chapter 22: Zhyg

36 1 0
                                        

[ Zhyg's pov ]

Malalim at malaki ang boses ng lalaki. Nagdudulot ng kilabot sa bawat himaymay ng laman ko, dahilan upang hindi ako mapakali.  
Lihim akong napalunok. Malakas ang pakiramdam ko na may hindi magandang mangyayari. narinig ko ang langitnggit ng pagbukas na pinto at ang tunog ng paglapat ng lock nito.

"Senior." dinig kong sambit nga lalaki na katabi ko.

Natigilan ako nngmarinig ang boses nito. Buo at nanunuot sa aking kalamnan.

"Ano yang dala niyo?" tanong nito. Halata nawalng gana sa tinig.

Napangiwi ako ng bigla nilang aisin ang piring ko at ang ducktape sa bibig ko na nagdulot ng hapdi mula sa ducktape nang bigl nila itong hilahin.

'bwisit talaga! sinusumpa ko na mga lalaki ngayon!'

Ilang ulit akong kumurap upang mai-adjust ang anking paningin sa liwanag.

[ Zhyg ]

Mabilis na gumapang sa buong sistema ko ang kilabot nang makita ko ang lalaking nakaupo sa kaniyang office chair. Sa kabila ng desk, niinip itong nakasandal habang nakatutok sa akin ang nanlilisik niyang mga mata. Maitim siya at sa tantya ko ay nasa 6 feet ang tindig niya. Kapansin-pansin din ang umuumbok niyang muscle sa inner shirt niya na tila nais nang kumawala.

Para siyang isang oso na nag-aabang ng kaniyang mga biktima. umaapaw ang nakakapangilabot na aura mula sa kaniya at banta ng tiyak na kapahamakan. Ang mga mata niya ay napupuno ng kislap ng kalupitan.

'Walang puso ang lalaking ito' bulong ko saka nag-iwas ng tingin.

Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao upang sikapin na pigilin ang panginginig ng aking katawan dulot ng nakakakilabot na presensya ng lalaki.

"Ano ang silbi niyan sa inuutos ko sa inyo?" malamig ang tinig na tanong ng lalaki habang angmga ata niya pailalim na naktining sa amin. Humahagod at mapanuri. Para bang tumatagos sa katawan ko ang mga tingin nito. His eyes were dark and empty. His gaze is piercing and threatening. As if he wanted to invade my thoughts and manipulate it.

I noticed how the men beside me moved and just keep their heads down like the man call Senior was a king.

I gulped again secretely. Trying to make my self stronger to deal with this men.

Bigla kong naalala si Geisha. " Asan na kaya anga babeng 'yon? Nahuli kaya siya?' sa isip ko. 'Kailangan ko na makaalis dito.' muli kong bulong. kung sa bagy kapag nahuli mn ngmga taong ito si Geisha, sigurado akong hindi papahuli ng buhay ang babaeng iyon. Sigurado akong bubulagta lahat ng mga lalaking ito na may nakabaon na bala sa katawan. Agresibo ang babaeng iyon. Para bang wala siyang pakialam kung mamatay siya basta magawa lang niya ang gusto niya.

Lihim kong iginala ang paningin ko, nakiramdam ako sa paligid ko para malaman kung ilan ang kalaban.

Dalawa sa magkabilang gilid at tatlo sa likuran. Base sa naririnig kong paghinga nila bago ko muling ibinalik ang paningin ko sa harapan.

"Senior we found her on the area while we are on searching." the man beside me announced.
"She looks suspicious. She seems like she's one of them. " dagdag pa ng lalaki sa mababang tono. Lumapit ito sa Senior at may iniabot na kung ano. My eyes instantly widened in horror, as soon as I saw what that thing is. My  fist clenched into ball as I forced my self to stabilized my balance. My knees weakend as it shivers due to uncontollable fear enveloped my whole being.

It was the exclusive phone for the agents of the phoenix org.

'No way!' my inner self screams. Finding the organization's headquarter's location means declaring war against the clever queen. Pero anong magagawa ko?

Si Madame V ang babaeng hindi nila nanaisin makalaban. Sa pagkakaalam ko hindi mahilig magpalno ang babaeng yon at mahilig kumilos ng mag-isa kahit na kasama niya ang mga tauhan niya. She would rather hunt straight thehead than waste her time to its men.

"Bwisit talaga!' kinakabahan kong sambit sa aking isip.

Napansin ko ang pagsalubong ng kilay nito na wari ay sinusubukang suriin ang telepono. Natigilan ako ng gumawi sa akin ang mga tingin nitong
tila nagtatanong  ngunit agad din binaw nang biglang tumunog ang telepono.

"Grumpy Bear?" baling nito sa akin.

'bwiset! Si Geisha yon!' asar kong sambit sa isip.

Hindi ko na kaya pang pigilan ang aking sarili. Hindi ako pwedeng tumayo lang dito at hayaan silang mahanap ang lihim na headquartes ng Supreme Phoenix Org. Responsibilidad kong protektahan ang organisasyon namin. Malaki ang utang na loob ko kay Madam V. Gayundin sa mga kasamahan ko. Hindi ko sila hahayaan mapahamak.

Hindi na ako naghintay pa ng susunod nilang gagawin. Buong lakas kong binangga ang lalaki sa kaliwa ko at imigkas ang aking kanang binti saka binigyan ng solidong sipa sa mukha ang lalaking nasa kanan ko.

mukhang hindi nila napaghandaan ang gagawin ko kaya hindi sila agad nakabawi at marahas na bumalandra sa gilid. Kaagad akong umikot gamit ang buo kong liksi at binigyan ng malakas at nakamamatay na sipa ang mga lalaking nasa likuran ko. Sa ngayon ang pagsipa ko lang muna ang pwede kong asahan. Dahil naka ducktape ang mga kamay ko sa likuran. Mabuti na lang at sinanay ako na sumipa ng malakas sa Org. Lahat ng banat ko ay intensyonal na makapatay. Itinuro sa amin ni Ms. Lisa ang mahihinang bahaging ng katawan. Na kung ito ang patatamaan ng sapat pwersa, ay tiyak na mapapatigil nito ang galaw ng tatamaan. Kung mapapalakas pa, maaaring magdulot ng mabilis na kamatayan.

I intentionalliy targeted the weak part of their body. The throat, the chest and their spine. I just have to hit them hard to atleast, immobilized then.

Nakita ko ang pagdampot ng lalaki sa baril kaya naman mabilis akong naghanap ng pwede kong ipangsalag. Naabot ng paningin ko ang isang basag na base na nakakalat sa sahig. Tumalon ako at gumulong patungo doon saka malakas na sinipa papunta sa direksyon ng lalaking nagtutok ng baril sa akin. Napadaing ito at agad na bumulagta sa sahig nang tamaan ito ito sa mukha.

Hindi ako pwedeng mamatay na hindi lumalaban sa mga taong ito. Muli akong sumulyap sa pinto na nakasarado at sa mga lalaking nakabulagta sa sahig habang namimilipit at halos hindi na makatayo.

Gamit ang buo kong lakas, mabilis akong tumakbo patungo sa direksyon nito.

Halos mapatalon ako at malalim na singhap ang kumawala sa aking bibig nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa aking likuran. Kasabay ng unti-unti kong pagbagsak sa sahig at paghahabol ng aking paghinga, tumulo ang mga luha ko habang nasasaksihan kung gaano ka kampante na nakaupo sa deak nito ang lalaking itinatawag nilang Senior. Habang hawak ang kulay gintong baril.

Bumibigat na ang aking pakiramdam habang bumabagal ang aking paghinga. Narinig ko pang inutusan ng Senior ang tauhan niya gamit ang ibang lengwahe bago tuluyang kainin ng dilim ang ulirat.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Aug 14, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taming My Savage Wife Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon