[ Geisha ]
Napabalikwas ako ng bangon nang magising ako sa alingawngaw ng sarili kong sigaw dulot ng di ko maipaliwanag na bangungot. Gulong-gulo ang aking isip na napatingin sa paligid habang hinahabol ang aking paghinga at marahang napalunok matapos kong mapagtanto mula sa kadiliman, nasa isang silid ako.
A grey colored wall, black and tan themed furniture was neatly set on the rightful corner of the room. Too masculinity but neat and cozy.
Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong pumipintig at sumakit na tila dinidikdik ito kasabay ang pagbigat ng aking pakiramdam. Tila ba nabugbog ako tulad sa maghapong training na naranasan ko noon. Subalit ang pinaka nakapagpakaba sa akin ay ang pagkirot at paghapdi ng bahaging nasa pagitan ng aking mga hita—na para bang may gasgas ito na higit sa isa.
'shit!'
Nanlaki ang aking mga mata at
Lalo pa akong napamura nang maalala ang nangyari sa amin ni Hades kagabi. Nang pwersahan niya akong angkinin kahit anong tulak ang aking gawin.Naalala ko ang mga mata ni Hades kung gaano ito nag-aapoy sa galit at pagnanasa na parang isang halimaw na nakakatakot habang unti-unting pinupunit ang mga damit ko at walang pag-aalinlangan na inangkin ng pwersahan.
Mariin kong naikuyom ang mga kamay ko sa sobrang galit na nararamdaman ko para sa lalaking kinasusuklaman ko habang paulit-ulit ko itong minumura sa kaloob-looban ng puso ko. Mabilis tumutulo ang luha mula sa mga mata ko at ang takot na ngayon ko lang muling naramdaman.
Nandidiri ako sa sarili ko ngayon dahil sa lalaking yon. Walang ibang nasa isip ko kundi kung paano ako makakaganti sa kaniya. Gusto ko din siyang saktan, gusto kong putulin ang kaligayahan niya para mas masakit.
"Walang hiya ka Hades! Hayop ka! Hayop ka talaga! Paano mo nagawa sakin to? Hayop ka walang hiya!"
Galit na galit kong sambit habang walang palakas ng palakas ang paghikbi ko kahit pinipigilan ko pa ang sarili na makagawa ng ingay sa pag-iyak.
Sumisikip ang dibdib ko dahil hindi ko talaga matanggap ang ginawa ni Hades. Kahit pa asawa ko siya.
Marahas kong pinunasan ang aking pisnging basang-basa ng luha saka pinilit kumilos kahit mapapangiwi ako sobrang kirot ng kaselanan ko sa bawat galaw.
Lalo akong napapamura dulot ng nakakapanindig balahibong kirot at parang ayoko na lang kumilos dahil dito. Inisip ko na lang na nasa training ako at kailangan kong tiisin.Malalim akong humugot ng hininga para bumuwelo sa pagtayo, kumapit ako sa gilid mg kama habang tinutulak ang aking sarili pa-tayo habang kagat ang ibaba kong labi dulot ng makapanginig ng tuhod na kirot.
"Hayop ka talaga Hades! Mapapatay talaga kita!" Humihingal kong sambit habang napapapikit sa bawat galaw.
'hindi ko alam na ganito ang pakiramdam ng first time. Kasumpa sumpa!' inis kong bulong. Marahan akong humakbang ng isa papunta sa dereksyon ng banyo.
"Pusang ina!" Bigla kong sambit at nahigit ang aking paghinga.
"T*ng inang parusa to!" Muli akong napamura dahil sa sobrang sakit.Paghakbang ko ng isa,napalingon ako sa kama at napanganga nang makita ko ang mga bahid ng dugo dito na tila ba tinagusan ako magdamag.
Hinila ko na lang ang kumot na nakabalot sa aking katawan at huminga ng malalim saka nagpatuloy sa paghakbang.
Tiniis ko na lang ang nararamdaman kong kirot sa aking pagkababae hanggang sa maabot ko na ang gilid ng cabinet na katabi ng pinto ng banyo.
'Hindi ganito ang gusto kong unang pagkakataon namin ni Hades. Kahit na ganito ang ugali ko, gusto ko pa ring maging romantic at memorable ang first night namin magkasama. Kahit alam kong hindi ako ang mahal niya.
Pero mukhang wala nang pag-asang mangyari iyon dahil kinuha na ni Hades ang unang pagkakataon ko, ng pilit.' Mapait kong bulong.
Oo, hindi ako ang mahal niya kaya basta na lang siya umalis ng walang paalam. Wala siyang pakialam kung masaktan man ako o hanapin siya.'
'siguro, pinuntahan niya ang babaeng gusto niya pagkatapos ng kasal namin. Ang babaeng talagang mahal niya.'
Napabuntong hininga na naman ako.
'siguro nga may mahal siyang iba...'
Kaagad ko na lang iwinaksi ang bagay na iton sa isip ko at itinuon ang atensyon sa tunay na pakay.
Halos matumba ako dahil sa panlalambot ng tuhod ko, humakbang pa ako papunta sa banyo, walang tigil ang pag-agos ng luha sa pisngi.
Dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon, emotional at physical. Dahil sa nangyari.
Mabilis kong inabot sa malapit na kanto ng vintage na drawer ang kamay ko para kumuha ng lakas at mapanatiling nakatayo habang hawak ang kumot.
Kaagad kong inabot ang doorknob ng pinto sa banyo para buksan iyon sa pag-aakala na malapit na ako pero sobrang layo pa pala.
Natapakan ko pa ang laylayan ng kumot paghakbang ko kaya bigla akong natalisod at muntik nang tumumba nang biglang may mga brasong yumakap sa akin mula sa likuran at inalalayan akong tumayo.
"Gei, what are you doing?"
Natigilan ako nang marinig ang malambing na boses ni Hades kaya napa-angat ako ng tingin sa kaniya na sinalubong naman agad niya ng malambot na tingin.
"Hindi ka pa dapat kumilos, I know how it hurts Gei sana tinawag mo na lang ako to assist you—" Hades said in a soft and concerned tone while trying to help me.
My anger suddenly rose at his preasence and shriek.
"Lumayo ka sa'kin halimaw ka!" Gigil na sigaw ko kay Hades na noon ay bahagyang natulala pero agad din nakabawi at pilit akong inaalalayan.
KAHIT hindi talaga maganda ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, pinilit kong itulak palayo ang ungas na si Hades. Kahit nagpupumilit siya na alalayan ako.
"Sabing lumayo ka sa'kin at baka kung ano na naman ang magawa mo!" Galit kong sigaw at muli siyang tinulak palayo. At
tinitigan ng masama.Galit na galit ako sa kaniya. Yung tipong may kasamang pandidiri at pagkasuklam dulot ng mahabang panahon, at narito mismo sa harap ko para magpanggap na nagmamalasakit o nag aalala kahit ang totoo ay nilapastangan niya ang karapatan niya ako bilang babae.
Pigil ang hininga ko na tinitigan ng matalim si Hades. Pinakita ko ang pagbabadya ng isang matinding banta kung hindi pa siya lalayo sa akin.
"Please Gei—." dinig kong Sumamo ni Hades pinipilit niya akong tulungan. Lalo lang akong nagalit at otomatikong umigkas ang aking at dumapo ang aking palad sa pisngi ni Hades kasabay ang malutong na alingawngaw nito sa buong kwarto.
"Sinabi kong wag mo kong hahawakan!" Galit kong singhal sa kaniya.
Napahiga siya sa lakas ng sampal ko at takang nakatingin sa akin na para bang napahiya.
[ Hades ]
Kahit ramdam ko ang pag iinit ng bahaging iyon ng pisngi ko kasabay ang dugong agad kong nalasahan sa aking bibig dulot ng pagputok ng aking labi, matapos ang malakas na sampal ni Geisha.
Pakiramdam ko hinampas ako ng tabla sa pisngi hindi dahil sa lakas, kundi ang matigas na palad ni Geisha na parang dumanas ng napakabigat na trabaho para kumapal nang ganoon ang kalyo nito sa kamay, parang palad ng isang construction worker.
Kahit mahapdi ang pisngi ko at pakiramdam bkonnangangapal na ito at namamanhid, nag aalala akong hinila ng maingat ang kamay ni Geisha upang tingnan ito ng mabuti. Napansin ko ang pagbilog ng mata niya sa sobrang gulat at napanganga sa akin.
"Ang sabi ko wag mo ko hahawakan! Mahirap bang umintindi?—" Gigil na bulyaw ni Geisha sa akin pero hindi ko inintindi. Nagtataka akong tumingin sa kaniya na nagkasalubong ang aking kilay bago nagsalita,
"Anong nangyari sa kamay mo?" Nag aalala kong tanong sa kaniya.
"Wala kang pakialam!" Malamig na sabi ni Geisha sabay hablot ng kamay mula sa pagkakahawak ko. Malakas niya akong itinulak palayo sabay takbo sa loob ng banyo.
Naiwan akong nagtataka at nag aalala pa rin habang nakatitig sa saradong pinto ng banyo.

BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
AçãoHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...