Serreia's POV
Kakalabas lang ni Astraea hospital kahapon. And birthday ni Zeph bukas. Kaya pala nagbigay siya ng sobre. Kala ko naman nanghihingi siya ng pera or magbibigay siya.
Papunta ako ngayon sa Academall para bumili ng regalo. Si Thani hindi ako sinamahan busy daw siya. Si Astraea naman nagpapahinga pa. At alangan namang si Zeph ang isama ko diba.
Matamlay akong pumasok sa mall. Lahat sila may kasama tapos ako wala. Anyway, kakain nalang muna ako kahit kakatapos ko lang kumain ng lunch.
'Table for o-' hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nanamang sumulpot si Dim.
'For two miss.'sabi niya at matamis na nginitian ang babae. Si ate girl naman kulang nalang mamilipit na. Parang uod na binubudbudan ng asin. May pahawi hawi pa ng buhok kala niya naman kinaganda niya yun.
Padabog akong umupo at tinignan ang menu.
'Bakit ka nandito?'iritang tanong ko kay Dim.
'Bakit bawal ba ako dito?'
'Oo nakakasira ng araw yang mukha mo.'sabi ko at tinawag na ang waiter.
Halos malaglag naman ang panga ko. Ang gwapo! Omyghad! Iz dez real!?
Natulad na ako sa babae kanina at hinawi ang buhok ko.
'Erhm, keye iseng serve ng carbonare pete neren ikew hehe jowk!'sabi ko at pinasa ang menu kay Dim pero nakatingin parin kay kuya waiter.
Sasabihin ko na sana ang malakasang banat ko ng sumabat nanaman tong kasama ko.
'Isang carbonara din.'sabi niya at padabog na binaba ang menu. Luh siya!
'Copy sir maam.'sabi niya sabay ngiti.
'Ang hot!Kamukha niya si Kim Seon-ho!'sabi ko sabay habol ng tingin sakanya.
Mukhang mapapadalas ang dito ah.
'Tss. Mas gwapo naman ako don.'sabi niya sabay pa pogi.
Halos maduwal naman ako sa ginawa niya.
'Ha asan?Parang wala naman, wag ka ngang magjoke.'sabi ko at mapaklang tumawa.
Inirapan niya naman ako, aba!
Dumating nadin ang order namin at si kuya pogi ulit ang nagserve. Gwapo talaga!Kung pwede lang itake out!Charot!
After naming kumain ay lumabas na kami para maghanap ng regalo.
'Ang cute naman niya.'
'Jowa niya kaya yung kasama?'
'Ang chaka naman di hamak na mas bagay kami ni kuya!'
Muntikan ko nang sugurin ang babaeng nagbulong non. Ako chaka?!Hello?!Sa ganda kong to chaka?!
Myghas!
Sinamaan ko naman ng tingin tong kasama ko na pangiti ngiti pa. Sikmuraan ko kaya to ulit ano.
'Uy ice cream!Halila bili tayo!'sabi niya sabay hila sakin. At tutal gusto ko din naman ng ice cream,sumama na ako.
'Vanilla akin.'
Bumalik na si Dim kasama ang dalawang icecream.
'Ano yan?'tanong ko sa hawak niyang ice cream.
BINABASA MO ANG
PARS Academy:Sudden Turn
FantasyFour girls, united as one entering a world full of uncertainty can we take it all? so many steps to count, can magic be the light, or the fall? We are PARS, presenting our own masterpiece ; PARS ACADEMY : SUDDEN TURN date started : December 15,2020...