chapter 18: Big Shot, Unknown Enemy

22 2 0
                                    

[ Geisha ]

Hindi ko na hinintay dumating ang mga pulis, pagkatapos namin mapabagsak ang mga sumugod sa amin sa coffee shop, umalis na agad kami nina Lex at Zyg. Kahit kapeng-kape na ako. Iniwan ko na tin si Hudas doon. Wala akong balak makipag kamustahan sa kaniya.

“ Hayst mga buwisit talaga sila! Sino ba ang mga iyon at ang lakas ng loob mamaril ng basta-basta? Ang dami ng mga iyon! Talagang balak nilang tadtarin tayo ng bala! Wala man lang pakialam kung may sibilya  sa loob ng shop na yon!” Naiinis kong sambit at padabog kong sinipa ang paa ng sofa sabay bagsak ng upo dito. Bahagya pa akong tumalbog dahil sa malambot nitong kutson.

Walang gana akong humilata sa malambot na sofa saka ipinatong ang isa kong paa sa armrest, ang isa naman ay sa lamesa. Gumalaw pa ito ng kaunti dahil sa pagpatong ng paa ko doon. Naglalaglagan din ang ibang magaxine na naka-kalat sa ibabaw nito.

“Anong plano mo na ngayon, Gei? Suspended ka na wala ka pang pera. Wala ka din supply dito, mamamatay ka sa gutom.” Ani Zyg.

Tiningala ko si Zyg dahil nasa may uluhan ko siya. Nakapamewang at mukhang nag-aalala. Nagkibit-balikat na lang ako.

Si Lexter naman ay umupo sa pang-isahang sofa.

“Hindi ko alam.” Tinatamad kong sagot. “Wala akong gana. Wala ako sa mood ngayon. Naiinis ako pero wala akong magawa. Hayaan mo na mamatay sa gutom.” Nanlalambot kong sagot. Humilata pa ako at pumikit. “Wala akong gana kumilos. Mag-isip o kahit anong gawin. Tinatamad ako.” nakasimangot kong sabi.

“Sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana kung masuspinde ka na nga na-freeze pa bank accout mo bilang parusa. Dahil din sa kagagawan mo.” Ani Zyg. Para bang sinusulsulan pa ako nito.

“Hayst...” tumingin ako sa kisame.

“Magwi-widraw ako. Pauutangin na lang muna kita kahit one hundred thousand. Yun lang kaya kong ilabas ngayon eh.” sabat ni Lex.  Napatingin ako sa kaniya. Napanganga ako.  Pakiramdam ko nag-i-star-star ang mga mata ko pagkasabi niya no’n. Yung ngiti ko abot tenga parang pati tonsil ko kinakawayan na siya. Yung tenga ko pumapalakpak at nagpi-piyesta ang puso ko sa tuwa.

Hindi talaga ako matitiis nito ni Lex kahit lagi kong pinasasakit ang ulo niya.

“Lang? Nila-lang mo yun? Ang laki din nu’n ah!” Sambit ko. Pakiramdam ko yung panga ko hanggang sahig na. Hindi ako makapaniwala na napatingin kay Lex.

“Malaki ba? Okay babawasan ko pa—”

“Hindi maliit yon! Ang liit nga nun eh!” bigla kong bawi. “Kelan ka magwi-widraw? Gusto mo samahan na kita? Alam mo naman sa panahon ngayon maraming holdaper baka ma-hold-up ka pa.” suggest ko sabay ngiti ng malapad at tumaas-baba ang kilay ko sa kaniya.

“Kumwari ka pa pa-humble eh.”

Tinawanan ko na lang si Lex, natawa na rin si Zyg. Bumaling ako kay Zyg sabay ngiti rin ng makahulugan sa kaniya. Bigla siyang tumahimik at tangkang iiwas pero hinabol ko agad siya. Alam kong alam niya ang ibig kong ipahiwatig kaya umiwas yan. Dahil uutangan ko rin siya.

“Zyg pinautang ako ni Lex! Pautangin mo na rin ako kahit one hundred thousand lang!” Sambit ko, hawak ang laylayan ng damit niya.

Nanlaki ang ang mga mata niya pero naningkit din agad iyon na parang gusto na akong lamunin.

“Anong One-hundred thousand lang? Seryoso ka ba? Hundred thousand yon ah wag mong nila-lang-lang ‘yon!” Angal niya pa at pilit inaalis ang kamay ko sa damit niya.

“Bakit si Lex pinautang ako? Tapos ikaw hindi? Hindi mo na ba ako mahal?” angal ko din sabay simangot at kunwari nagtatampo. Inismiran lang ako ni Zyg. Hindi siya makapaniwala na napatitig sa'kin.

“Hoy! Si Lex mayaman yan! Manager sa Dela Claire Group ang tatay niyan, ako hindi!” reklamo din niya. Natawa ako sa reaksyon ni Zyg. Halatang pikon na pikon siya sa'kin pero alam kong hindi ako matitiis niyan.

Padabog kong binitawan ang laylayan ng damit ni Zyg saka nagmamaktol na umupo sa sofa. Humalukipkip ako para mas magmukhang totoo ang arte ko na kumwari nagtatampo.

“Hindi mo na talaga ako mahal Zyg! Si Lex na lang ang nagmamahal sakin—”

“Uy grabe ka ah!” inis niyang sita. Napa-tsk pa siya at naiinis na sinamaan ako ng tingin. “Dinadaan mo ko sa pamba-blockmail mo Geisha! ang salbahe mo na talaga!” Malakas na sita ni Zyg sa'kin.

Namumula na ang ilong nita sa inis. Pero alam ko na hindi ako matitiis niyan. Hindi lang kami team. Halos pamilya ko na ang dakawang ito. Limang taon na kaming magkakasama. Hindi man kami magkakapareho ng oras sa training, iisang trainor naman ang nagtuturo sa amin.

“Oo na pauutangin na kita!” singhal niya. Napangisi na naman ako ng matamis. “Pero kapag nakabalik ka sa Organization bayaran mo ko ah!”

Tumango agad ako. “Oo naman! Kayo pa ba babayaran ko?” sinadya kong sabihin yon. Nanlaki agad ang mga mata ni Zyg. “Joke lang. Di ka na mabiro.”

“Kinakabahan ako dyan sa sinabi mo. Parang hindi na ako dapat umasa na maibabalik ang pera ko...” dinig kong bulong niya.

Tinawanan ko siya lalo ng malaki at mapang-inis. Pumunta ako sa kusina para kunuha ng instant noodles. Kinuhanan ko na rin silang dalawa. Naghanda rin ako ng ham and egg sandwich.Tuna sandwich, pineapple smoothie, at ready to eat Lasagnia na itinago ko sa ref. Ininit ko na lang ito sa oven bago ko dinala lahat sa salas.

Inilapag ko sa maliit na center table ang mga iyon. Alam kong nagtatampo ang dalawa na ito sa'kin kaya kailangan ko silang lambingin.

Umupo ako sa mahabang sofa at nagsimulang kumain. Masama pa rin ang tingin ni Zyg sa akin pero kinuha niya ang isang plato na may Lasagnia at nagdadabog na kumain. Natawa kami ni Lex sa inaasal ni Zyg. Kinuha rin ni Lexter ang plato ng na may Lasagnia at nagsimulang kumain. Masaya ako na nandito pa rin ang dalawang ito.

“So anong plano mo?” Tanong ni Lexter sabay lingon sa akin. Isinubo niya ang straw mula sa baso ng pineapple smoothie pagkatapos niyang maubos ang Lasagnia, ang tuna sandwich at seafood noodles naman ang kinakain niya.

Walang ganang sumandal ako sa sofa pagkatapos ko maubos ang noodles na hawak ko. Maingat kong inilapag sa lamesa ang bowl at napabuntong hininga. Nilingon ko si Lexter saka sumagot.

“Hindi maganda ang estado ko ngayon, tinutugis ako ng hindi ko pa kilalang mga kalaban at wala akong ideya kung kelan na naman sila aatake.” seryoso kong wika. Pinagsaklob ko ang aking mga kamay saka pinatong ang mga siko sa tuhod. Natutulala ako sa kawalan habang nag-iisip.

“Base sa mga porma at gamit na baril ng mga iyon, palagay ko hindi simpleng grupo ng sindikato ang nabangga natin. Pero mahirap manghula, gusto kong alamin kung sino ang nasa likod ng mga pag-atake. Kailangan natin malaman kung sino ang grupong iyon para matapos na ang problemang ito.” Wika ko sabay buga ng hininga. Nilingon ko sina Lex at Zyg.

“Balikan natin ang cctv ng shop. Baka sakaling may makita tayong clue. O kaya naman ay mag-imbestiga tayo doon sa shop.” Suggest ko.

Taming My Savage Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon