[Geisha]
Napa-atras pa ako lalo at umakyat sa pinakatuktok ng bubong na yero kahit mataas iyon sa mismong tinutungtungan ko, at maingay sa bawat galaw.
Lihim akong napamura ng paulit-ulit at mariing napapikit habang pinipigilan ang gumalaw. Nang lumagutok ng malakas ang bahagi ng bubong na natungtungan ko.
Nagpalinga-linga ako sa paligid habang matalas na nakikiramdam upang kaagad akong makatakas kung sakali man na may darating na kalaban. O kung aakyat man ang mga lalaking iyon na nasa ibaba.
Kahit madilim sa buong eskinitang iyon—at para bang pinagkaitan ng pagkakataon na maranasang mabigyan ng konting liwanag gamit ang bumbilya. Ang konting liwanag ng buwan ang dahilan kung bakit kahit paano ay natatanaw ko mula sa pinagtataguan ko ang mga nagaganap sa ibaba ng eskinita na iyon.
Napaatras pa ako lalo para magtago sa pinaka tuktok ng bubong, Kahit napakadilim sa eskinitang iyon. At parang pinagkaitan ng pagkakataon na makaranas ng liwanag, dahil sa malamlam na liwanang na binibigay ng buwan sa lugar na iyon ay naaaninag ko ang ibang bagay sa paligid.
Natatanaw ko mula sa pinagtataguan ko ang mga lalaking sunod-sunod na pumapasok sa eskinitang iyon, na halos mapuno na nila ang makipot na espasyo dahil sa dami nila.
Nagtagpo ang mga kilay ko at nangunot ang noo ko pagkakita sa mga lalaking nakasuot ng pormal na damit. Mga naka-black suit ang mga iyon at may mga sun glasses. Sa hitsura nila mukha silang mga desente at nakakatakot.
Karamihan sa mga bigating kalaban na nakakaharap namin ay mga nakapormal suit at mga mukhang decent kahit mga halang ang kanilang kaluluwa. Para silang mga high class na body guard ng mga mahahalagang tao. Mga exclusive business man sa underground world.
Matataas din ang mga kalibre ng mga dala nilang baril. Iyon ang nakikita ko ngayon kahit malamlam ang liwanag ng buwan. Lakas loob kong sinipat ang mga iyon, napansin ko ang mga tattoo sa mga batok ng isa sa kanila. Kitang-kita ko ng malinaw ang tattoo ng isa sa kanila dahil sa clean cut ang buhok nito, isa iyong mukha ng galit na dragon. At sa likuran nito ay may tatlong espada na nakatayo.
Kaagad akong nilukuban ng matinding kilabot pagkakita ko niyon, malakas pakiramdam ko na may hindi magandang gagawin ang mga taong ito.
Naalala ko ang nabanggit ni Madame V o Suprema, sa amin noon tungkol sa mga insinia at mga tatak ng mga malalaking grupo ng mga underground bosses mula sa iba't-ibang bansa. Lalo na ang mga may kakaibang tatak o insinia.
Mahigpit niyang pinaalala sa amin na kapag may nakita kaming mga kakaibang tattoo sa wrist o sa batok, kailangan namin iyon agad ipagbigay alam sa kaniya para mapaghandaan anoman ang mga susunod na magiging hakbang para dito. Maaari daw na isa sa mga Malalakas na Mobs, Syndicate, Gangsters, Triad o Yakusa ang grupong ito. Mga taong hindi namin dapat kalabanin lalo na kung hindi alam ni Suprema ang tungkol dito.
"At kailangan malaman ito ni Suprema sa lalong madaling panahon." Bulong ko.
Hindi ko alam kung anong grupo nabibilang ang mga taong ito. Ang malinaw lang sa akin ngayon, ay hindi basta-basta ang mg taong ito. Delikado silang tao.
Maingat akong kumilos at nagpaling-linga sa paligid saka dahan-dahan akong humakbang patungo sa dulo ng bubong upang makababa ako.
Maingat ko 'ring hinubad ang sapatos ko para hindi makagawa ng kahit ano o kaunting ingay sa bawat paghakbang ko, habang nakikiramdam sa paligid. Dahil yero ang bubong, konting kilos lang nakakalikha na ng konting kaluskos. Sapat para makaagaw ng pansin ng mga tao sa ibaba. pigil ang bawat paghinga sa bawat hakbang na ginagawa ko, halos mabingi na ako sa lakas ng pagdagundong ng tibok ng puso ko dulot ng sobrang kaba.
BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
ActionHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...