[ Geisha ]
Mainit na pakiramdam ang gumising sa akin mula sa pagkakatulog. Bahagya akong nagtaka pagmulat ko ng mga mata sa madilim na paligid. Ramdam ko din ang basa sa aking mukha at sa leeg. Kahit ang likod ko ay nag-iinit na rin sa malambot na higaan, kaya itinulak ko ang aking sarili paupo sa kama kahit na medyo nahirapan ako. Dahil sa sobrang lambot ng higaan.
Hindi na kasi ako sanay matulog sa malambot na higaan, mula ng bumalik ako dito sa labas ng Vasileio Island.
'ikaw ba naman matulog sa higaang kawayan ng tatlong taon, hindi ka pa masasanay. Ang kama ko sa bahay ay hindi rin gaanong malambot. Sapat lang na hindi sobrang matigas at masakit sa likod. Ganun na ang gusto ko kesa dito. Para akong lumulubog sa kumunoy.'
Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng medyo madilim na kwarto. Pagkatapos kong maimulat ang mga mata ko. Dahil sa makapal na pulang kurtina na tumatabing sa malaking pinto na salamin ng balkonahe sa kwarto ni Hades. Kahit paano hindi masyadong madilim dito at may naaaninag pa rin ako.
Agad akong umalis sa kama at magmamadaling lumapit sa pinto.
Dinig ko mula dito ang usapan ng dalawang tao. Ang boses ni Hades at may isa pa na hindi ko kilala. Pero May naririnig akong mga kilos na alam kong hindi lang sila ang may gawa no'n. Parang pinag-uusapan nila itong bahay.
Napabuntong hininga ako at sinubukan buksan ng malaki ang pinto pero natigilan ako at biglang bumugso ang galit na kanina lang ay humupa. Nang mawalan ako ng malay.
Hinawakan ko ang door knob para lumabas at masilip kung sino ang mga tao sa ibaba, pero natigilan ako nang hindi iyon mahigit para bumukas. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa saradong pinto at ilang ulit na pilit pinipigit yon.
"Bakit ayaw bumukas nito? Bwisit ano 'to ni-lock niya ba 'to sa labas?"
'at anong balak niya sa'kin? Ikukulong niya ako dito sa kwarto niya ganun ba? Walanghiya siya!' nanggigigil kong sambit sa aking sarili at padabog na iniwan ang naka-locked na pinto ng kwarto namin.
Humakbang ako ng ilang ulit paatras habang nakatitig sa pinto at nag-iisip ng dapat gawin.
Mariin kong ikinuyom ang mga kamay ko at nagtatagis ang aking mga ngipin dulot ng hindi ko mapigilang pagngingitngit ng dibdib ko dahil sa galit para kay Hades.
'Napaka sama ng ugali niya?' Asik ko at matalim na tumitig sa naka-lock na pinto. Para bang makikita niya ang galit kong 'yon mula sa labas.
'Para akong tanga. Hindi niya naman makikita. Pero ipaparamdam ko sa kaniya kung gaano ko siya kinamumuhian!' gigil kong sambit.
Marahas akong tumayo mula sa gilid ng kama at nag ikot-ikot ng tingin. Galit na galit talaga ako sa lalaking yon. Ang sarap niyang sakalin. Tadtarin ng pinong-pino hanggang malagutan ng hininga sa mga kamay ko.
' hindi mo ako maikukulong dito sa bahay mo Hades, hinding-hindi mo ako madidiktahan ng mga dapat kong gawin at hindi ko dapat gawin...' Inis kong sabi sa aking sarili.
Lumibot muli ang aking paningin upang maghanap ng pwedeng gamitin para mabuksan ang pinto. Pero hindi sinasadyang napahinto ang mga mata ko sa salaming natatakpan ng malapad na kurtina at napangiti. Nang mabuo ang isang idea na talaga namang ikagugulat ni Hudas na yon!
"Sabi ko na eh. Hindi mo ako maikukulong dito, gaya ng gusto mo Hades..." Bulong ko sabay lapit sa pinto ng balkonahe at marahas na hinila ang mga kurtinang nakatakip doon.
Matapos maalis ang buong kurtinang hinila ko mula sa glass door ng balkonahe, inihagis ko iyon sa bandang likuran kasabay ng tipid na ngiti sa aking labi.
Agad akong humakbang papunta sa pintong iyon. Na puno ng galak at pag-asa sa aking tagumpay. Agad kong hinawakan ang gilid ng pintong salamin saka hinila patagilid dahil sa padulas ang pintong iyon.
Ngunit napawi ang matamis na ngiti sa aking labi nang subukan kong buksan ang pintong salamin at nadismaya.
Hindi man lang nagawang tuminag ng pinto kahit na subukan kong pa iyon hilahin ng mas malakas.
'ano ba ito? Sira na ba iyong pintong ito?' naiinis kong sambit sa aking loob habang pinipilit pa rin buksan ang pinto.
Lalo akong nakaramdam ng matinding galit para kay Hades. Pakiramdam ko tinatraydor niya ako dahil sa ginagawa niya. Para akong sinasakal at ginagapos at walang magawa.
Nagpupuyos ang aking damdamin at galit na nahampas ng malakas ang salamin. Yumanig ito ng ilang sandali dahil sa lakas ng aking paghampas ngunit magdulot ng kirot sa kamay ko. Dahilan para mapangiwi ako sa sobrang sakit at nahawakan iyon ng mahigpit habang pinagkikiskis ang mga palad ko para mabawasan ang kirot na dulot ng paghampas.
"Walang hiya ka talaga hades! Hindi kita mapapatawad sa mga ginagawa mo sa'kin!" Galit na galit kong sigaw mula sa loob ng kwarto.
Pinaghihila ko ang lahat ng gamit doon at ibinato sa naka-kandadong pinto.
Lahat ng madampot ko buong pwersa kong ibinabato. Kahit ang mga silya, lamesita, mga unan, kumot. Mga naka-display na ceramic at kung ano-ano pang bagay basta kaya kong ibato. Ibinabato ko sa pinto at kahit mawasak pa iyon. Hindi ako titigil hangga't hindi niya binubuksan ang pinto na iyon.
"Buwisit ka Hades buksan mo 'to walang hiya ka!" nanggagalaiti kong sigaw sabay bato ng nahawakan kong lamp shade sa pinto. Sunod ay ang lamesa ng patungan nito.
Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Gusto kong ilabas ang galit na nararamdaman ko dahil kung hindi, baka mabaliw ako. Ayoko ng ikinukulong. Ayoko!
"Buwisit kang lalaki ka! Palabasin mo ko dito Hudas ka! Palabasin mo ko dito!" Gigil kong sigaw at muling ibinato sa pinto ang isang silya na hawak ko.
Malakas na lumagabog ang silya na iyon sa pinto, ngunit sa kapal at tigas ng puntong yon, yung silya pa ang nasira.
Kung kaya ko lang buhatin ang king size niyang kama, ginawa ko ns. Para ibato sa puntong iyon para mawasak at makalabas ako.
Nagkaroon ito ng mga malalim na marka dulot ng marahas na pagtama ng mga bagay na ibinato ko roon. Ngunit hindi pa humuhupa ang galit na nararamdaman ko para sa Hudas na yon.
At mukhang wala nga siyang balak buksan ito at palabasin ako. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para maka alis dito.
"Hindi ako pwedeng ikulong dito! Hindi kahit siya pa!"
Mariin kong sambit sa isip habang nakakulong ang aking kamao at nagpupuyos ang damdamin sa sobrang galit.
Hingal na hingal ako na inayos ang buhok ko habang nililibot ng aking paningin ang kabuuan ng kwarto.
Hanggang sa dumapo ang paningin ko sa isa sa nakatumbang silya sa sahig, sa tapat mismo ng balkonahe. Napangiti akong muli nang mabuo ang isang idea para makalabas ng kulungan ito.
"Tingnan natin, Hades, kung maikukulong mo ang isang tulad ko sa bahay mo..."
Sa isip ko habang hinihingal. Kaagad kong dinampot ang nakatunganga silya malapit sa pinto ng balkonahe saka humakbang paatras habang kinakaladkad ang silya. Lumilikha ang matindi na tunog dulot ng pagkaskas ng bakal sa tiles.
"walang makakapigil sa isang tulad ko. Hindi kahit ikaw, Hades..."
Bulong ko saka binuhat ang silya at buong pwersang ibinato iyon sa pintong salamin ng balkonahe.
BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
ActionHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...
