loob ng eskinita.
Hindi namin kayang harapin ang mga iyon, isa pa. Wala sa plano ko ang makipagbugbugan sa mga gorilyang iyon.
Nagkahiwalay kami ni Zhyg pagdating sa dalawa pang eskinita sa dulo nito, hinahabol pa rin kami ng mga iyon. Hindi pa man ako nakakalayo, nakita ko agad ang pader sa dulo nito.
“Ay bwisit talaga!” Inis kong anas. Nagpalinga-linga ako kung may madadaanan ako oara makaalis doon. Medyo mataas ang mga pader. Palagay ko nasa fifteen feet ang taas.
Dinig ko na rin ang palakas ng palakas na yabag ng mga sapatos mula sa daan. Ibig sabihin malapit na sila sa akin.
Wala akong magagawa kundi ang lumaban o tumakas. Huminga ako ng malalim para bumuwelo, umatras ako ng ilang hakbang palayo sa pader sala buong pwersang tumakbo at mabilis na tumalon pataas.
Ginamit ko ang paraang pag-parkour paitaas hanggang sa maabot ko na ang pinaka tuktik nito, kumapit ako ng mabuti. Binuhat ko ang sarili ko patungo sa itaas.
Pag-akyat ko sa ibabaw ng pader, bumaba agad ako sa bubong para magtago. Pagod na pagod akong humiga sa yero para magpahinga. Narinig ko na ang mga taong yon sa ibaba kaya sinilip ko ang mga ito mula sa ibabaw ng pader. Maingat akong umatras sa bingit ng bubong.
Noon ko lang napansin na katulad ang mga ito sa mga umatake sa amin kanina sa coffee shop.
Nakita ko pa sila na nagpalinga-linga sa paligid. Nagtago kaagad ako nang biglang tumingala ang dalawa sa kanila ibang direksyon.
“Bwisit balak pa yata nila akyatin ang pader na ‘to!” Bulong ko.
BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
ActionHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...