Chapter 9

334 5 1
                                    

Tapos na ang Engineering Drawing, at nag tanong naman sina Jen at Kyla, kung bakit ang bilis ko daw natapos, eh, since kaibigan ko sila, sinabi ko na pinag drawing ako ni Xandre, kahit na sinabihan niya ako na wag ko daw pagsabi kasi nga baka magka-issue kami, ayaw niya daw masira yung image niya. 

Naghiwalay nakami ng landas nina Jen at Kyla dahil nga opposite directions ang tinitirhan namin. Pero bago ako lumabas sa school sinabi ko sakanila na may bibilin muna ako sa school canteen. Yung Lays ni Panget! Pagtapos kong binili yun dumiretso na ko sa labas...inaasahan ko na nasa gate siya, pero wala! -_- Prank niya ito? Bahala siya pagtapos kong bumili ng tatlong Lays!

Hinintay ko pa siya ng mga 10 mins. Pero hindi siya dumating. Bahala siya. Uuwi na ko. Nakakainis. Ayaw na ayaw ko naghihintay.

"Bahala siya sa buhay niya! Ako nalang kakain ng mga to!"-- Sabi ko na irita. Binuksan ko yung Lays. 

"Akina nga yan!"- Sabi naman niya na biglang sumulpot from nowhere! Hindi ko naman siya pinansin sa galit ko.

"Oi, wag ka nang mag inarte, kinausap ko lang si Princess"-- Sabi niya. Na curious naman ako. Tiningnan ko siya pero iritated parin ako.

"Oh, napano my loves so sweet mo?"-- sabi ko sakanya.

"Yuck, jejemon ka?"-- Sabi niya na parang ayaw na ayaw sa jejemon.

"Ah ganon?"-- Sabi ko sakanya.

"Wala naman kaming pinag usapang importante, yun nga, humingi siya ng sorry sakin"-- Sabi ni Xandre. 

"Sorry? Sayo? Hindi ba dapat sakin siya mag sorry?"--Sabi ko na nakataas yung kilay.

"Eh, yun ba, baka nahihiya siya sayo, baka humahanap pa ng chempo"- Sabi naman niya habang kinakain yung Lays.

"Oh"-- Sabi ko naman. Wala akong gustong i comment tungkol sa babaeng yun.

"So, mag kwento kanaman, ano yung mga achievements mo na sa buhay"-- Sabi naman niya. Wow parang ang tanda ko na para itanong yung mga yan.

"Black Belter ako ng taekwando bago ako mag high school"-- Sabi ko. Ba, totoo naman. Naubo naman siya. As in lumabas sa bunganga niya yung lays. 

"*ubo* *ubo* What?! Ikaw?! Black Belter?! HAHAHAHA You gotta be kidding me!"-- Sabi niya na hindi naniniwala.

"Tamo tong taong to! Ayaw pa maniwala. hindi na ko mag ku-kwento"-- Sabi ko naman na medyo nainis, pano kaya ayaw maniwala.

"Oo na, sige na naniniwala nako"-- Sabi nya na parang may pagka alanganin pa pero hindi ko na siya pinansin.

"O ikaw? Achievements mo?"- Sabi kong tanong sakanya.

"Well, lagi akong escort sa school"-- Sabi niya. Tanga ba tong lalaking to, o engot siya? Achievements, hindi payabangan!

"Bahala ka na talaga jan!"-- Sabi ko.

"Oi,totoo naman eh, achievements yon! Ang dami kayang gwapo sa america no"-- Sabi niya. What? Sa America?

"Anong america?"-- Sabi ko naman.

"Bobo neto, America, yung bansa!!"-- Sabi niya na tumingin pa sakin.

"Mas bobo ka yata eh"-- sabi ko. Napatingin naman siya sakin saka tumawa.

"Hindi naman kasi yun yung tinutukoy ko!"-- Sabi ko.

"Joke lang naman eh, kasi mula first grade, sa america na ko nag aral so, ang naging escort till fifth grade is ako syempre, gwapo eh"-- Sabi niya sabay hawak sa mukha niya.

"So nung 6th grade hindi na ikaw?"-- Sabi ko.

"Syempre baliw, bumalik nakami dito sa Pilipinas"-- Sabi niya.

Naglakad lang kami. until makarating nakami sa apartment ko. Pinapasok ko lang siya sandali...Nakita naman niya yung ibinigay na stuffed toy ni Liam, yung minions. Saka niya nilaro laro maya maya, bigla nalang niyang sinakal sakal. May diperensya talaga siya.

"Hoy hoy! Anong ginagawa mo dyan sa minion ko!?"-- Sabi ko na medyo pasigaw. Pinapatay niya yung kawawa kong minion eh, sinakal niya.

"Haha, OA"-- Sabi niya. Binara nanaman sakin.

"Tama na! Aba!"-- Sabi ko naman kasi talagang sinusuntok at hinahampas niya yung ulo nun sa table. Sadista naba siya?

"Galing sakanya to diba?"-- Sabi niya.

"Oo, kaya wag mong sirain!"-- Sabi ko.

"Sirain ko na, bili nalang kita ng bago"-- Sabi niya. Ano ba? Nababaliw na talaga siya.

"May sentimental value yan eh!"- Sigaw ko sakanya pero hindi naman ako galit. Tumigil naman siya at tumiingin sakin. Kinabahan naman ako.

"At yung ibibigay ko walang sentimental value?!"-- Sabi niya parang nainis.

"Ah, meron naman pero syempre galing kay Liam yan eh"-- sabi ko naman.

Lumapit naman siya sakin at tinapon niya sa gilid yung minion. Lumapit naman na siya ng lumapit. Hanggang sa nasa harapan ko na siya. Nung nasa tapat ko na sya, at bigla niyang nilapit yung muka niya sa muka ko, maybe 1 inch away nalang. Hindi naman ako kumurap. Matagal, matagal akong nakatitig sa mukha niya, ganon din naman siya sakin kinakabahan ako.. haggang sa...

"Boo"-- Sabi niya sakin. Tahimik lang ako. Pero maya maya, tumawa nako. Sira ulo talagang Xandre to! Ang engot. 

"Kala mo no"-- Sabi niya sakin. Ano nanaman?

"Anong akala ko?"- Sabi ko sakanya.

"Hindi pa ngayon yung kasunod non"-- Sabi niya.

"What?!"-- Sabi ko naman, tinutukoy ba niya is, yung kiss nung ball?

"You know what I meant right?"-- Sabi niya. Actually yes. But i prefer not to know. Umiling ako. 

"Alam mo ba nung ginawa ko yon, akala ko ang laking pag kakamali, pero okay naman pala"-- Sabi niya. Naiilang naman ako sa mga pinag sasabi niya.

"Wala na akong matandaan"- Yun nalang yung nasabi ko. 

"Kunwari kapa, lagi ka ngang umiiwas pag yun na yung pinag uusapan eh"-- Sabi niya. Lalo naman akong nailang.

"Alam ko naman kasing aksidente lang yon eh"-- Sabi ko naman. Bat ko pa ba iiwasan? Nangyari na eh.

"Pinakamagandang aksidente so far"-- Sabi naman niya. Ano namang ibig sabihin niya?

"Ha?"-- Sabi ko naman.

"Sabi ko naman, pinaka magandang aksidente sa buhay ko yon"-- Sabi niya. Nalilito ako sa lalaking to ah.

"Sira ka talaga"-- Sabi ko.

"Matagal na kong sira"-- Sabi naman niya.

Mga 7pm nang umalis ng apartment ko si Xandre, nag kulitan lang kami sa loob at saka nag miryenda ng konti. Since malapit lang naman yung apartment nila, pwede siyang magpagabi. Ngayon, hindi na ko masyadong naiilang sakanya kasi nga napag usapan nanamin yung nangyare sa ball. 

At nung gabi, nag text text lang kami. I think, this is Xandre's Day. Kasi mula kaninang umaga siya lang kausap ko. Si Liam, eh parang busy. Natapos nakaming nag text ng 11 pm. Pinaguusapan lang namin eh, yung kagwapuhan niya. 

"

"

A School Hearthrob is in love with a pig. [ DAILY UPDATED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon