[ Hades ]
Hindi matanggap ng sistema ko ang mga salitang binabato ni Geisha sa akin. Masyadong masakit na parang diring-diri siya sa akin. Ako ang asawa niya. Hindi siya dapat magkaganito sa akin.
Alam kong nagkamali ako ng ipilit ko ang sarili sa kaniya kagabi.
Pero hindi ako papayag na wala akong kahit konting malalaman sa mga nangyari sa buhay niya habang malayo ako. Hindi ako mapapayagan na hindi siya magtatapat sa akin.
“Kumain ka Geisha at hindi ka aalis.” Matigas kong utos saka siya tiningnan. Pero matalim na tingin ang sinalubong niya sa akin at nagmamadaling tinungo ang pinto para umalis na para bang balewala sa kaniya ang babala ko.
Bago pa siya nakalapit sa pinto, agad akong tumakbo papunta sa kanya at hinila siya pabalik sabay hawak sa pulsohan niya at ipitin ng mgs kamay ko sa pader.
Agad akong nag-alala nang mapadaing siya sa lakas ng pagkakatulak ko at gusto ko yong pagsisihan. Yakapin siya at humingi ng tawad. Pero sa sitwasyon ngayon, malabo iyon.
“Geisha, listen—”
“Bitawan mo ko walanghiya ka!” Gigil niyang sigaw sa mukha ko. At tinitigan ako ng masama. Pilit niyang kumakawala kaya mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya.
“Ang sabi ko hindi ka aalis…” Matigas ngunit mababa ang tono kong utos malapit sa mukha niya.
Napapikit siya ng mariin at pilit iniiwas ang mukha niya, nang ilapit ko pa sa kaniya ang mukha ko.
Gusto kong sundin niya ako bilang asawa. Napakatapang niya at matigas ang ulo. Alam kong mahihirapan akong paamuin nag asawa ko pero gusto kong kahit paano, may masimulan ako para sa kaniya. Kahit na nalaman kong kabilang siya sa isang organisasyong aalamin ko pa kung ano.
“Geisha makinig ka muna sa'kin pwede ba?”
“Bitawan mo ako Hades!” Sigaw niya at nagpumiglas kaya mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya para di siya makagalaw.
Ito ang isa sa mga bagay na kinatatakot ko. And hindi niya ako kilalanin bilang asawa. Lalo na nang masaksihan ko kung paano siya walang pag-aalinlangan na pumatay.
Alam kong dati siyang myembro ng pambatang Gangster pero hindi ko inakala na magkakaganito siya.
“Geisha—?” Muli kong sambit. Sa pagkakataong ito mas nagpakumbaba na ako. Pero, natigilan ako at nag -alala dahil sa kakaibang takot na nakikita ko sa mga mata niya.
Parang pinipiga ang puso ko na makita siyang ganito. Takot na takot. She seemed traumatized.
Takot na para bang may masama siyang pinagdaanan. Naramdaman ko din ang panginginig ng mga buong katawan niya pati na rin ang labi niya. Ang mga mata niyang puno ng takot at luhang pilit niyang pinipigilan.
“ Geisha anong nangyayari sa'yo?”
“Geisha?” Sinubukan ko siyang kausapin ngunit parang wala siyang naririnig.
“ang papa ko... Ang papa ko..”
Nangunot nag noo ko at lalong nag-alala dahil sa binubulong niya. Nagmamakaawa siya habang nanginginig ang nuong katawan sa takot.
‘Nagpa-panick siya.’
Nagtataka ako na pinagmasdan siya.
‘Ang matapang na Geisha kanina lang ay parang biglang naging isang kawawang paslit.’ Nag-aalala kong bulong. Nakokonsensya habang nakatingin sa kaniya ng mga oras na ito. Pakiramdam ko ako ang dahilan ng matinding takot niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Taming My Savage Wife
AksiHe's back to be with her, but when she saw him, she did everything to avoid him. She is angry when he left, and even angrier when he's back. Paano mo mqpapalambot ang puso mg taong mahal mo kung bawat tingin sa'yo nito, gusto ka nang tadtarin ng pi...