*Tok tok tok*, tunog ng pintuan ng kwarto si Xandre, hindi niya ito pinansin dahil sa sarap ng tulog niya, pero umulit parin ang tunog kaya naman napilitan na siyang tumayo sa kama at pumunta sa harapan ng pintuan, wala siyang pakialam kung makita na kung sino man ang buhok niya ngayon, magulo, at wala siyang damit na pang itaas. Lalo naman siyang nainis nung makita niya na quarter to 5 palang ng umaga.
"Sino ba naman tong katok na katok, umagang umaga!"-Bulong niya sa sarili niya, sino nga ba namang kakatok kungdi ang parents niya lang, pero naisip niya na napaka unusual naman na kakatok ng parang poise yung Mommy niya sa kwarto. Parang lasing na nanggugulo. Pag bukas niya ng pintuan...
"Lally?!"-Nasambit na lang niya at nanlaki ang mga mata niya na kanina ay parang gusto pang matulog ulit. Hindi naman agad nakasagot si Lally dahil nag blush ito ng makita ang bare na katawan ni Xandre sa harapan niya.
Napansin naman ni Xandre ang pamumula ni Lally, kaya naman dali dali siyang pumasok ulit sa kwarto at inabot ang t-shirt na nakasabit sa coathanger sa cabinet niya. At nung lumabas na siya ulit, nakita niyang nakatayo parin si Lally kung san niya ito nakita kaninang binuksan niya yung pinto. Bakas sa mukha niya yung pagkalito.
"Lally anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok ha?"-Sunod sunod niyang sabi. Wala namang nag iba sa expression ni Lally sa harapan niya. Ganoon parin.
"Gustong gusto kita Xandre"-Sabi ni Lally habang magkaharap sila. Ramdam niya ang mainit na hininga nito sa mukha niya.
Hanggang inangat ni Lally yung mga kamay niya papunta sa mukha ni Xandre at ibinaba niya ang mukha nito kapantay ng sakanya. Kitang kita sa mukha ni Xandre ang labis na pagkalito at paghanga niya sa babaeng nasa harapan niya. Ilang saglit pa hinila ni Lally si Xandre papunta sakanya at hinalikan niya ito. Nanginig ang buong katawan niya, hindi na niya alam kung anong kasunod na nangyari, ang alam niya ay naghahalikan lang sila. At parang nahuhulog siya sa isang malalim na bangin na walang katapusan---
Bigla nalang siyang nagising. Panaginip lang pala. Hingal na hingal na parang nakipagkarera. Hinawakan niya yung labi niya at hindi niya napansin na nakangiti na pala siya. Tumingin siya sa orasan at 5:05am palang ng umaga, pero dahil sa sobrang saya niya, hindi na siya bumalik sa pagtulog at naligo na siya. Pero bago yun, kinuha niya yung cellphone niya...
******
*BABABABABABABA Bananaaaaaa* Tunog ng cellphone ni Lally sa table katabi ng kama niya. Kuniha niya ito ng nakapikit at iniiwasang makagawa ng kahit anong galaw na makakasira ng antok niya .
BINABASA MO ANG
A School Hearthrob is in love with a pig. [ DAILY UPDATED ]
FanfictionImagine that you're going to enter the most popular school in your country and you'll gonna meet its grumpy prince?