chapter 11: " Your fault "

21 3 1
                                    


[ Geisha ]

Mabilis akong tumakbo papunta palayo sa mansion ni Hades. Pagtalon ko pababa ng pader na may mga tinik pa. Nakita ako ng dalawang guardya na sina kuya Arthur at kuya Gene. Nasa gate ng mansion ang mga ito pero sinenyasan ko silang wag maingay.

Nagkatinginan pa ang dalawa at lumingon sa loob ng gate bago muling tumingin sa akin at tipid na tumango.

Dahil matagal ko na silang. At medyo close ko na rin ang dalawang iyon dahil lagi ko silang pinapadalhan ng meryenda at mga bonus simula ng makatapos ako ng training. Wala akong naging problema sa dalawang iyon. Kakampi ko sila mula pa noon.

Nakangiti ko silang nilapitan at kinausap para manghiram ng cellphone.

“Kuya  Arth pwede ba akong manghiram ng cellphone?” Pilit ang ngiti kong sabi.

‘hindi naman kasi ako sanay ngumiti ng ganito.’

Tiningnan muna nila ako mula ulo hanggang paa at napapailing. Dinukot ni kuya Gene ang cellphone niya at walang pag-aalinlangan na iniabot ito sa akin.

“Ingat ka ma'am Geisha. Siguradong ititimbre na ni sir Hades sa mga guwardya sa bukana. Ang pag-alis mo.” Ani kuya Gene. Sinang-ayunan naman ni kuya Arthur and sinabi nito kaya tumango na lang ako.

“Thank you mga kuya! Ako bahala sa inyo kapag okay na ako ” sabi ko at tipid na ngumiti.

“walang problema ma'am geisha.” sagot ni kuya Gene.

“Dalhin mo na rin ito ma'am!” Inabot ni kuya Arthur ang isang libong cash sa akin. “Pang taxi saka pambili ng tsinelas.” Napapangiti na dagdag ni kuya Arthur.

Tinanggap ko na lang ang bigay nila, totoo naman na kailangan ko talaga iyon para makontak at mapuntahan ko si Lexter. Ibabalik ko na lang kapag hindi na ako ginulo ni Hudas.

Habang tinatahak ko ang kahabaan ng kalye sa loob ng subdivision, sa side walk. Medyo masakit sa paa kahit na makapal ang kalyo ko sa talampakan. Mahaba din ang tinakbo ko para matakasan ang walang hiyang si Hades.

'Sisiguraduhin ko na pagsisisihan niya ang ginawa niya!' Galit kong bulong saka dinayal ang number ni Lex.

"Lex?" Agad kong sabi nang i-receive niya ang tawag ko. Nakakapagtaka lang na ni-receive niya agad. Usually nire-reject niya ang tawag kapag di niya kilala.

‘pero ngayon sinagot niya agad.’

"Geisha!"

"Buti naman sinagot mo agad, anong meron?"

"Anong meron? Tinawagan ko ang phone mo at alam mo kung ano? Asawa mo ang nakasagot!"

"Ano?"

"Oo si Hades ang nakasagot!"

"Pucha!"

"Ano bang nangyari? Bakit di mo sinabi na uuwi ang asawa mo? Eh di sana nag-ingat ako!"

"Pwede ba, Lex? Hindi ko din alam na babalik pa ang Hudas na ‘yon! Ano bang malay ko?"

"Tapos bigla ka na lang nawala? Anong nangyari sayo?"

"Mahabang kwento, sunduin niyo ako dito sa Lievan Village."

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Hindi ko ba nasabi?"

"Hindi!"

"Dito nakatira si Hades!"

"Ha? Oh sige, sige hinatyin mo kami at marami kang dapat ipaliwanag sa amin!"

"Bilisan niyo! Tinakasan ko lang ang unggoy na iyon!"

"Oo na, hinatayin mo kami sa labas."

"Sige ako na bahala."

Pinatay ko na ang tawag at walang pag-aalinlangan na dumeretso sa exit gate ng LV.

"Ma'am hindi po kayo pwedeng lumabas." Bungad sa akin ng guard na nakabantay sa exit.

"At bakit? Sino kayo para awatin ako?"

"Sumusunod lang po ako sa utos ng asawa niyo."

‘bwisit ka talaga Hades! Humanda ka talaga sakin hudas ka!’ Inis kong bulong habang pinagmamasdan ang dalawang guard.

"Sigurado ba kayong ako ang tinutukoy niyo?"

"Yes ma'am! Sigurado kami!" Anang guard. Bigla nitong kinuha ang cellphone niya at kinalikot. Pagkaraan ng ilang sigundo iniharap nito ang screen ng cellphone niya para ipakita sa akin.

"Kayo ho ito di ba?" Anang isang guard pagharap nito sa akin ng cellphone niya na may picture ko.

Lihim akong napairap sa guard at naikuyom ng mariin ang aking kamay.

'Talagang sinasagad mo pasensya ko Hades!' Nanggigigil kong bulong saka muling hinarap ang mga guard.

"Oh sige. Ako nga iyan! Hindi niyo ba alam na hinaharas ako ng asawa ko? Ikinulong niya ako sa kuwarto at ayaw niya akong palabasin? Tumakas lang ako kaya ako narito sa harap niyo ng naka pyjama at nakapaa. Kung may mangyaring hindi maganda sa akin kapag nakita ako ng asawa ko dito at ibinalik ako sa bahay niya, hindi ba kayo makokonsensya?" Dere-deretso kong sabi sa kanila. At tila nag-alinlangan sila kung ano ang dapat gawin.

Lumapit ang isang guard na May hawak na cellphone sa isa pang guard at May kung ano silang pinagdi-discussion-an. Ang sigurado ko lang, ako ang topic ng dalawang ito.

“kuya palabasin niyo na ako. Hindi ako safe sa bahay ni Hudas. Baka kung ano ang gawin niya sa'kin kung naabutan niya ako dito sa pwesto niyo.” mariin kong pakiusap habang nagmamasid sa paligid.

Walang gaanong mga tao na dumadaan. Gayun din ang mga kotse.
Karaniwan dito na laging maraming tao, pero ngayon. Bilang na bilang.

Hindi maitatanggi na mayayaman talaga ang mga nakatira dito LV. Isa ito sa mga pag-aari ng mga Ezquillon. At ang pangalang Lievan ay pangalan ng Ika-anim na anak ng Suprema. Halos lahat ng nakatira dito ay mga empleyado ng Ezquillon at Ramirez. Na may matataas na posisyon sa mga kompanya nila. Dito rin nakatira ang mga kapatid nila at mga kaibigan.

At isa na ang ama ni Hades sa mga kaibigang iyon ng Suprema. Marami pa akong nalaman na mas malalim tungkol sa Suprema. Pero labas na ako sa mga information na iyon. Pampamilya na lang nila ang bagay na iyon.

Saglit pa akong naghintay sa dalawang guard kung kelan sila matatapos.

‘Mukhang hindi nagkakasundo ang dalawang ugok dahil kay Hudas.’
Bulong ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Nanlulumo nang nilingon ako ng isa na tila nakikisimpatiya sa akin habang ang isa naman ay walang tigil sa makasalita ng mahina.

‘kung naguluhan sila sa desisyon,
Hindi ko na problema yon.’

Nagpalinga-linga ako sa paligid at tinawag ang loob ang Village. Bago pasimpleng pumuslit ng pag-alis habang abala ang dalawang guards sa pag-uusap. 




Taming My Savage Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon