•Geisha•
Kanina ko pa hinahanap ang cellphone, wallet at baril ko sa buong kwarto na ito ni Hades, pero halos nabaliktad ko na yata ang buong kama wala pa rin akong nakita.
Naiinis na akong napaupo sa gilid ng nagulong kama. At marahas na napakamot ng ulo sa sobrang inis.
Hindi ko alam kung saan niya dito nilagay ang gamit ko kagabi. Lahat na ng mga kabinet at mga drawer ay nahalungkat ko na bawat sulok pero wala.
"Bwisit talaga!" Nangigigil kong sambit at padabog na tumayo para harapin ang lalaking yon.
"Makikita niya talaga ang hinahanap niya kapag di niya ibinigay ang gamit ko!" Bulong ko pa sabay hawak sa doorknob.
"Kailangan ko pa naman mag report ngayon kay suprema tungkol sa misyon kagabi. Kailangan ko na i-claim ang reward ko!" Naiinis ko pa ring sabi.
Hihilahin ko na sana ang pinto para buksan pero bumukas na iyon kaya napaatras ako at matalim na tinitigan ang pumasok doon.
"Asan na ang mga gamit ko?" Tinitigan ko si Hades ng masama at humalukipkip habang naghihintay ng sagot.
Pumasok siya sa kwarto dala ang ilang box ng pizza at dalawang milktea na sa tantya ko ay large size.
Hindi ako tuminag kahit dumaan siya sa gilid ko deretso sa lamesang nasa gitna ng two seated couch na kulang itim.
Nilingon ko siya na pinapagpag ang couch at lamesa bago nilapag ang box ng pizza at milktea saka tumingin sa akin ng parang may kung anong gustong sabihin.
"Kumain ka muna, I ordered this dahil walang pagkaing pwedeng iluto sa kusina at sa…ref…" walang gana niyang sabi. Pero napatayo ako ng maayos pagkasabi ng niya ng ref. At napatingin sa kaniya.
"Mukhang may kailangan kang sabihin sa'kin Geisha." Nakatitig niyang sabi.
Inirapan ko si Hades at dahil galit talaga ako sa kaniya. Wala akong pakialam kung nakita niya doon ang ibang gamit ko.
'Wala naman pupunta dito so ayos lang.' Bulong ko.
"Ibigay mo sakin ang cellphone ko, ang wallet ko at ang baril ko…lahat ibigay mo sa'kin. Tapos." matigas kong utos at inismiran siya.
"Matigas ka pa rin?"
"Wala ka nang magagawa. Ganito na ako."
"Kumain ka na at lalamig ang pagkain."
"Kainin mo kung gusto mo."
Sabi ko sabay talikod para lumabas. Pero nagulat ako mang bigla na lang niya akong hawakan mg mahigpit sa kamay.
"Hindi ka aalis ng kwartong ito hangga't di ka kumakain.." aniyang pigil ang galit, matalim ang mga titig at nagtatagis ang mga ngipin.
Kung sa iba nakakatakot ang hitsura niya, para sa akin isa lang walang kwentang maangas.
"Bitawan mo ko."
"Kumain ka."
"Sa ayoko bakit ba?"
"Dahil wala ka pang kain mula kagabi!"
"Ano naman ang pakialam mo kung hindi ako kumain ng isang taon?"
"Geisha!"
"Tigilan mo ako Hades. Wag kang umasta na nagmamalasakit ka…nandidiri akong marinig ang boses mo o ang makita ang pagmumukha mo kaya bitawan mo ako at tigilan mo ako!" malakas kong sigaw sa mukha niya na ikinapikit niya at napaiwas ng tingin.
Tinitigan ko ng masama si Hades, lalo na ng nagdilim lalo ang mukha niya dulot ng pigil na galit.
"Alam mo Geisha, hindi ko na alam…ang gagawin ko sa'yo. Inuubos mo talaga ang pasensya ko.." Gigil niyang sabi. Lalong tumalim ang tingin na ipunukol niya sa akin. At matapang kong sinalubong iyon.
"Hindi mo alam?" Painsulto kong sabi. "Alam mo! Bitawan mo ako yun ang dapat mong gawin at wag mo kong pipilitin sa mga bagay na ayoko!" Inis kong hinablot ang aking braso sa kamay niya at lumakad papunta sa pinto.
'Kung galit siya mas galit ako. Ilang taon siyang nawala at di man lang nagparamdam. Tapos babalik na akala mo kung sinong hari na susundin ko? Manigas siya!'
Mabilis akong lumakad papunta sa pinto para makaalis na sa kwaryong iyon. Wala na akong pakialam sa cellphone at baril. Kailangan ko nang magreport kay Suprema dahil kung hindi, hindi ko alam ang gagawin niya sa akin.
Lumabag na naman ako sa protocol ng organization. Aminado akong marami akong napatay kagabi dahil umiral na naman ang matinding galit ko sa mga masasamang tao.
Kahit gusto kong magpaliwanag kay Suprema, dahil late na late na ako, ewan ko na lang. Kinaladkad lang naman ako ng asawa kong hilaw dito sa bahay niya para lang sa walang kwenta niyang litanya.
'Siguradong galit na galit na sa akin ang babaeng yon.' nag-aalala kong sabi at napabuntong hininga. Tinapunan ko pa ng matalim na tingin si Hades bago nagpatuloy sa pinto.
'habang nakikita ko ang ungas na ito, hindi mapapayapa ang paligid ko.' sambit ko sa sarili.
'bwisit kasi itongvlalaking ito eh, kahit kailan, perwisyo sa buhay ko!' Galit kong sambit sa isip.
Kaagad kong hinawakan ang seradura ng pinto at tangkang bubuksan ito, pero napasinghap ako at napakit ng mariin nang bigla akong ikot kasunod ang marajas na paglapat ng aking likod sa matigas pader bahagyang napangiwi sa sakit.
"Ah! Hades!" Gulat kong sambit.
Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko sa magkabilang gilid ng aking ulo at galit na isinandal ako sa pader ng kwarto.
"Bitawan mo ko walanghiya ka!" Nanggigigil kong bulyaw sa mukha niya. Napansin kong lalong nagdilim ang mukha ni Hades at nag uumapaw na ang galit mula sa kaniya.
"Hindi ka aalis Geisha." Mariin niyang sabi at lalong inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nagtatagis ang mga ngipin niya at sumisikip ang hawak niya sa mga kamay ko. Pero pinipilit niyang pigilan ang galit.
Ganitong-ganito din ang mukha niya bago niya pinuwersaha ang sarili niya sa'kin at ayoko nang maulit yon.
'Isa siyang halimaw!' kinakabahan kong sigaw sa isip ko at iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.
"B-bitawan mo ko Hades!" Galit kong sigaw sa kaniya. Nagsisimula na akong mag-panick. Ang lakad ng kabog ng dibdib ko at panginginig ng aking katawan.
'Nakakatakot ang mga mata niya.'
BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
AcciónHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...