chapter 15: Supended.

16 3 0
                                    

[ Geisha ]

Pagdating namin sa headquarters ng SPO, dumeretso agad kami sa opisina ni Suprema. Pagkatapos kaming samahan ng assistant niyang Miss Lisa.

Kasabay ng tensyong nagpapabigat ng hangin na sa kabuuan ng opisinang iyon. Pakiramdam ko nakatayo ako sa bingit ng bangin. Ano mang oras pwede akong mahulog, isang maling kilos o salita.

Nakakatakot ang aurang bumabalot sa babaeng to sa harap ko. Kahit paghinga ko di ko magawa ng maayos. Natatakot akong makagawa ng ingay dahil lang sa paghinga.

Pigil ang hininga ko habang nakatayo sa harap ng table ng Chairman ng SPO o Supreme Phoenix Organization. Ang  babaeng na kinatatakutan ng labindalawang Bosses sa ilalim niya. Siya ang nagbibigay ng mga mission na susundin ng mga boss.

‘ parang twelve apostles lang...’

Si Suprema.

Nanatili akong nakatayo ng tuwid, deretso lang ang tinging tumatagos sa lahat ng nakaharang. Pigil ang aming mga hininga habang nakikiramdam.

Sa kaliwa ko ay si Lex at sa kanan ko naman ay si Zyg. Ramdam ko din ang tensyon sa kanilang dalawa. Pareho kaming tatlo ngayon na parang nakaharap sa huling bahagi ng mga buhay namin.

Napalunok na naman ako ng marinig ko ang iritadong buntong hininga ni Suprema. Alam kong galit siya pero hindi siya ang tipo na naninigaw. Bumabawi siya sa parusa.

‘kaya dapat mag-expect na ako ng malalang parusa niya sa'kin.’

“Twenty-seven dead bodies. Died in head shots at fifteen casualties. Plus the injured bosses. Hospitalized. At hindi pa maimbestigahan dahil unconscious pa ang mga iyon.  So...sino ang unang magpapaliwanag, Lex, Gei, and Zyg?” Kalmado niyang tanong at isa-isa niya kaming sinusuri ng tingin.

Mariin kong naikuyom ang mga kamsy ko na nasa likuran at tangkang magsasalita pero...

“Kasalanan ko Suprema. Ako na lang ang parusahan niyo. Responsibilidad ko sila bilang leader.” biglang sabi ni Lex.

“Lex?” gulat kong baling sa kaniya. Gusto ko siyang sawayin. Wala naman akong balak tumanggi na ako ang may kasalanan.

“Ako po Suprema. Kasalanan ko rin po. Parusahan niyo rin ako dahil naging iresponsable ako...” sabat naman ni Zyg. Napakunot ang noo ko sa kanliang dalawa at hindi makapaniwalang natulala.

“anong sinasabi niyong dalawa?” inis kong sabat. “ Lokohan ba ‘to? ” naguguluhan kong silang tinitigan ng masama. “nagpapakabayani ba kayong dalawa? Pwes hindi nakakatuwa!” Iritado ko silang inirapan.

“Gei, totoo ang sinabi ko. Hindi pwedeng ikaw lang ang papasan ng kasalanan.” ani Lex.

“Tama si Lex. Kasalanan ko din kaya hayaan mo na. Wala naman problems sa'kin eh. Team tayo kaya ang kasalan ng Isa kasalanan na rin ng lahat.”

Lalo akong nainis. Pakiramdam ko lalo akong inuusig ng konsensiya ko.   Kung bakit kami mahaharap sa alanganin ngayon at dahil sa kagagshan ko. Kung nakinig lang ako kay Lex. Kung hindi lang ako nagpadala sa galit ko. Hindi mangyayari ito.

“S-Suprema!” Natataranta kong tawag. Natatakot kasi akong baka makapagbitaw na ng utos ang Dragona. Ayokong masaktan sina Lex at Zyg dahil sa kapalpakan ko.

“May sasabihin ka rin?” nagtatakang baling niya sa akin. Pero Alam kong Alam na Nita ang gusto ko g sabihin. Halatang-halata sa mga ringing niya.

“Oo. Ako lang ang may kasalanan dito kaya ako lang ang parusahan niyo. Ilang beses na akong inawat ni Lex at Zyg. Pero nagpadala ako sa galit. Tinuloy ko pa rin ang ginawa ko kaya ako lang dapat. Wala silang kasalanan.” lakas loob kong sabi habang nakatitig sa mga mata ng babaeng dragon sa harap ko. Mahinahon kung magsalita. Para bang hindi siya marunong magalit at may malawak na pang-unawa. Pero kung magparusa, dragon talaga.

Taming My Savage Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon