[ Geisha ]
Derekta kong inobserbahan ang dalawang guard ng subdivision. Bakas sa mga mukha nila na tumatalab ang pangungunsensya ko. Ilang beses pang nagkatinginan ang dalawa at nag-aalinlangan kung papayag sila na palabasin ako o kung hindi.
Tumatakbo ang bawat minuto. At ayaw ko naman na maabutan ako ni Hades dito sa labas.
Siguradong ikukulong na naman niya ako sa kung saan. Na baka kahit bintana ay wala.
Nauubusan ako ng pasensya na umirap sa dalawang guwardiya. Napakabagal nilang magdesisyon kung ano ang dapat gawin. Alam ko na napag-utusan lang sila ni Hades kaya sinusunod lamang nila ang utos na iyon. Pero may karapatan din akong magreklamo dahil wala naman akong ginawang masama.
"Palalabasin niyo ba ako o hindi?" Naiinip kong tanong at tinitigan sila ng masama.
"Ma'am kasi..."
'sabi ko na at tatanggi ang dalawang ito '
"Fine!" Walang gana kong sabi at inis na tinanaw ang direksyon papunta sa bahay ni Hades.
Kung tatayo lang ako dito, maabutan ako ng Hudas na yon. Bumuti g hininga ako ng marahas saka sinulat ang dalawang guard.
Umatras ako ng ilang hakbang para ipakita na hindi na ako mangungulit pa. Narinig ko ang pagbuntong hininga ng isa sa mga guwardiya at ang sinabi nito. Na tila nabunutan ito ng tinik sa lalamunan.
"yan ang akala niyo, mga ungas!" Bulong ko.
Muli akong humarap sa kanila at mabilis na tumakbo pabalik sa gate.
Alam kong hindi nila iyon inaasahan kaya naman hindi nila napaghandaan ang galaw ko.
Disidido akong makalabasdito at makalayo. Bahala na kung lumaban sila hindi ako nagdadalawang isip na pabagsakin silang dalawa. Sana'y ako sa pisikal na labanan. Tuwing hahabulin kami ng tatlong alaga ni Suprema. Sina Blossom, Bubbles at Buttercup.
Kapangalan pa ng Powerpuff girls kahit hindi naman kasing cute ng mga yon kundi, nakakakilabot. Ang tatlong mapaglarong tigre ni Suprema. Mapapatakbo ka talaga kapag nagsimula na silang makipaglaro.
Kung tutuusin para silang mga kuting kung makipag laro, pero kapag bumuka ang mga bibig nila, kasya ka nang lapain ng sa isang iglap.
Naalala ko noong unang pagkakataon na habulin kami ng mga tigreng iyon, para akong mababaliw sa sobrang takot ko. Lalo na noong maabutan kami ng mga ito. Akala ko masalimuot ang magiging katapusan ko. Magiging almusal ako ng mga tigreng yon, pero hindi pala dahil dinilaan lang kami ng mga ito at hinarot na parang mga kuting.
Yung takot namin na halos takasan kami ng kaluluwa, napalitan ng mga halakhak at tawa dahil sa mga tigreng yon. Noon lang namin nalaman na alaga iyon ni Suprema.
Natutonan namin ang isang bagay, nag-focus kami sa natural na asal ng mga ito at sa sukat. Nakalimutan na naman namin mag-obserba bago kumilos.
Nanlaki ang mga mata ng dalawang guwardiya at hindi agad nakagalaw ng bigla akong yumoko mula sa pagitan nilang dalawa at walang kahirap-hirap nakalampas.
Nang makalayo ako ng ilang hakbang, saglit ko silang nilingon upang tingnan kung nakasunod ba sila, pero napangiti ako dahil nakanganga pa rin ang dalawang guwardiya sa sobrang pagkamangha.
Nailing ako sandali at tahimik na natawa saka ako nagdesisyon na umalis nang makita kong nahimasmasan na ang mga ito at tangkang hahabulin ako.
Mabilis akong tumakbo sa kabilang bahagi ng kalye kahit humahangos ang mga sasakyan. Mabilis kong natawid ang pangunahing kalye, na tila nakikipag patintero sa mga ito hanggang sa tuluyan akong makatawid. Nasigawan pa ako ng ilang mga driver dahil sa ginawa ko. Pero taas noo kong pinakita ang gitnang daliri sa kanila at tinawanan.
BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
ActionHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...
