chapter 10: "Escaped"

23 2 0
                                        


•Geisha•

Humihingal akong napaupo sa kama at desperadang napahilamos dulot ng prustrasyon.  Dagdagan pa ang pag-aalala ko na kailangan kong mag-report kay Suprema, sa lalong madaling panahon.

Ang mga kaibigan at ka-tambal ko sa aming misyon. Na sina Lat at Zyg. Siguradong nag-aalala din sila.

Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanila, siguradong hindi tatanggapin ni Suprema ang rason ko kaya di ako agad nakapag report sa kaniya.

Kabisadong kabisado ko na ang motto no’n sa buhay. Kaya't hindi niya tinatanggap ang mga ganoong rason.

‘Katwiran niya kung gusto laging may paraan, kung ayaw maraming dahilan.’

“Bwisit kasi tong Hudas na ito eh! Kung hindi niya lang ako kinaladkad dito, wala sana akong problema ngayon!” Gigil kong sambit.

Ikinuyom ko ang aking kamao dahil sa sobrang galit. Tumingala ako at kumurap-kurap para kalmahin ang isip ko at gumana ito ng maayos.

“Ngayon ko kailangan paganahin ang utak ko..” mahina kong bulong habang iniikot ang aking paningin sa kabuuan ng malaking kwarto.

Humugot ako ng mamalim na buntong hininga habang nag iisip hanggang sa matuon ang paningin ko sa isang bagay katabi ng pintong salamin ng balkonahe. Muling gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi nang bigla kong maisip ang dapat gawin.

“Bakit nga ba hindi ko naisip agad iyon?” Nakangiti kong bulong saka tumayo at nilapitan ang bagay na iyon. Binuhat ko ito saka umtras ng ilang hakbang hanggang sa sapat na pagitan upang mabigyan ng pwersa oras na gamitin ko na ito.

Paghakbang ko ng ilang ulit paatras, inangat ko ang bakal na silya at buong pwersa na ibinato iyon sa salamin ng pinto ng balkonahe.

Kaagad akong umatras at yumuko hawak ang aking ulo patalikod sa nagtatalsikang piraso ng nabasag at nagkadurog-durog na salamin matapos tumama dito ang bakal na silyang ibinato ko.

Umalingawngaw ang matinis na tunog ng nabasag na salamin sa buong kwarto at alam kong maririnig iyon ni Hades.

Kaagad akong tumayo at tumalon-talon para malaglag ang mga piraso ng basag na salamin na tumalsik sa likuran ko.

Mabilis kong kinuha ang manipis na kumot at nagmamadaling itinali ang dulo nito sa beranda ng balkonahe habang sinusulyapan ang pinto.

‘hindi ako pwedeng magbagal. Sa pagkakataong buto, baka hindi na talaga ako makatakas dito.’

Napalunok ako nang marinig ko na ang malakas na yabag ng sapatos palapit sa kwartong iyon kaya mas binilisan ko pa ang pagkilos.

Nang maitali ko ng mabuti iyon, sumilip muna ako sa ibaba para natantya ang hangganan ng kumot mula sa pinaka ibaba. Kinuha ko naman ang kurtinang hinagis ko kanina lang at agad na itinali sa dulo ng kumot ang dulo nito. Binabati ko pa ng mabuti para makasigurong mahigpit ang buhol niyon saka muling tinantya ang natitirang distansya mula sa dulo ng kurtina hanggang sa ibaba.

Napangiti ako at agad pumuwesto sa labas ng beranda habang nakahawak sa kumot saka tumingin muli sa ibaba.

Hindi ako takot sa matataas tulad nito. Isa ito sa mga nakasanayan ko na sa training noon. Inaakyat namin ang matarik na bangin para sa isang task. At ang puno ng santol kung saan kailangan makuha ang aming supply. 

“Mataas pa ang agwat mula sa dulo ng kumot hanggang sa mismong babagsakan ko na medyo madamo pero wala na akong pakialam doon. Sanay akong tumalon sa labinlimang talampakang taas noong nasa training pa ako kaya sanay ang mga binti ko sa sa maayos na paglapag.

Agad akong humakbang sa kabila ng beranda ng balkonahe at huminga ng malalim para bumuwelo sa pagtalon na gagawin ko. Kumapit akong mabuti sa kumot at handa nang tumalon pababa nang mapatingin ako sa pintong biglang bumukas at iniluwa niyon si Hades na gulat na gulat pagkakita sa akin. Kasunod ang isa pang lalaking ngayon ko lang nakita.

“Geisha!” Gulat niyang sambit habang  nag-aalala ang mga mata na nakatingin sa akin.

”Putya ang pangit! Nakakadiri ka!” bulong ko. Kahit ang totoo. Hindi maitatangging guwapo si Hudas.

Matangos ang ilong, medyo makapal ang labi, May malalim at maamong pares ng mga mata. May mahahabang pilikmata na animo parang sadyang kinulot at namimilantik. May maitim at manipis na kilay na parang pinormahan ng perpektong kurba. Bumagay sa pa-square shape niya g mukha. Ang linis tingnan. Siguradong kahit sinong babae masakit sa kaniya.

‘maliban sa akin.’

Maputi at makinis. Ang lambot pa ng balat parang sa bata. 

"Halatang alaga sa lotion at bitamina sa balat."

Higit sa lahat, hindi yata kilala ng katawan niya ang amoy ng pawis.

"Parang kahit ang simpleng pawis ng Hudas na yon, eh pabango. Samantalang ako, laging amoy construction worker..." naiinis kong bulong.

Tinitigan ko ng matalim si Hades at itinaas ko ang gitna ng aking daliri sa kaniya saka nagpakahulog paibaba habang nakahawak sa kumot at hinayaan kong dumausdos ang aking mga kamay paibaba para makontrol ko ang pagbulusok. Taas noo kong tinitigan ang langit, habang damang dama ko ang pag-akap ng mainit-init na ihip ng hangin sa balat ko habang bumubulusok paibaba.

Hindi ko na nararamdaman ang tulad dati na parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan tuwing gagawin namin ito sa isla.

Pagkatapos makuha ang pakay namin sa matarik na bangin o puno. Kailangan namin tumalon paibaba at doon naghihintay ang ilang patong na kutson oras na bumagsak kami.

Para akong mamamatay sa mga unang pagkakataon na ginawa ko iyon, hanggang masanay na ako sa pakiramdam.

Para akong bumubulusok na ibon mula sa himpapawid.

Gumuhit ang tusong ngiti sa aking labi pagkakita ko kay Hades na dumungaw sa balkonahe. Hindi maipinta ang mukha nito sa sobrang galit at pag-aalala. Hindi siya makapaniwala na magagawa ko ang takasan siya sa ganitong paraan.

“Fuck you, Hades! Hindi mo ako madidiktahan ng mga dapat kong gawin...” bulong ko habang nakatingin sa kaniya.

Muli akong tumingin sa ibaba para ihanda ang aking sarili sa pagtalon. Kaagad akong bumitaw sa kumot nang marating ko na nag dulo nito at walang hirap na lumapat ang mga paa ko sa madamong bahagi ng lupa kahit wala akong suot na sapin sa paa.

Umakyat ako sa mataas na pader ng bakuran ni Hades pagkarating ko doon. Nang walang hirap at tumalon paibaba sa labas nito saka nagmamadaling tumakbo palayo.

Kahit dinig ko ang pagtawag sa akin ni Hades mula sa likuran, hindi ko siya nilingon.

Sanay akong tumakbo kahit nakapaa sa kalye, sa lupa, sa putik o kahit sa mabatong daan. Tila ba kahit ang talampakan ko ay matagal nang nag-adjust sa ganitong uri ng daanan.

Ganito ako sinanay kaya kahit sobrang hirap ng ng training sa mala-impyernong isla na iyon,  worth it naman ang lahat ng natutunan ko doon. Na kahit ako hindi ko akalaing makakayanan ko.

Pagkatapos namin ng training binayaran kami ni Suprema ng isang daang milyon. Panimula daw kung nais namin magnegosyo o magliwaliw sa mundo. Para makabawi sa ilang taong hirap na naranasan namin sa lahat ng pagsasanay at task na binibigay niya.

Taming My Savage Wife Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon